Bea's POV
Since wala naman akong gagawin dito sa bahay, nagbukas nalang ako ng FB at post ni Brylant ang sumalubong sa'kin.
Brylant Soliven feeling sad 😞
Bakit ang bilis magalit ng mga babae? Ano yung dahilan? Galit na naman siya sakin eh 😞
23 reactions | 8 comments
Sus. Nagdadrama na naman si Brylant eh. Tiningnan ko 'yung mga comment.
Evalyn Andrada Soliven
Alam mo, anak. Depende naman yan sa babae. Depende kung gaano kahaba yung pasensya niya. Depende din yan sa nagawa mo kung bakit siya nagalit. Wag kang mag alala, anak, mag sorry ka lang o kaya yakapin mo siya, mapapatawad ka na niya. Hehe.
Mama ulit ni Brylant. Active siya lagi, 'no? Laging nag-co-comment sa status ni Brylant.
Mark Ezekiel Soliven
Alam mo Brylant, ganyan talaga ang mga babae. Moody kaya pagpasensyahan mo na.
Isa pa 'tong si Ezekiel. Active din. Moody? Kaming mga babae? Psh. May naging girlfriend na nga pala siya. Nung grade 10 siya. Grade 8 'yung girlfriend niya.
Kaso hindi siya kaklase ni Brylant. Ang alam ko kasi, first section si Brylant. Eh second section 'yung naging girlfriend ni Ezekiel.
Hindi ko alam kung sila pa rin ba pero wala na akong pakialam.
Norman Alvarez
Nako Brylant. Pinagpapalit mo na ako ah. Sino ba yang girl na sinasabi mo?
Nag-comment din si Sir Norman? Si Sir Norman ay isa sa mga highschool teachers sa Kim University. Close din sila ni Brylant at Kyan.
Kasi naging advisory niya si Brylant nung grade 7 siya at si Kyan nung grade 10 siya.
Xian Owen Fernandez
Pag-uusapan natin yan sa school XD
Loko-loko talaga 'tong si Kuya Xian. Sa kanya siguro nagmana si Xander, kapatid niya.
Makapag-post nga rin ng status. Nainggit ako kay Brylant eh.
Bea Yu feeling sick 😷
Alone dito sa bahay. Di nakapasok eh. Ang daming masakit sakin 😞 Unang-una na yung puso 💔
Yeah. Wala akong pakialam kung walang mag-like. Magdadrama ako ngayon.
Bea Yu feeling depressed 😢
Ang sakit-sakit na. Makakalimutan ko pa ba to? Kung oo, paano?
And since broken hearted ako, huhugot ako.
Bea Yu feeling hurt 💔
Minsan, kahit mahalin mo pa yung isang tao nang sobra-sobra, iiwan ka din niyan kapag nagsawa na siya.
Bea Yu feeling mad 😠
Yung tipong ang tagal mo siyang pinangarap tapos nung napunta siya sayo, mawawala din pala. Darn. Napunta pa?
Bea Yu feeling mad 😠
Bakit ganon? Kapag minahal mo nang sobra yung isang tao, iiwan ka. Wag nalang kaya ako magmahal para happy lang?
Bea Yu feeling sad 😞
Guys, nagmahal na ba kayo nang sobra at iniwan kayo?
![](https://img.wattpad.com/cover/55107524-288-k981893.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Teen FictionAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...