Chap-6 Bratty

1.1K 20 5
                                    

Bandang ala una ymmedya dumating ang kanyang boss na kahapon ay wala ito, binati niya ito at isang mahinang bati din ang sagot sa kanya na walan kabuhay-buhay. Hinayaan niya muna ito pumasok at ilang minute din bago siya sumunod para ibigay ang dapat gawin. Nasa harapan siya ngayon ng kanyang boss at ito ay nakayuko, nagbabasa ng papeles. Inuumpisahan niyang sabihin ang mga dapat gawin bigla na lang itong nagsasalita.

"Bakit?" mahinang sabi nito.

"Po, maam?"

"Bakit, bakit hindi mo sinasabi sa akin na may kasintahan ka na pala, bakit hinayaan mong akong lumapit sa iyo," mahina pero may diin, na parang may pinipigilan sa lalamuna, nagsasalita si Zaika nakatingin sa papel.

"I-I am sorry, akala ko kasing wala lang sa iyo dahil dala sa iyong pagka-bratty, akala ko katuwaan mo lang o init lang nag katawan namamagitan sa atin, parang no string attach," hinang sabi ni Timothy. Sa naririnig ni Zaika ay tumulo na ang mga luha na kanina pa pinipigilan at nakita ito ni Timothy ang bawat patak ng mga luha sa may papel.

"Yeah, isang katuwaan at init ng katawan ang ginagawa natin, tama ka no string attach... iiwan mo lang ang appointment book, ako na magtingin at pwede ka ng umalis."

"Zaika..." bigkas ni Timothy.

"Close the door when you leave, huwag ka muna magpapakita sa akin kung ayaw mong magwawala ako dito," diin niyang sabi. Isang buntong hininga pinakawalan ni Timothy at nilapag ang appointment book sa mesa at lumabas sabay sarado sa pinto. Maya-maya isang malakas na kalabog sa loob ng opisina at isang sigaw. Kaya napatingin ang lahat ng mga empleyado sa pinto. Nagsign si Timothy ipagpatuloy ang kanilang ginagawa.

Bandang tanghali hindi lumabas si Zaika , hindi ito kumain ng lunch nasa loob lang ito ng silid nag-aalala na si Timothy kaya ang gawa niya bumili siya ng pagkain para ibigay sa kanyang boss. Pagkapasok niya sa loob makalat ang silid, agad nilock ni timothy ang pintuan. Hinanap niya si Zaika dahil wala ito sa mesa at sa upoan, nakikita niya ito sa may sulok umiiyak. Agad niya itong nilapitan at niyakap.

"I- I am sorry, I am sorry," tanging sambit niya sa babae. Hinaplos niya ang mukha nito at pinupunasan niya ang mga luha at make-up na kumakalat sa mukha kinuha niya ang kanyang panyo para ipunas dito. Habang pinunasan niya di niya mapigilan halikan ang labi na parang nang-aakit na halikan. Tumugon si Zaika sa halik ni Timothy, mas lalong lumalalim ang kanilang halikan hanggang nauwi sa pagniniig ng kanilang katawan.

"Be with me tonight, only tonight, pagkatapos ng gabi na ito, hindi mo na ako iisipin pa, alam ko na mali ang ginawa ko. Yan lang ang hihingiin ko sa iyo, huling-huli na ito ang makasama ka," pakiusap ni Zaika kay timothy.

"Sige papayag ako basta kumain ka ng tanghalian, at habang kumain ka liligpitin ko ang mga kalat dito" ani Timothy. Tango lang ang sagot ni Zaika sa kanya. At yon nga ang nangyari kumain siya at ang kanyang secretary ay nagligpit sa kanyang kalat na ginawa.

Oras ng uwian, ay lumabas na si Zaika sa kanyang opisina at may nilapag na maliit na papel sa mesa ni timothy at agad naman kinuha ito at binasa, wala na ang kanyang boss nauna na ito sa kanilang tagpuan. Ang nakalagay sa maliit napirasong papel ay isang address ng hotel kung saan sila magsalo ng isang gabi. Itoa ng huling hiling sa kanya at matigil ang kanilang kahibangan. Agad naman inaayos ni Timothy ang kanyang mesa at pagkatapos ay nagpaalam siya sa kanyang kasamahan na maunang umuwi.

Pagkalabas sa opisina ay agad siyang pumara ng taxi at sinabi ang address kung saan sila magtatagpo ni Zaika. Lutang ang isipan ni timothy hindi niya alam ano gagawin. May kirok sa kanyang puso ng nakita niya si Zaika sa sulok na umiiyak parang piniga ang kanyang puso sa tagpong yon. Huminto ang taxi at nagulat pa siayng tinawag siya ng driver.

"Pasyensy na manong may iniisip lang ako," aniya.

"Pag-ibig ba? Ito mapapayo ko sa iyo, timabangin mo sino sa kanila , at kung sino nakalamang doon ka, at kailangan mong magpakatoo, yan lang ang tanging mapapayo ko sa iyo bata at 240 babayaran mo," sabi ng taxi driver. Ngumiti si Timothy at kumuha ng pera sa kanyang at binigay sa driver.

"Salamat sa iyong payo, sige pag-iisapan kong mabuti yang sinasabi mo sa akin," at bumama na siya apra puntahan Zaika. Nasa 10th floor ng hotel kung saan ang kanilang tagpuan. At nang nasa harapan na siya ng pintuan may nakita siya pangdoor bell kaya pinipress niya ito dalawang besis at naghihintay buksan. Isang minute na lang di pa bumukas kaya nagdoor bell siya ulit saglit lang paghihintay niya ay bumukas na ito kita, Isang matamis na ngiti ang bumungad sa kanya.

"Kanina ka pa diyan, pasyensya na, pasok ka," yaya sa kanya. Pumasok siya sa loob at tumingin sa paligid familiar sa kanya ang kwartong ito, hanggang naalala niya na ang kwartong ito ay kung saan sila unang nakamit ang ligaya na paraho silang walang alam sa sex.

"Pasyensya ka nauna na akong naliligo, kung gusto mong maligo nakahanda na ang isang towel doon, akin na gamit mo," sabi ni Zaika. Binigay ni timothy ang kanyang bag at nakita niyang nilagay sa isang upoan ito.

"Tatawag ako ng room service for our dinner." At inaangat ang telepono para tumawag at siya naman ay pumasok sa loob ng banyo para maligo.

"Huling gabing pagsasama namin at pagniniig ng aming katawan pagkatapos nito hindi na maulit pa, pero bakit, bakit nahihirapan akong tanggapin na hindi na mauulit," hinang sabi niya sabay suntok sa pader.

Tapos na siyang naliligo at lumabas siyang nakatapis ang tuwalya sa kanyang baywang nakita si Zaika nasa may glass window na matatanaw lahat sa ibaba. Tahimik lang ito nakatingin sa labas, kitang-kita niya ang hubog ng katawan nito at kinis ng balat. Dahan-dahan siyang lumapit at pinulupot ang kanyng mga braso sa baywang nito at hinahalik-halikan ang batok.

"T-tapos ka na palang naligo, baka maya- maya diyan na inorder kong pagkain," paiwas ito sa kanya sabay punas sa may mata nito. Alam ni Timothy umiiyak ito, "pero bakit? Katuwaan lang naman niya ang sex nagaganap sa amin," tanong ng kanyang isipan. May naririnig silang doorbell at agad siya na ang nagbukas.

"Room service po, ito na po ang pagkain niyo," sabi ng roomboy at pinapasok siya ni Timothy at may binigay na receipts it okay zaika at pinapapirma. "Enjoy your food maam and si," at lumabas na ang roomboy.

"Halika kain na tayo dahil kanina pa ako nagugutom," yaya ni Zaika kay timothy. Binuksan lahat ang nakatakip at nakita ang nasa mesa ang daming pagkain .

"Mauubos ba natin iyan lahat? Ang daming mong inorder?" tanong niya kay Zaika.

"Okey lang paghindi natin maubos pwede naman kainin maya-maya may microwave naman sila diyan. So let's eat." At agad kumain si Zaika at pansin ni timothy gutom na gutom ito. Tinitingna lang niya dahil sarap an sarap sa kinakain.

"Oh ayaw mo bas a inorder kong pagkain, pwede ka mag-orde sa gusto mong kakainin," sabi nito.

"Natutuwa langa ko tingnan ka dahil sarap na sarap ka sa pagkain," at kumuha na din ng pagkain si Timothy at kumain na din siya sabay ngiti sa kanyang kaharap.


****0***

Sana nagustohan ninyo ang aking gawa at pwede kayong magcomment sa comment box kung ano ang inyong masasabi. pwede rin e vote .. maraming salamat po

The SECRETary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon