Bea's POV
"Saan ako magbibihis?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.
Ngumisi siya. "Dito sa harap ko."
O____O
WTF?! "Tigil-tigilan mo ako, Brylant. Saan nga ako magbibihis? Wag mong sabihing papasok ulit tayo sa mall?"
"Babe, babalik naman talaga tayo ulit dyan para kumain ulit. Kaso mas maganda na din kung dito ka magbibihis sa loob para wala na tayong dadalhin papasok ng mall."
"K fine. 'Wag na 'wag kang sisilip."
"Hindi ko naman makikita kasi tinted 'yang bintana."
"Pag nilapit mo 'yang mukha mo sa bintana, makikita mo."
Binuksan niya 'yung pinto sa backseat at tinulak ako papasok.
"Hindi kita sisilipan, babe. 'Wag kang mag-alala." Sinara na niya 'yung pinto. Umusog ako sa kabilang dulo para hindi niya talaga ako makita.
Hinubad ko na 'yung suot kong t-shirt at tumingin sa labas. Katawan lang ni Brylant 'yung nakita ko. Malamang nakapatong 'yung mukha niya sa bubong nitong kotse niya.
Sinuot ko na 'yung t-shirt ni Brylant at as expected, malaki talaga siya pero mukha namang bagay sa'kin.
Tsaka mas gusto ko kasi 'yung mga oversized shirts kasi sobrang komportable ko pag gano'n 'yung suot ko. Ang presko lang sa pakiramdam.
Feeling fresh kumbaga.
Lumabas na ako at tiningnan si Brylant. "Yow," Tawag ko sa kanya.
Napatingin siya sa'kin at napangiti. "Ang ganda mo babe. Bagay sa'yo 'yang damit ko."
=____=
"Magbihis ka nalang."
Ngumisi na naman siya. "Saan? Dito sa harap mo o sa harap mo mismo?"
=____=
"Sa loob ng kotse mo." Naka-pokerface kong sagot. "Babe,"
"What?"
"Ang sungit mo na naman."
=____=
"Pinapairal mo na naman 'yang kamanyakan mo eh."
"Aray ko Sav ha."
"Shut up ka nalang, Bry. Magbihis ka nalang para makabalik na tayo sa loob kasi ang init na."
Tumango-tango siya. "Oo na po."
Binuksan na niya 'yung pinto ng kotse niya at pumasok habang bumubulong bulong.
Napa-pokerface nalang ako.
__________________
Brylant's POV
"Under ako sa'yo Sav ha." Bulong ko bago pumasok sa kotse ko at magpalit ng damit.
Moody talaga sya. Ang bilis niyang magalit, tapos maya-maya nakangiti sya, tapos magagalit na naman.
Minsan talaga, ay mali, madalas talaga hindi ko maintindihan yung mga babae. Lalong-lalo na si Sav.
Moody ba siya dahil sa period niya? O moody na talaga siya kahit wala siyang period?
Natapos na akong magpalit ng damit kaya lumabas na ako. Nakita ko siya na may ka-text kaya tinanong ko siya, "Babe sinong ka-text mo?"
Tumingin siya sandali sa'kin bago sumagot, "Si Kuya. Kinakamusta ko lang. Tara na?"
![](https://img.wattpad.com/cover/55107524-288-k981893.jpg)
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Fiksi RemajaAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...