Kyan POV
"Sabi nila, looks lang daw 'yung tinitingnan ng mga babae sa lalaki. Totoo ba 'yun o ano?" Tanong ko habang nakatingin kay Savannah.
Seryoso niya akong tiningnan. Napansin ko lang, iba na 'yung tingin sa'kin ni Savannah ngayon kumpara nung kami pa.
Huminga siya ng malalim bago nagsalita. "Hindi lahat ng babae itsura lang 'yung tinitingnan sa isang lalaki. Well, 'yung iba oo. Pero karamihan, hindi. Kasi kahit hindi naman ka-gwapuhan 'yung isang lalaki, nagugustuhan pa rin ng girls. Kasi madalas, sa attitude din 'yan. Siguro kung hahati-hatiin mo sa kung ano 'yung pinipili or nagugustuhan ng lalaki sa babae, siguro... Looks, 25 percent, attitude, 60 percent, background, 10 percent, past, 5 percent. Pero ako, sa sarili ko, wala akong pakialam sa past at background. Sa'kin, pantay lang 'yung dalawa. Parehong 50 percent. Opinion ko lang."
Hindi ako makapaniwala na sinabi ni Savannah. Sobrang matured na niya. Siguro dahil 18 na din siya. Tsaka ang tagal naming hindi nakapag-usap, kaya malamang, marami nang nagbago kay Savannah.
Tumingin nalang ulit ako sa laptop ko habang ka-chat si Ezekiel. Siya kasi 'yung nag-iisip ng tanong dahil wala akong maisip.
"Sandali lang, Kyan, magluluto lang ako ng cheesedog. Nagbago na isip ko. Nagutom ako bigla. Gusto mo?" Bigla niyang sabi kaya napatingin ako sa kanya. "Sige, salamat." Tumango siya at umalis.
Nag-chat ako kay Ezekiel.
Kyan: Naninibgo pa rin ako sa pag uusap nmin ni Savannah.
Ezekiel: Alangan, tgal niyo na kyang wla. Kasalanan mo rin nmn, nakipaghiwalay ka pa
Kyan: Cnabi ko na syo yung dahilan dba?
Ezekiel: Oo nga. Pinapaalala ko lng syo yung rason kung bkit ganyan c Bea
Kyan: Basta! Ano pa pwedeng itanong?
Ezekiel: Istorbo ka tlga. Itanong mo nlng kung cno sa tingin niya yung mas maswerte, babae o lalaki?
Kyan: Di nmn about sa girls yan
Ezekiel: At least may matatanong ka prin
Kyan: Ayos ba yung kung ano yung gusto ng mga babae?
Ezekiel: Dba natanong mo na yan?
Kyan: Hindi. Kung gusto ba nla ng surprise, o ano
Ezekiel: Bhla ka sa buhay mo
Ezekiel: Nsan pla c Bea? Kanina pa tyo nag-uusap ah
Kyan: Nagluluto
Ezekiel: Ng?
Kyan: Hotdog
Ezekiel: Gising na ba yung kapatid ko?
Kyan: C Brylant?
Ezekiel: Ay hindi. C Lawrence. Nandyan ksi cya eh
Kyan: Malay ko
Ezekiel: ......
Kyan: Ano?
Ezekiel: Anong ano?
Kyan: Anong anong ano?
Ezekiel: Anong anong anong ano?
Kyan: Huh?
Ezekiel: Ewan ko syo, gulo mo kausap
Kyan: Nahiya nmn ako syo
Ezekiel: Wlang patutunguhan tong pag uusap ntin
Kyan: Cnabi ko bang meron?
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Ficção AdolescenteAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...