Chapter 20: Date (Part I: Babe)

529 19 2
                                    

Brylant's POV

"Anong ginagawa natin dito sa mall, Brylant?" Tanong ni Sav babes sa'kin pagkababa namin ng kotse ko.

"Ano bang ginagawa sa mall?"

"Depende sa tao. Tss."

Ayan na, nagsusungit na naman si Sav babes.

"Nagsusungit ka na naman."

"Shut up."

Tumahimik nalang ako kesa ma-bad mood na naman si Sav sa'kin. Kaya nga ako umuwi para may makasama siya at maging masaya.

Pinayagan naman ako ni Sr. Flores at ni Sr. Mark, adviser namin.

Tatlong lugar kasi 'yung pagdadalhan ko kay Sav babes. Una, dito sa mall. Pangalawa, kapag siguro mga hapon na, sa park. Last, sa beach.

Baka nga gabi na naman kami makauwi eh. Okay lang naman kasi nag-iwan ako ng note sa ref. Nakalagay,

"Kyan, umalis kami ni Sav babes. Baka gabi pa kami makauwi

~Brylant"

Para alam ni Kyan na umalis kami.

"Sav," Tawag ko habang nakatingin sa kanya.

"Oh?"

"Kumain ka na ba?"

"Oo."

"Gusto mo kumain ulit?"

"Ewan. Depende sa'yo kung gusto mong kumain."

"Kain tayo. Hindi pa ako nagla-lunch."

Napatingin siya sa'kin. "Hindi ka pa nagla-lunch? Sana sinabi mo agad. Tss. Loko ka, Brylant. Tara kain tayo."

"Saan?" Tanong ko habang nakatingin pa rin sa kanya.

"Saan mo ba gusto?" Tanong niya pabalik. "Kung saan mo gusto. Ikaw naman 'yung kakain."

"Ibig sabihin, ako lang kakain?" Tanong ko. "Kakain din ako pero ikaw 'yung magdedesisyon."

"Bakit ako? 'Di ba dapat ikaw kasi ikaw 'yung babae?"

Napa-pokerface si Sav. "Edi ako na. Tara sa Greenwich." Hinila na niya ako papuntang Greenwich.

"Babe, anong kakainin natin?" Tanong ko pagkapasok namin. "Bahala ka. Hanap muna tayo ng upuan."

Nakahanap na kami ng upuan, 'yung pang-dalawahan lang. Umupo kami.

"Babe, anong gusto mong kainin?" Tanong ko. "Babe? Babe talaga, Brylant? Ang baliw mo, 'no? Kung hindi Sav, Sav babes, kung hindi Sav babes, babe naman. Ano ba, Brylant?"

"Sa ngayon, babe muna kasi nandito tayo sa mall. Para isipin nila na tayo na. At para walang manligaw sa'yo." Seryosong sagot ko.

Nakita ko na nag-blush siya. "Tss. Um-order ka nalang. Kung ano-ano na nasasabi mo dahil sa gutom." Pagsusungit na naman niya habang nakataas 'yung kilay.

Kinindatan ko siya. "Okay babe. Ako nang bahala sa kakainin mo." Tumayo na ako at um-order ng pagkain.

_________________

Bea's POV

Pinanood ko lang si Brylant habang nasa counter siya. Babae pa naman 'yung cashier at mukhang nakikipahlandian pa siya kay Brylant.

O____o

Nagulat ako nung bigla akong tinuro ni Brylant kaya napatingin sa'kin 'yung babae. Inirapan niya naman ako.

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon