Chapter 11: Q & A (Part I: Periods)

600 29 0
                                    

Brylant POV

Nakauwi na kami sa bahay. 10:30 na ng gabi ngayon. Ang dami naman kasi nilang ginawa sa Festival. Nanood pa nga ng sine eh. Sus. If I know, gusto lang nila akong makasama dahil sa kagwapuhan ko.

Nga pala, karga ko si Savannah ngayon. Bridal style para mas madali. Ang gaan niya lang naman kasi. Hindi nga yata lalagpas sa 60kg 'yung weight niya eh. Matangkad din siya, tingin ko mga 5'6 o 5'7 'yung height niya. Habang ako, 5'10.

Teka... Bakit ko ba 'to sinasabi? Hindi naman 'to mahalaga. Ang mahalaga, ay 'yung kapogian ko. 'Yun lang ang bukod tanging mahalaga. Hindi na kailangan 'yung basic informations tungkol sa'kin dahil nakapagpakilala na ako. Kaya kapogian ko nalang.

Hindi ako mahangin at mayabang ha? Sadyang proud lang ako at pinagmamalaki ko na sobrang pogi ko. Sobrang pogi ko na pati mga lalaki pwede nang mabakla 'pag nakita na nila ako.

Lalo na itong babaeng karga-karga ko ngayon. Isa din 'to sa mga babaeng napogian sa'kin kaya kami naging-M.U. Alam ko na naging M.U. talaga kami dahil sinabi na ng mga kaibigan niya kanina habang nasa kotse kami. Sinabi nila na nagkagusto sa'kin si Savannah. At dahil nagkagusto din ako sa kanya, naging M.U. talaga kami. At dahil din 'yon sa sobrang pogi ko.

Balik tayo kay Savannah. Kanina pa siya natutulog. Nasa biyahe palang kami, natutulog na siya. Ako nalang 'yung nag-drive ng sasakyan ni Marsha nung pauwi na kami dahil antok na din siya.

Pumasok na ako sa kwarto ni Savannah at hiniga siya sa kama niya. Tulog na tulog na talaga siya. Dapat ko ba siyang palitan ng damit? Kasi kanina niya pa suot 'yung damit niya. Kaso, kapag pinalitan ko naman siya ng damit ibig sabihin, makikita ko 'yung... 'yung...

Tss. 'Wag na nga lang. Wala akong karapatang palitan siya ng damit at makita 'yung ano niya dahil walang kami. Tsaka nirerespeto ko din naman siya, syempre. Tinanggal ko nalang 'yung heels na suot niya at 'yung bag niya para kahit papaano, komportable din siyang matulog. Tinanggal ko na rin 'yung tali niya.

Napaisip ako, tatanggalin ko rin kaya 'yung palda na suot niya? Baka kasi hindi siya nakasuot ng short. Silipin ko kaya?

O____O

Ano ba 'tong pinagsasasabi ko? Hindi ba parang minamanyakan ko na si Savannah? Aish. Antok lang siguro 'to. Nilagyan ko nalang ng kumot si Savannah para hindi siya lamigin.

Lumabas na ako sa kwarto ni Savannah pagkatapos nun at pumasok sa kwarto ko para matulog na. Night.

_______________

Bea POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw mula sa bintana ng kwarto ko. Teka... Pa'no ako napunta dito? Sa pagkakaalam ko, sa kotse ako ni Marsha natulog kagabi.

Ahhhhhhh. Baka dinala lang ako ni Brylant dito. Alangan namang si Kyan, 'di ba? Speaking of Kyan, naalala ko. May papatulong daw siya sa'kin ah. Sabi niya kahapon. Hala. Nakalimutan ko.

Sus. Okay lang 'yon. Siguro naman, kaya na ni Kyan gawin kung ano man 'yon. Malaki na si Kyan. Hindi na siya bata. Hayssss. Ito na naman ako. Kyan na naman. Kaya hindi ako makapag-move on eh. Lagi nalang si Kyan 'yung nasa isip ko. Psh.

Tumayo na ako at naligo. Hindi pa naman ako naghilamos kagabi.

After 30 minutes

Lumabas na ako sa banyo at nagbihis. Ano naman kayang pwedeng isuot? Aish. Wala akong maisip at mapili.

Alam niyo 'yun? 'Yung ang dami mong damit pero wala kang masuot. Okay lang naman sa'kin na magsuot ng kahit anong damit. Ang problema, dalawang lalaki 'yung kasama ko sa bahay. Kaya hindi ako pwedeng magsuot ng revealing na damit.

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon