Chapter 17: It Hurts

556 20 0
                                    

Bea's POV

Nagising ako at nakita si Brylant na nasa sofa ng kwarto ko. Eh? Paano siya napunta dito? Napatingin naman ako sa wall clock ko. 6:30 pm.

Halos dalawang oras pala ako nakatulog? Eh si Brylant kaya? Tsaka pa'no ako napunta dito? Binuhat na naman siguro ako ng lalaking 'to.

Sana ginising niya nalang ako. Para naman hindi na siya nahirapan. Gentleman din pala siya. May respeto din.

Lumapit ako sa kanya at tinapik-tapik siya. "Bry... Bry... Bry!" Paggising ko sa kanya.

O____O

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin at yakapin nang mahigpit kaya napunta ako sa ibabaw niya. Shuta. Nararamdaman ko na naman 'yung abs ni Brylant.

Pinilit kong makawala sa yakap ni Brylant pero masyadong mahigpit 'yung yakap niya sa'kin. Tinapik-tapik ko ulit siya. "Brylant... Brylant... Huy! Gising na!"

Waepek pa rin kaya sumigaw na ako sa tenga niya. "Brylant Jayden Andrada Yap! Gising na!!!!!!!!"

"Lizel?!" Biglang sigaw ni Brylant sabay upo niya. Muntik na tuloy akong mahulog. Tsaka teka... Lizel? Babae?

"Lizel? Sino 'yon?" Tanong ko habang naka-Indian sit sa sahig at nakatingin sa kanya. Sino kaya si Lizel?

"H-ha? Si Lizel? Wala. Wala. Kakilala ko lang dati nung grade 8 ako." Sagot niya. Tumango-tango nalang ako.

Hindi ako manhid at tanga para maniwala sa sinabi ni Brylant. Halata namang hindi niya lang 'yon basta kakilala. Alam ko na naging special o special 'yon para kay Brylant.

"Sav? Okay ka lang? Bakit parang ang sama ng tingin mo sa'kin?" Narinig kong sabi ni Brylant. "Wala. Normal lang na tingin ko 'yan."

Tumayo ako at pumunta sa banyo. Bad mood na naman ako. Aish. "Brylant lumabas ka na ng kwarto ko! Maliligo na ako! I need some privacy!!!!!"

"Opooooooooo!"

____________________

Kyan's POV

"Boy, anong oras ka uuwi?" Tanong ko kay Ezekiel. "Mamaya pa, boy. Tatapusin ko pa 'tong ginagawa ko. Baka mag-OT na din ako. Ikaw? 'Di ka pa uuwi, boy? Baka hinahanap ka na ni Bea." Saad niya.

"Bakit niya naman ako hahanapin?"

"Wala. Ge na boy. Tatapusin ko pa 'tong ginagawa ko."

Tinapik ko siya sa balikat. "Ge boy. Una na ako."

"Ge."

Umalis na ako sa office at dumiretso sa parking lot ng kumpanya. Anong araw na ba ngayon? Monday palang pala.

Matagal pa 'yung report ko. Gagawin ko na 'yun sa mismong Powerpoint mamaya. Sinulat ko lang kasi 'yung mga sinabi ni Savannah kahapon.

Habang kausap ko siya, aaminin ko, nakita ko na naman 'yung mga dahilan kung bakit ako na-in love sa kanya.

Tsaka parang hindi siya galit sa'kin. Parang hindi siya nagalit sa'kin kasi sinaktan ko siya at pinaiyak. Ang bilis niya kasing magpatawad. 'Yung kahit hindi ka pa humihingi ng sorry, napatawad ka na niya.

Kung alam lang ni Savannah 'yung dahilan kung bakit ako nakipaghiwalay...

__________________

Brylant's POV

Lumabas na ako sa kwarto ni Sav at pumunta sa living room. Umupo ako sa sofa.

Aish. Galit na naman siya sa'kin. Ano na naman kayang nagawa ko? Bakit galit na naman sa'kin si Sav?

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon