Bea's POV
"Babe anong gusto mong kainin? Fish ball? Kwek-kwek? Kikiam? Squid ball? Barbeque? Isaw? Hotdog? Ice cream? Banana que? Tomato que? Halo-halo? French fries?" Dire-diretsong tanong ni Brylant sa'kin habang naglalakad kami.
Grabe ah. Nakaya niyang i-enumerate lahat ng 'yon? Kaso may kulang pa. 'Yung parang brownies na dugo naman talaga. Nakalimutan ko tawag. Tsaka paa ng manok
Hindi ako makasagot agad kasi awkward pa rin ako pagkatapos nang nangyari kanina sa kotse niya. Makakatulog kaya ako nito mamayang gabi?
"E-ewan. Ikaw bahala. Ano ba gusto mo?" Sagot ko kahit gusto kong kumain ng kwek-kwek, fish ball, squid ball, barbeque, hotdog, isaw, banana que, halo-halo at french fries
"Kung ano 'yung sa'yo, 'yun na rin 'yung akin."
"Barbeque nalang sa'kin." Sagot ko kahit gusto ko talaga kainin lahat. Favorite ko pa naman 'yung street foods.
Hinila niya ako sa dun sa may mga barbeque, isaw at kung ano-ano pa.
Humarap siya sa'kin. "Ilan sa'yo Sav?"
"Dalawa lang." Sagot ko since medyo malaki naman 'yung barbeque.
"Ate Glo anim nga pong barbeque." Sabi niya sa nagtitinda.
O____O
Anim? Ibig sabihin apat sa kanya? I giggled. SPG talaga siya, 'no? Nung kumain kami kaninang 3 pm, ang dami niya ding in-order.
"Seryoso Brylant? Anim talaga?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Tumango siya habang nakangiti. "Oo. Favorite ko kasi 'yung barbeque ni Ate Glo. 'Di ba Ate?" Sagot niya tapos tumingin kay Ate Glo yata.
Tumango si Ate Glo daw habang nakangiti at pinapaypayan 'yung anim na barbeque. "Oo. Suki ko itong si Brylant eh. Halos araw-araw 'yang nandito. Nagulat nga ako kasi may kasama siyang babae ngayon. Girlfriend mo, Brylant?" Tumingin siya kay Brylant.
Tumingin sa'kin si Brylant bago ngumiti at sumagot, "Hindi ko PA po siya girlfriend Ate Glo. Siya po 'yung babaeng kinu-kwento ko sa inyo lagi." Nakangiting sagot niya. Talagang diniinan niya 'yung "pa" ha.
Tumingin sa'kin si Ate Glo at ngumiti kaya nginitian ko din siya. "Aba hindi ko akalaing ganito pala siya kaganda. Mukhang mabait at medyo mahiyain. Anong pangalan mo, ineng? Bagay na bagay kayo ni Brylant." Aniya habang nakatingin at nakangiti pa rin sa'kin
Awkward akong ngumiti at sumagot, "Bea po. Bea Yu."
"Ikaw nga 'yung laging kinu-kwento ni Brylant sa'kin. Alam mo, tuwing pumupunta siya dito, ikaw ang unang-una niyang ikinu-kwento sa akin. Gustong-gusto ka nitong batang ito." Nakangiting saad niya habang nakatingin sa'kin tapos tumingin kay Brylant na kasalukuyang nagkakamot ng batok niya.
"Si Ate Glo naman binubuking ako. Buti umamin na ako sa kanya kanina." Saad ni Brylant kaya napatawa ako.
"Aba't ngayon ka lang umamin? Ang tagal-tagal mo na siyang ikinu-kwento sa akin tapos kanina ka lang umamin sa kanya? Ikaw bata ka talaga." Mahinang hinampas ni Ate Glo si Brylant
Nagkamot na naman ng batok si Brylant. "Eh kasi Ate Glo, may boyfriend siya no'n." Katwiran ni Brylant kaya napatingin si Ate Glo sa'kin.
"Ilang taon ka noong nagkaroon ka ng boyfriend, ineng?" Tanong niya.
"Nung 15 years old po ako."
Hinampas ulit ni Ate Glo si Brylant ng pamaypay. "15 pala siya nung nagkaroon ng nobyo tapos ika-katwiran mo sa akin na may nobyo pala siya. Eh noong 12 ka palang, ikinu-kwento mo na siya sa akin. Ilang taon ka na ngayon, bente ka na. Ibig sabihin walong taon 'yung sinayang mo Brylant. Ikaw bata ka talaga." Sermon niya tapos hinampas na naman si Brylant ng pamaypay.
BINABASA MO ANG
Living With My Ex And My Crush [Slow Update]
Teen FictionAnong gagawin mo kung kailangan mong tumira sa isang bahay kasama ang dalawang lalaki? Isang ex mo at isang lalaking gusto mo. Makakatulog ka ba ng maayos? Makakagalaw ka ba nang malaya sa bahay na titirahan mo? Pwede ka bang maging baliw sa harap n...