Saturday
Bea POV
Huhu. Ang bilis ng araw. Ngayon na. Aalis na ako dito sa bahay... At... At titira sa isang bubong kasama silang dalawa.
T____T
Okay lang naman sa'kin na tumira kasama sila. Hindi ko lang alam kung handa na ba akong makita ulit siya after 6 months.
Kasi hindi talaga siya nagpaparamdam. Wala akong naririnig tungkol sa kanya. So, hindi ko talaga alam if I'm ready.
Although I know that I still love him, I'm not sure if I'm ready to see him. And worst, live with him.
I sighed. Matatapos na akong mag-empake. Nilagay ko na 'yung last pair of clothes ko tapos sinara ko na 'yung maleta ko.
Isang violet na maleta at traveling bag lang 'yung dala ko. Pwede naman akong magdala ng kahit ilang maleta kung gusto ko dahil may kotse naman ako.
Kaso nakakatamad. 9 months lang naman. Pwede din naman akong bumalik dito at kumuha ng gamit dito sa bahay.
Lumabas na ako ng kwarto habang dala 'yung maleta at traveling bag ko. "Kuyaaaaaaaaa!" Sigaw ko.
Shunga ko pala. Bakit ko tinatawag si Kuya? Eh soundproof nga pala 'tong mga pinto dito.
No choice. Iniwan ko muna 'yung maleta at traveling bag ko bago pumunta sa kwarto ni Kuya. Hindi na ako kumatok. Basta pasok nalang.
Naabutan ko si Kuya na nakadapa at gumagamit ng laptop. Mukhang may inaayos. Naka-earphone pa siya.
"Hoy!" Sigaw ko. Napatigil siya at tumingin sa'kin. "Bakit ganyan bihis mo? Sa'n ka pupunta? May lakad?" Tanong niya.
=____=
"Aalis na ako dito sa bahay ngayon." Sagot ko. "Oo nga pala. Bakit ka nandito?"
"Tulungan mo ako. Hindi ko kaya dalin 'yung maleta ko pababa."
Napa-pokerface siya. "Hindi mo ba pwedeng iutos kay manang?"
"____"
"Matanda na si manang. Tsaka day off niya kapag Saturday, 'di ba?" Tanong ko kahit alam ko naman 'yung sagot. Sumimangot pa siya bago tumayo.
"Nasa'n na ba gamit mo?"
"Nasa tapat ng kwarto ko. Isang maleta at traveling bag lang naman eh."
Tumingin ulit siya sa'kin habang nakasimangot. "'Yun lang pala 'yung dala mo. Tapos magpapatulong ka pa?"
I rolled my eyes. "Duh! Ang bigat kaya ng maleta ko, ya know? Kaya kailangan ko ng tulong."
Hindi na siya sumagot at lumabas ng kwarto. Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ko.
Binuhat niya 'yung maleta ko. "Ikaw na magdala ng traveling bag mo."
=____=
Ang gentleman talaga ni Kuya. Nakakainis. Binitbit ko na 'yung traveling bag at sumunod sa kanya.
"Hanggang sa kotse ko, Kuya. Para madali lang." Binuksan ko 'yung back seat at nilagay ni Kuya 'yung maleta ko dun. Nilagay ko na din 'yung traveling bag.
Tumingin ako kay Kuya. "Ya know again, Kuya. You should get a girlfriend. Magiging lonely ka na dito sa bahay."
"Tss." Sagot lang niya tapos pumasok ng bahay. Sanay na ako. Mula nung naging 8 years old ako, hindi na kami sweet ni Kuya gaya ng dati.

BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Teen FictionAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...