Chapter 25: Date (Part VI: Message)

423 14 4
                                    

Brylant's POV

Nandito na kami sa beach na sinasabi ko. Pinagbuksan ko ng pinto si Sav. "Brylant bakit tayo nandito?" Tanong niya pagkababa niya ng kotse ko.

"Dito... Dito ako dati nagpunta nung nalaman kong kayo na ni Kyan. Dito ko nilabas lahat ng sama ng loob ko nung nalaman kong sinagot mo na siya. Sinigaw ko lahat ng nararamdaman ko dito. Lahat ng hinanakit ko mula grade 7 pa ako hanggang nung malaman kong kayo na." Sagot ko habang naglalakad kami papunta sa pinuntahan ko din dati.

Napatingin siya sa'kin at parang gulat na gulat siya. Alam kong magugulat talaga si Sav kasi hindi niya alam na matagal ko na siyang mahal at matagal na akong naghihintay sa kanya. Kanina ko lang sinabi sa kanya sa kotse.

"Brylant sorry talaga. I'm really very sorry. I never knew na... 'yun nga, may gusto ka pa rin pala sa'kin. I'm sorry."

Ngumiti ako. "Hindi mo kailangang mag-sorry and you don't need to feel sorry. Kasalanan ko din naman kasi naging duwag ako, naging torpe ako. Hinihintay ko lang talaga 'yung tamang panahon at tamang edad para makapagtapat sa'yo. Kasi narinig kita dati, sabi mo, tatanggap at magbo-boyfriend ka lang pag 18 ka na. Kaya nagulat din ako nung nalaman kong nililigawan ka ni Kyan nung 13 years old ka. Tapos sinagot mo siya nung 15 ka."

Nakita kong nagbago 'yung expression niya. Kanina malungkot lang. Pero ngayon mukha siyang malungkot at nagg-guilty kaya iniba hinawakan ko agad 'yung kamay niya at nagsalita, "Nandito na tayo Sav. Dito 'yung eksaktong lugar na pinuntahan ko dati."

"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon