Chap-1
Maagang pumasok si Sin sa kanilang kompanya, at ngayong araw na ito ay ipakilala sa kanila ang bagong CEO. Nanalangin siyang sana mabait ito dahil kung hindi baka patalsikin siya. Naransan na niya noon na kahit wala ginagawa ay napatalsik siya dahil lang ang umaandar ang saltik sa utak ng naging boss niya noon.
Tunog ng takong ang naririnig patungo sa kanyang kinaroroonan kaya inaayoos niya ang sarili kung sino man ito, kailangan maganda ang kanyang ngiti kung sino ang kanyang makikita hindi pwedeng nakasimangot siya o wala sa mo. Ang kanyang boss na magreretiro ang dumating, kaya agad niya itong binati.
"Magandang umaga po Mr. Laberint," bati ni Sin at agad niya itong nilapitan para kunin ang mga kagamitan nitong dala at binati naman siya ng kanyang matandang boss. Pagkapasok nila mismong silid kung saan magtartrabaho kanyang boss ay agad niyang nilagay sa mesa ang black bag nito.
"Sir, coffee or water?" ngiting tanong ni Sin
"Just a glass of water Sin," sagot sa kanya at agad naman tinungo ni Sin ang isang maliit na silid kung saan nakalagay ang mga kagamitn pang kusina, nandoon ang kagamitan ng para sa magkape o mga juice at mga bote ng mineral water at isang dispenser at meron din maliit na single stove at isang microwave. Makikita sa pinaka tabi ang isang maliit na refrigerator. Agad kumuha ng tubig si Sin sa water depenser gamit ang isang baso at nilalagay sa isang tray na may place mat at tissue.
"Ito na po ang iyong cold water sir," sabay lagay sa may mesa ng kanyang boss. Hinilot muna ang sintido nito bago kinuha ang basong tubig.
"Mamaya pa darating ang maging CEO o maging bagong boss mo Sin, may imporante lang itong ginawa kaya mamaya pa ito makikita, sa ngayon gawin mo muna ang iyong trabaho at ako naman ay titingnan ang nasa mesa ko.
BANDANG mga alas dyes ng umaga may isang babae nakatayo sa harapan ng mesa ni Sin at tumikhim pa ito para makuha ang kanyang pansin.
"Ehem!"
Agad napatingala si Sin at napatitig sa babae.
"G-Good morning Miss, may kailangan po ba kayo?" tanong ni Sin.
" Nandiyan ba ang iyong boss gusto ko siyang makausap," aniya
"May appointment ka ba sa kanya ngayon?" tanong ni Sid.
Inis ang mukha ng babae, hindi na nakapigil at ito na mismong bumukas sa pinto ng silid ng kanyang boss at agad naman sinuway ni Sin ito at doon nakuha ang pansin ni Mr. Labirent .
"Miss, walang galang lang po bawal ka pong pumasok, pagwala kang appointment kay Sir." Pakiusap ni Sin sa babae.
"Sin its okey, meet your new CEO siya ang magiging boss mo , I just want to warned you na sasakit ang ulo mo sa kanya, kaya makiusap ako na habaan mo ang iyong pasyensya. And you young woman hindi porke anak kita hindi ka na marunong rumespeto , paano ka rerespetohin ng mga trabahador dito kung ikaw mismo hindi ka marunong rumespeto sa kanila. Napaisip tuloy ako, I will give you three months to handle this company Betrice , Kapag hindi mo kayang e handle, lahat ng luho na meron ka. I'll cut it off so your learned your lesson. You will start as a scrap." Diin at maotoridad na pagkasabi.
Hindi umimik ang babae sa sermon ng ama nakikinig lamang ito. At si Sin naman ay humingi ng tawad sa kanyang boss dahil hindi naman niya alam na anak niya ang naging bisita.
"Hindi mo kailangan humingi ng paumanhin Mr. Tolentino, ginawa mo lang ang iyong trabaho, pagpasyensyahan mo na din ang batang ito." Hinging paumanhin ng kanyang boss. Tumalikod na si Sin at sinarado niya ang pintuan at bumalik sa kanyang trabahong naiwan.
"Ito tandaan mo Betrice wala ka sa America o sa bahay natin na pwedeng umasta na akala mo kung sino ka, learn how to respect dahil hindi lahat ng oras ay nasa tabi mo ako o nandito kami para sa iyo. You already grew up, be matured," wika ng ama.
"Yes daddy," tanging sagot ni Betrice pero sa kanyang isipan nag-iisip na ito paano makaganti sa lalaking mukhang talangka.
Isang Buwan nakalipas maayos naman ang pakikitungo ni Betrice sa kanyang secretary na mukhang talangka sa kanyang paningin. Kahit sabihin hindi siya komportable na kasama ito pero ang kanyang ama ang nagsasabi mahusay at pagkakatiwalaan ito.
Tumingin si Betrice sa glass wall nakikita niya ang kanyang mukhang talangkang secretary. Yon ang kanyang bansag dito. Lagi niyang nakikita ang pagmumukha ng kanyang kalihim, na may malaking salamin sa mata na akala mo ay tutubi, at ang buhok nito ay madudulas ang langaw kapag dadapo dahil sa sobrang kintab pamada nilagay sa lolo. Dati-rati diretso magsalita pagkaharap ang kanyang ama pero ngayon kalahi yata ni budoy.
Hanggang may nakita siyang may kausap , napangiti si Betrice dahil ang kanyang mga kaibigang babaeay nandito binibisita siya, agad niyang inayos ang kanyang sarili na nagkukunwaring may binabasang papeles.
"Ma'am may bisita ka po, mga kaibigan mo daw sila, papasokin ko ba o hindi," tanong ni Sin.
"Let them come, Sin," ikling sagot niya. Pinigilan niyang hindi mairita, isang malapad na ngiti ang binigay niya sa kanyang mga kaibigan at nagbeso-beso pa sila. Tinanong pa ito ni Sin kung ano gusto ng mga bisita ng kanyang boss agad naman sumabat si Betrice na sa labas sila kakain kaya hindi na siya magkapagod pa bigyan ng mainom. Lumabas na si Sin at doon nagtawanan ang mga kababaehan, pinagtawanan nila si Sin dahil sa itsura nito hanggang umandar ang kanilang kapilyahan .
" 20 thousand pesos ang ipupusta ko hindi mo kayang paibigin iyan dahil takot yan masasaktan." Sabi ni Girl One.
"Me too, "ngiting sabat ng isang babae. Kinuha ni Betrice ang pera nasa mesa at tumawa ito.
"Game ako diyan ngayon naramdaman ko na ang aking tagumpay dahil talunan na kayo." Patawang sabi ni Betrice. Makakaganti din ako sa kanya I will make sure na magresign siya,I will make him fall in love with me nasa isipan ni Betrice.
"Girl, may isa ka pang gagawin hindi lang ang mainlove sa iyo, kailangan mo din alamin kung virgin pa ba iyan o magaling sa kama, malay natin front lang niya ang ayos na iyan tapos gosh, magaling pala sa kama, naku , if ever magaling yan sa kama e papirate ko siya sa iyo Girl," landing sabi ni Girl one.
Napalunok si Betrice kaya ba niyang makipagtalik sa mukhang talangka na iyo baka kagatin lang siya, hindi niya pinakita ang kanyang naramdaman na natatakot siyang makipagtalik sa kanyang secretary, nagkasubuan na kaya kailangan niyang ipakita na kaya niyang gawin. Hindi pa siya natatalo sa lahat pustahan nilang magkaibigan lagi siyang nanalo.
BINABASA MO ANG
The SECRETary Stories
RomanceSECRETary stories Have four different stories. All about the forbidden affair. How they handle without letting people know it. Can they handle it or not? Can they survive or just let the people judge them.