Chap-15 Joke

784 15 0
                                    

Nang natapos ng makaligo si Thud nakatingin lang siya sa kanyang walk-in closet tapos daming sinusukat at tiningnan sa salamin. Hanggang napasukan siya ng kanyang ina sa kanyang ginagawa.

"Bakit ang daming gamit nakalatag sa upoan, hijo, oh bagay naman sa iyo iyan bakit mo binalik, hoy!" suway ng ginang sa kanya.

"Ah eh mom hindi ko kasi alam ano ang susuotin ko baka pangit ang masuot ko kaharap si Risen eh baka hindi ako magustohan ulit," problemadong sabi ni Thud.

"Anak talagang mahal mo siya ano dahil hindi ka naman ganyan pagpupunta ng date ah kahit ano na lang sinusuot mo hindi mo pinaghandaan, eh yan si Risen nandito ka lang sa bahay kung maari lang mag tuxedo ang susuotin mo. Just be yourself, ano sinusuot mo na pambahay yona ng suotin mo hindi yong magpapa impress ka sa kanya." Ngiting sabi ng ginang at kumuha ito isang skyblue na sando at kargo shorts.

"Here bagay iyan sa iyo, poging pogi ka diyan," ngiting sabi ng ginang. Agad naman kinuha ni thud at sinuot ito at pagkatapos nagspray pa ito ng pabango halos na lang iligo ang pabango sa katawan napailing na lang ang kanyang ina, parang dalaga nagpapaganda at naghahanda sa first date. Humalik ito sa kanya ang nagpaalam.

"Saan ka pupunta hijo," tanong ng ginang.

"Kay Risen po mom, don't worry silipin ko lang," ngiting sabi nito, lumapit ang ginang at hinawakan ang mukha ng kanyang anak.

"Now I see you again smiling, the true smile in your face, good luck, sana sagutin ka niya," ngiting sabi ng ginang.

Kinabahan si Thud, ano ang kanyang gagawin, natatawa siya sa kanyang sarili biglang nawawala ang kanyang hang-over ng nalaman niyang natutulog si Risen sa kanilang bahay. Dahan-dahan niyang pinihit ang door knob at pumasok sa loob ng silid kung saan natutulog si Risen. Kitang kita niya ang dalawa natutulog, himbing na himbing mga ito, pansin niya sa baby sumiksik pa ito kay Risen parang ito ang tunay na ama.

Dahan-dahan siyang tumabi sa dalawa napagitnaan nila ang baby. Nakaramdam si Risen na may humiga sa higaan kaya napadilat siya, makita niya ang mukha ni Thud nakangiti sa kanya. Gusto sana niyang sumigaw kaso may bata palang natutulog, kaya dahan dahan siyang tumayo at pumasok sa banyo para maghilamos at iihi. At ng matapos ay lumabas sa banyo at inaayos ang sarili para makauwi, ilang oras na lang magtratrabaho naman siya muli.

"Oi, saan ka pupunta, dito ka lang muna," sabi ni Thud.

"Uuwi na obyos ba, may trabaho pa ako mamaya at kailangan ko umuwi, shit hindi ko natawagan si nanay nag-alala na iyo," alalang sabi ni Risen kaya agad niyang tinawagan ang ina, sinabihan hinatid niya ang kanilang lasing na costumer at sa bahay na siya pinatulog ng ama nito. Biglang umiyak ang bata agad nataranta si Thud.

"Oi, ang bata umiiyak, hala ano gagawin dito sa bata, ang yaya nasaan,, Yaya! " sigaw ni Thud.

"Hoy! Ikaw ang ama ng bata kaya responsibilidad mo iyan huwag lagi ang yaya ang mag-alaga niyan. Kakantot-kantot ka tapos hindi mo lang iniisip na mabuo. Bahala ka diyan patahimikin mo anak mo," inis sabi ni Risen at nakita niyang pumasok ang yaya ng bata, agad pinaalis ito ni Risen.

" Huwag, pabalikin mo siya dito," sabi ni Thud.

"Gago ka pala eh, kargahin mo ang iyong anak, nagugutom na iyan pagtimpla mo ng gatas," inis nsabi ni Risen.

"Ha? H-hindi ako marunong humawak ng bata at lalo na hindi ako marunong magtimpla ng gatas," sabi ni Thud. Kinuha ni Risen ng bata at binigay kay Thud, gustong matawa n Risen dahil hindi talaga ito marunong humawak ng bata.

"Pag-iyan mahulog lagot ka sa akin, aanak-anak ka tapos wala kang alam, matoto ka!" pasigaw ni Risen. Sa labas ng silid nandoon ang mag-asawa nakikinig, napangiti na lang ang ginoo.

"Tayo na mhey, nakakita ng katapat ang anak natin, sigurado akong matoto yan paano alagaan ang kanyang anak. At ikaw yaya kumain ka na ng almusal dahil mamaya ikaw hahawak doon, pag kakain ng almusal ang dalawa, sa ngayon hayaan natin ang dalawa." Sabi ng Ginoo at bumaba na ang tatlo para mag-almusal.

"Risen naman eh, wag ka naman ganyan mahuhulog ang bata." Alalang sabi ni Thud

"Bahala ka diyan, doon tayo sa kuwarto niyan pagtimpla mo ng gatas, bilis," sabay iwan kay Thud na hawak ang anak nito. Umiiyak ang bata , hindi malaman ni Thud ano ang gagawin. Ang bagal pa niyang lumakad baka mahulog ang bata.

"Hoy! Bilisan mo dahil gustom na iyang anak mo, at may trabaho pa po ako." pasigaw ni Risen.

"Mahuhulog nga ang bata eh,"maktol na sabi ni Thud.

"Anong bata ka diyan, anak mo iyan siguro naman may pangalan yan,"sabi ni Risen, nasa kuwarto na sila ng baby kinuha ito ni Risen para makatimpla ng gatas si Thud, Tinuran pa ni Risen at pinapabasa niya ang instruction sa lata ng gatas para malaman paano magtimpla ng gatas at sinigawan pa niya itong bilisan dahil umiiyak na ang baby. Nakita ni Risen daming nagkakalat na gatas hanggang nakagawa na ito. Kinuha niya ang bote at pinadede ni Risen ang baby kaya tumigil na ito sa kaiiyak. pinakita niya kay Thud paano at pagkatapos binigay niya ito sa ama.

"Bahala ka na sa anak mo, alis na ako,"

"Hoy! Huwag muna, mag-almusal ka muna , hindi ka yata kumain kagabi ng haponan eh," sabi ni Thud.

"Sa bahay na," ikling sabi at iniwan na siya nito agad naman sumunod si Thud at tinawag niya at pinipigilan. "Hindi ka makakalabas, sabihan ko security hindi ka pwedeng lumabas hanggang hindi ka mag-almusal dito, " diin sabi ni Thud. Nakita silang ama ni Thud kaya ito na mismo nagyaya kay Risen na mag-almusal bago aalis.

"Oh Hijo, marunong ka na palang humawak sa anak mo ah," panuksong sabi ng Ginoo.

"Huwag mo nga akong asarin dad, nakakinis ka naman eh," inis nasabi ni Thud at tinawag ang yaya nito para hawakan. Niyaya niyang kumain si Risen ng almusal ,hindi maka-hindi sa ama niya kaya ayon kumain din.



The SECRETary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon