Chapter 10: Mall

681 27 2
                                    

Bea POV

"Uyyyy, guys, sa'n ba talaga tayo? Kanina pa tayo paikot-ikot dito ah. 'Di pa ba kayo napapagod?" Naiinis na tanong ko kila Marsha at Francis. Nakaakbay pa rin sa'kin si Brylant habang nakasandal 'yung ulo niya sa balikat ko. Nagtataka nga ako eh, hindi ba siya nangangalay? E, ang tangkad-tangkad niya. Hanggang bibig niya lang ako.

"Naghahanap kami ng makakainan." Sagot ni Marsha. "Naghahanap ng makakainan? Jusko. E, ang dami-daming kainan dito. Puno lang." Sagot ko.

Tumigil si Marsha kaya napatigil din kami. "'Yun nga eh. Ang daming fast food chain, puno naman." Sagot ulit ni Marsha. "Hay nako. Dapat sinabi niyo sa'kin, edi sana kanina pa tayo kumakain." Biglang sabi ni Brylant.

*____*

"Bakit naman?" Tanong ni Francis. "Nagpa-reserve kasi ako sa Max's, apatan pa 'yun."

Hinampas ni Marsha si Brylant. "Leche ka! Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Malay ko bang 'yun pala 'yung dahilan kung bakit tayo kanina pa ikot nang ikot? Dapat kasi sinabi niyo na. Tsaka malay ko bang hindi matutuloy 'yung lakad naming magkakaibigan?" Katwiran ni Brylant. Ang haba ng sinabi niya ha.

"Hay nako. Pero dito ba 'yon sa Festival? Baka mamaya hindi naman pala." Ani Francis habang nakatingin kay Brylant. "Dito 'yun sa Festival. Dito rin kasi namin napagplanuhan 'yung lakad namin. Kaso 'di nga natuloy."

Hinawakan ni Francis sa balikat si Brylant at tumango-tango. "Ganyan talaga mangyayari kapag nagplano kayong magkakaibigan, hindi natutuloy. Kaya nga bigla nalang namin sinabi kay Bea eh. Para matuloy." Saad niya.

"Hays. Tara na sa Max's, gutom na ako." Sabi ni Francis at nauna nang maglakad. Psh. Kanina pa kami paikot-ikot eh. 'Di man lang nagsasalita si Brylant.

"Huy, Brylant," Tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa'kin lero nakaakbay pa rin siya. "'Di ka ba nangangalay? Kanina ka pa nakaakbay sa'kin ah." Sabi ko habang nakatingin sa kanya.

Umling siya. "Hindi pa naman."

"Pero ako nangangalay na." Ani ko. "Bakit ka mangangalay? E, nakaakbay lang naman ako sa'yo." Aniya.

"Kasi hindi ako makagalaw nang maayos. Kanina ka pa kaya nakaakbay sa'kin." Tinanggal niya 'yung pagkakaakbay niya sa balikat ko. Magsasalita na sana ako nang ipulupot niya 'yung kamay niya bewang ko.

*____*

Loko-loko 'tong lalaking 'to. Tinanggal 'yung pagkakaakbay niya sa'kin pero pinulupot naman niya 'yung kamay niya sa bewang ko. Seriously? What's with this guy?

"Hoy, anong trip mo?" Tanong ko habang nakatingin at nakakunot ang noo sa kanya. "Wala naman. Hindi lang talaga ako sanay na walang inaakbayan kapag naglalakad, o kaya naman hinahawakan. Kasi, alam mo naman, 'pag naglalakad ako, palagi akong may hawak. Kadalasan, panyo."

*____*

Grabe siya. Ang haba ng sagot eh. "Nasa'n 'yung panyo mo?" Tanong ko. "Nasa bulsa ko."

-____-

Tinanggal ko 'yung kamay niya sa bewang ko habang naka-pokerface. "Ewan ko sa'yo, Brylant. Hindi ko maintindihan 'yang trip mo." Sinabayan ko nalang sila Marsha sa paglalakad dahil baka masuntok ko pa si Brylant.

Alam niya bang siya 'yung unang lalaking humawak sa bewang ko? Kasi kahit naging kami ni Kyan, never niya akong hinawakan sa bewang dahil nirerespeto niya daw ako.

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon