Chapter 15: Sorry

628 24 0
                                    

Francis's POV

Naglalakad-lakad ako dito sa covered court ng school dahil wala pa 'yung dalawa kong kaibigan.

Sila Savannah Beatriz Y. Soliven at Marsha Nicole F. De Veza. 'Yun 'yung name nila... kapag kinasal sila sa lalaking type ko para sa kanila.

Kay Bea, ayoko na kay Kyan kasi nakita ko na nasaktan talaga si Bea nung nag-break sila ng Tarsier na 'yun. Hmp!

Si Marsha naman, alam ko na matagal na siyang walang gusto kay Rayver pero trip ko silang dalawa. Bagay kaya sila.

Lalo na kapag nagkukulitan 'yung dalawang 'yun nung grade 12 kami? Naku! Bagay na bagay talaga sila. Kaso may gusto namang iba 'tong si Rayver. Tapos paasa pa siya. Sayang.

Hello... It's me. I was wondering if after all these years you'd like to meet. Charot! Ako si Francis Lucas Jacinto, ang apo ni Emilio Jacinto. Charot ulit!

Ako 'yung kaibigan ni Bea Yu na may ex na Tarsier at may gusto sa noodles. Noodles kasi medyo kulot si Brylant Soliven na crush ni Bea Yu. Ex niya din si Brylant... ex M.U.

Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Ang gulo niya. Minsan, si Brylant ang bukambibig. Minsan naman, si Kyan. Si Kyan lang kapag inaasar namin siya.

Lels. So walang kwenta 'tong mga pinagsasasabi ko kaya bye nalang.

__________________

Brylant's POV

"Bakit ka nga kasi sumabay sa'kin?" Tanong ko kay Sav habang nakatingin sa daan. "Hindi nga kasi ako masyadong nakatulog. Halos isang oras o dalawang oras lang yata 'yung tulog ko."

"Bakit naman?"

"Ewan ko. Naguguluhan ako kung bakit."

"Baka dahil sa p-wala pala." 'Di ko na tinuloy 'yung sasabihin ko dahil baka magalit sa'kin si Sav. Nagalit na nga kahapon sa'kin eh. Moody.

Siguro dahil sa period niya. Ang alam ko kasi, kapag meron ang isang babae, moody talaga sila tsaka masungit. Kaya siguro ganun si Sav kahapon sa'kin. Pero natural naman 'yung pagiging masungit niya ah.

Hindi ko maiwasan na hindi mamula kapag naaalala ko 'yung nangyari sa'kin kahapon habang bumibili ako ng napkin ni Sav.

Flashback

Lumabas na ako ng bahay at naghanap ng tindahan. Kailangan kong bumili ng napkin para kay Sav. Sisters daw.

"Pabili po..." Sabi ko sa tindera nang makahanap na ako ng tindahan. "Ano 'yon, pogi?" Tsk. Iba talaga nagagawa ng kapogian ko.

"Sister nga po na napkin." Parang gulat na gulat si Ateng dahil sa sinabi ko. "Inabutan po kasi 'yung girlfriend ko." Magalang na depensa ko.

Tumango-tango si Manang at kumuha ng napkin. "Ilan, iho?" Tanong niya. "Magkano po ba 'yung isang pack?" Tanong ko.

"Sais isa kaya 48 lahat." Sagot niya. Buti nalang 100 dinala ko. Makakabili pa ako. "Isang pack po tsaka sampung choco choco." Haha! Favorite ko kaya 'yung choco choco. Grade 8 palang ako.

Binigay na sa'kin ni Manang lahat kaya nagbayad na ako. May sukli pang 42 pesos. Okay lang. Pera ko naman 'to.

Napatingin ako sa napkin na hawak ko. Kasama na nakalagay 'to sa plastic na may choco choco. Buti walang masyadong tao dito. Kung meron, baka mapagkamalan pa akong bakla. Tsk. Sa gwapo kong 'to, bakla?

Living With My Ex And My Crush [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon