Chap-10 Bratty

1.1K 19 2
                                    

..Masyado ng pula si Tim dahil hindi namn siya sanay umiinom, kaya siya nna din mismo nagsabi sa kanyang boss nahindi an niya kaya at gumagabi na.

"Sir, pwede po bang magpahinga lang muna ako saglit bago ako uuwi mahirap na ganito kalagayan na uuwi ako," pakiusapp niya sa kanyang boss.

"Nakakatuwa ka talaga bata, sige doon ka muna sa guest room, ako din magpapahinga ipagising mo na lang ako sa mga katulong dito." Ani rowel hinatid niya si Tim sa guest room.

Sa silid ni Zaika nandon ang isang kasambahay naghatid ng makain nito, at sinabi ding nasa ang kanilang bisitang lalaki ay nasa guest room nagpapahinga dahil lasing na lasing ito.

"Ganoon ba, magluto na lang kayo ng may sabaw ,pagkagising ni kuya maghahanap yon , alam naman ninyong kapag lasing yon." Utos na sabi ni Zaika sa katulong.

"Gumawa na nga si manang maam, iinitin na lamang daw yon paggising na si sir rowel." Sagot ng katulong. At umalis na ito pagkatapos nilang mag-usap, kumain na si Zaika , pagkatapos kumain ay nagpapahinga muna at maya-maya pinuntahan niya ang kanilang bisita sa guest room para e check kung okey ba ito. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto baka magising ito at nang tingnan niya ang higaan wala na ito, lumapit siya sa higaan at hinaplos a ng bakat kung saan humiga ang bisita , tumayo na siya para lalabas ay biglang bumukas ang pinto ng bathroom kaya na patingin siya at gulat din nakatingin sa kanya ito. Napakurap ng pandalian si Zaika at nakita niya ang kalahating hubad ng katawan ni Timothy, naliligo pala ito, nakatapis ng tuwalya ang kalahating bahagi sa baba.

"Chenichek ko lang kung okey ka dito, akala ko umalis ka na, sa tingin ko ay okey na pakiramdam mo, lalabas na ako" sabi niya sa kaharap.

"Saglit lang," pigili ni Timothy.

"Bakit?"

"Kamusta ka na," sabay lapit kay Zaika at nasa mismong harapan na siya ng babae.

"Okey naman ako, sige" umaksyong paalis , kaso pinigilan ni timothy ang braso niya,

"I miss you," hinang sabi ni Tim. Napatigil si Zaika sa kanyang naririnig, hindi siya makaimik , gusto niyang umiyak dahil sa sinabi nito, ayaw niyang bigyan ng kahulogan ang sinabi ng kanyang secretary dati, maybe he just me here dahil hindi na siya ang boss. Niyakap siya ni Tim at hinahalikan ang kanyang noo, ilong at mata hanggang sinakop ang kanyang labi.

Tumulo ang luha ni Zaika , dahil ang lalaking matagal niyang pinapangulilahan ngayon ay kayakap niya at kahalikan. Tumugon siya sa halik nito kaya mas lalong umiinit ang kanilang halikan. Biglang huminto si Timothy at mabilis nilock ang pinto at bumalik sa pagkahalik kay Zaika.

They make love, only their body talks how they missed each other, soft moan will can heard inside the room, until they reach the climax. They rest for awhile until timothy talk.

"Nagugutom ako, pwede makikain, I mean yong food mismo," ngiting pilyo sabi ni Timothy.

"Tse! Bumango ka na diyan at mauna na ako sa kusina," sabi ni Zaika at nagbihis na ito, lumabas siya ng kwarto at tinawag ang katulong pagkababa niya sa hagdanan. At sinabing ipaghanda ng makain ang kanilang bisita dahil gising na ito. Agad naman sumunod ang kanilang katulong at maya- maya nasa kusina si Timothy kumakain. Nasa harapan lang siya ni timothy at kumakain din ng ube cake. Tahimik lang silang kumain.

"Gusto mo ba iyang kinakain mo, dalhan kita dito lagi," bansag sa katahimikan ni timothy.

"Yap, everyday kumakain ako nito," sagot naman ni Zaika. "Ahhm, k-kailan ang kasal ninyo," tanong niya sa kaharap. Tumingin si timothy sa kanya at sumubo ng pagkain nakayoko.

"Walang kasalang magaganap," sagot niya.

"Bakit?" gulat na sabi ni Zaika.

"Dahil mahal kita."

"Ha? Niloloko mo ba ako Mr. Ramirez?" inis nasabi ni Zaika.

"Bakit naman daw kita lolokohin, eh mahal nga kita," nakatitig na ito sa kanya.

"Tigil-tigilan mo ako, dudukutin ko ang mga mata mo," sabay turo sa tinidor hawak niya sa mata ni Timothy.

"Bakit mo dukutin ang mga mata ko eh diyang ka deads na dead," pacute pa ito sa kanya sabay twinkling eyes.

"Kadiri ka, wag ka nga ganyang nasusuka ako sa pagmumukha mo, mag-ayos kang sumagot," nagagalit na si Zaika dahil ayaw niya ganong biro, gingood time lang siya nito. Tumawa ng mahina si Tim mas lalong namumula sa galit si Zaika.

"Mmm may kasalan magaganap kung papayag..." pabiting niyang sabi.

"Papayag yon di ba dahil nakaplano na kayo, tigilan mo nga ako, diyan ka na nga kairita ka," iritang sabi niya.

"Ang sabi ko may kasalang magaganap kung papayag kang magpakasal sa akin," nakangiting sabi ni Timothy. Napatigil si Zaika at tinitigan siya ng mabuti, at naniningkit ang mga mata nito.

" Oi maam, grabe ka naman makatitig sa akin, eh kung ayaw mo, hindi kita pipilitin, eh ang sa akin lang naman eh kung gusto mo, eh kung hindi.... Eh...."

"Eh ano!" pasigaw nasabi sa kanya. Napakamot ng ulo si timothy nawala naman kati. Di nila namalayan na meron palang nakikinig sa kanilang dalawa at yon ay si Rowel.

"Eh di, liligawan kita hanggang sasagutin mo ako, eh alam ko naman in love na inlove ka sa akin kaya , mag-OO ka din sa akin," confident na sabi ni Timothy. Tumawa si Zaika .

"Tse! Lakas ng apog mo, at sabihan akong inlove ako sa iyo, ang kapal mo!" namumulang mukha sa pagsagot sa kanya.

"Alam mo baby, kamukhang kamukha ko iyang dinadala mo, dahil mukha ko ang pinaglilihian mo," ngiting sabi nito sa kanya. Napatigil si Zaika sa sinabi ni Timothy, napabuka-buka ang bibig ni Zaika dahil gusto niyang magsalita pero walang boses lumalabas. Lumapit sa kanya si timothy at niyakap siya nito.

"Umurong ako sa kasalan dahil ikaw ang mahal ko. Yong una nating pagkita ay nagsisimulang gumugulo ang aking kataohan , di ako natatahimik, pinagdasal ko lagi na sana magkikita tayo muli pero ilang buwan hindi pa rin kita nakikita , sinabi ko na lang sasarili ko, baka hindi talaga para tayo sa isat isa kaya pinagpatuloy ko ang relasyon namin ni Hilda. Kung kailan ko siya niyayang magpakasal doon tayo muling nagkita. Ang saya ko noon sobra, sa sobrang kasiyahan ko na kasama kita, hindi ko naiisip na may dalawang babae pala akong nasasaktan. Naging sakim ako, dahil sarili ko lang iniisip ko. At yong nangyayari sa atin akala ko dala lang iyong sa ka bratty mo kaya hinayaan ko ganoon tayong dalawa basta makasama kita lagi. Kahit alam kong nababawasan na ang atensyon binigay ko sa aking kasintahan, pero pinagpatuloy ko pa rin ginagawa natin baka libog lang ang naramdaman ko sa iyo pero hindi eh. Araw- araw gustong-gusto kitang makikita , gustong- gusto kong sasabihin sa iyong mahal kita pero hindi ko magagawa dahil baka ako lang yong nakaramdam na ganoon. Dumating ang hindi inaasahang tagpo at nagkita-kita tayong tatlo at doon doon nanglulumo ako dahil alam kong sa oras na iyon ay iiwasan mo na ako at tama nga ako dahil hindi ka na bumalik pa, hanggang nalaman ko na lang kay sir kung ano katayuan mo, buntis ka. Una kong rinig ay binuhosan ako ng malamig na tubig na may kasamang yelo. Pero... pero masaya ako dahil dinadala mo ang anak natin kaya sa oras na iyon napagdesisyonan kong umurong sa kasalan kahit ilang sampal at pagmumura ang aking natatanggap ay baliwala sa akin. Ang nasa akin isipan ay ikaw. Nag-iisip ako ng paraan para makikita kita hanggang nag-uusap kami ng kuya mo na bibisitahin ka naming dahil hindi ka raw lumalabas sa iyong kwarto at doon nasasaktan ako ng labis dahil kasalanan ko , gustong magwala sa galit sa akin sarili pero hindi ko magawa. Mahal kita Zaika tatanggapin ko suntok o galit ng iyong kapatid , okey lang sa akin, basta nasabi ko na sa iyo kung ano ang nararamdaman ko. Mahal na mahal kita sana paniwalaan mo ako at I am very very sorry kung nasaktan kita, I am sorry, sorry." Mahabang paliwanag ni Timothy kay Zaika.


The SECRETary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon