Chap-12 Bratty

1.1K 16 0
                                    

Hindi pa rin sila napapagod sa pagniniig, tagaktak na ang kanilang mga pawis, ang gumagalaw na ang kanilang hinihigaan wala silang pakialam kung naririnig ba sila sa labas. Basta ang alam nila masaya at nasasarapan sa kanilang ginagawa. Isang malakas na ungol ang pinakawalan nilang dalawa ng marating nila ang rurok ng kaligayahan. Nakatulog sila na may ngiti sa labi, kahit pagod na pagod ang kanilang katawan sa pagniniig. Doon na din sila kumain ng panaghalian at nilibot nila ang kabuohan ng resort bago sila umuwi sa bahay ng babae.

Habang sila ay pauwi bumibili sila ng mga purtas sa daan at mga pagkain kaya pagdating sa bahay nila Zaika dami itong dala. Binibiro pa ni Rowel si Timothy.

"Parang pinataba mo na ang akin kapatid niyan, at baka ako ang hingian sa mga gustog kakain eh dami ko pa naming trabaho." Ani Rowel.

"Okey lang po sa akin sir ako ang utosan ninyo," sagot niya sa kanyang boss.

Kaya nakaisip si Rowel at tumingi sa kanyang kapatid sinipatan ito ng mata, tanging ngiting binigay. Kinagabihan bandang mga alas dose ay tinawagan ito ni Rowel si Timothy. Sinasabihan naghahanap ng ice cream si Zaika at ang flavor ay vanilla, pero ang totoo siya ang gsutong kumain dahil may ginagawa siyang trabaho.

Antok na antok si Timothy pero kailangan niyang gawin yon baka makunan ang kanyang mahal, nagtataka ang magulang ni timothy bakit nagising ito, nagising kasi dahil sa kaluskos sa kusina naghihilamos sa lababo.

"Anak bakit ka nagising at para bang aalis ka," tanong ng ginang.

"Bibili po ako ng ice cream, mama dadalhin ko doon kina Zaika, naghahanap ng ice cream po" sagot niya sa kanyang ina.

"Maryosep anak , hindi mo na yan trabaho bilang secretary nila," may galit ang mukha ng ginang.

"Ma, gawain ko po bilang ama dinadala ni Maam Zaika, obligasyon ko po yon" sabi niya, Nawala ang antok ng kanyang ina agad tinawag ang esposo nito.

"Papang, bilisan mo samahan mo ang iyong anak naku bata ka, maging lola na pala ako di mo man alng sinasabi, huwag mong sabihin yong mga niluluto ko ay para sa Maam mo yon. Papang! Ano ka ba pag di ka magising mawalan tayo ng apo!" pasigaw ng ginang.

Pahilamos sa mukha ang ginoo at humikab pa ito na wala pa sa maayos na pag-iisap dahil naalipungatan sa sigaw ng asawa.

"Ano bang sinigaw mo diyang mamang, hating gabi na nakapambulahaw ka ng tulog," inis nasabi ng ginoo.

"Maghilamos ak na diyan , at samahan mo ang iyong anak maghanap ng ice cream , naku baka mawalan tayo ng apo," tarantang sabi ng ginang.

"Apo? Sino, kanino?" gulat na sabi ng ginoo.

"Kay Tim , papang, buntis si Maam Zaika at siya ang ama kaya bilisan mo ang kilos bilis." Sabay tulak palabas ang ginawa ng ginang sa kanyang esposo napatawa na lang si Timothy sa kanyang ginawa. Hindi na naghihilamos ang ginoo at umaarangkada na mga ito palabas ng bakod para maghanap ng ice cream.

Sa isang kilalang convenience store sila nakabili at agad tinahak ang daan papunta sa bahay nila Zaika, pagkarating nila limang besis pagpindot sa doorbell, kita nilang umiilaw. Nagising si Zaika dahil nakarinig siya ng umugong na sasakyan sa lahat ayaw niya naistorbo ang kanyang tulog dahil nahihirapan siyang makatulog. Lumabas siya ng pinto at nakita niyang lumabas dina ng kanyang kuya nakangiti at nataas baba ang kilay.

"Sino mga yan at nakaistorbo," inis na sabi ni Zaika sa kanyang kuya.

"hehehe manliligaw mo, hiningian ko ng ice cream, sinabi ko kasing ginugulo mo ako para bumili ng ice cream. Test #1 check pasado, halika na para hindi ako mahalata. Eh gusto kong kumain ng ice cream, hinahawaan mo kasi ako sa paglilihi mo, next time siya naman huwag ako," maktol ng kanynag kuya at agad silang bumama, hindi nila akalain na kasama ang ama nito, nakapambahay lang ang suot , tamang sabihin galing sa tulog pa.

The SECRETary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon