chap-7 Bratty

1.1K 18 0
                                    

Pansin talaga ni timothy lakas kumain ni Zaika, halos naubos ang kanilang inoorder na pagkain. Hinayaan lamang niya ito baka gutom na gutom dahil kanina ay nalipasan ng gutom. Pagkatapos nilang kumain siya na ang nagligpit at inayos ang kanilang pinagkainan. Kita niyang tumayo ito at pumunta sa may glass wall kung saan makikita ang magagandang tanawin sa labas na parang bumababa ang mga bituin sa langit. Nilapitan niya ito at niyakap sa may likuran at hinawakan naman ni Zaika ang kanyang mga braso. Mga pinong halik ang ginawa niya sa batok. Ilang minuto din silan ganoon.

"Kailan ang kasal ninyong dalawa," tanong ni Zaika

"W-wala pangpetsa kung kalian," hina niyang sagot.

Humarap sa kanya ang babae at ngumiti, hinaplos ang kanyang mukha.

"Sinong mag-akala na ang isang nerdy secretary ay may tinatagong ganitong mukha at mala-adonis na pangangatawan," sabay hapos sa dibdib ni Timothy. "Nakikita na ba niya ang iyong tinatago,maybe yes dahil magpapakasal kayo,"

"H-hindi pa, we never go on bed, we just shared kisses," sagot ni timothy. Tumawa siya sa sinabi ni timothy.

"I don't believe you, sa libog man, hindi mo naikama ang maging asawa mo, mmm, sorry I forgot, you respect her, right your respect her," naging mahina ang kanyang pagsabi sa kahulihan salita dahil may bumabara sa kanyang lalamuna. Kumawala sya sa yakap ni Timothy at niyaya niya itong matulog.

"Let's sleep now, pagod tayo pareho sa trabaho," humiga na siya higaan. "Gusto ko lang makasama kita sa pagtulog ko, yon lang. Kapag nakatulog na ako kung gusto mo ng umuwi, you can go," pilit na ngiti ang pakasabi. Sumunod naman si Timothy sa kanyang gusto, tumabi ito sa kanya sabay yakap.

Ganoon lamang sila, nakauna sa may ni Timothy si Zaika, at ang lalaki ay nakatingin sa kisame, dahan-dahan tumulo ang mga luha ni Zaika kaya agad niya itong pinunasan, tumingin sa kanya ang lalaki at hinawakan ang kanyang baba, pinunasan ang mga luhang naglabasan sa kanyang mga mata, hinalikan ang kanyang noo.

"Shhh, stop crying," hinang sabi nito niyakap niya ito ng mahigpit, pakiramdam ni timothy parang pinipiga ang kanyang puso tuwing nakikita ang kanyang boss umiiyak, may luhang lumabas sa sulok ng kanyang mata niya agad niya itong pinunasan. Hindi na mapigilan ni Timothy ang sarili siniil na niya ito ng halik, siya na mismo kumilos dati0rati si Zaika ang nangunguna makipaghalikan sa kanyan.

He kiss her with passion, caress her like no end, hindi mapigilan ni Zaika tumutulo ang kanyang luha sa bawat halik sa kanya. He kiss her whole body with so much passion and desire. Ramdam na ramdam ni Zaika ang bawat halik sa kanya ni timothy isang pamaalam, ginawa din niya ang kanyng parti she kiss him with love and passion. Tanging mga katawan lamang ang nauusap kung ano man ang kanilang naramdaman ayaw bigyan ng kahulogan ni Zaika ang pagniniig nila dahil kakaiba ang bawat halik ng kanyang secretary. Sa apat na sulok ng silid na iyon doon malalaman kung ano ang tunay nilang nararamdaman, bawat ungol, bawat hininga at bawat kilos tanging ang silid lamang ang nagpapatunay ano meron sa dalawa.

Nakatulog ang dalawa sa pagod ng kanilang pagniniig, magkayakap sa isa't isa na takot magkakahiwalay. Ilang oras lumipas nagising si Timothy agad niyang tiningnan si Zaika mahibing ang tulog nito kaya ingat na ingat siyang kumilos na hindi makagawa ng ingay. Hindi niya alam na, naramdaman ang pagkilos niya sa kama, nagkukunwari lang itong tulog. Isang pinong halik ang naramdaman ni Zaika.

Bago binuksan ni Timothyang pintuan at tinitingn pa niya ang katutulog na Zaika. Mabilis ang kanyang kilos paglabas. At nang wala na ang lalaki doon kumawala ang kanyang mga luha. Luhang nasasaktan.

Kinabukasan hindi na pumasok ang kanyang boss na babae at hanggang naging isang buwan, wala siyang makuhang balita tungkol dito, daming nagtatanong sa kanyang bakit hindi na pumapasok ang kanilang boss. Minsan nagsisinungaling na lamang si Timothy na, babalik na ang tunay nilang boss ang mismo kapatid nito.

Isang araw pumasok ang kanilang boss na lalaki, hindi maipinta ang mukha, maya – maya ay tinawag siya at daming tinatanong sa negosyong iniwan ng kanyang kapatid.

"Okey naman po ang kanyang pamamalakad dito sir, mababait po si Maam sa aming wala po nagrereklamo , kaibigan po ang kanyang turing sa amin hindi empleyado. Kaya nagustohan naming siya at nagsisipag kami sa aming ginagawa," pahayag ni Timothy sa kanyang boss.

"Ah tim, may napapansin ka ba sa iyong boss," sabi ni Rowel.

"Anong ibig nyong sabihin sir, anong napapansin?" balik tanong niya.

" Ummm, may manliligaw ba si Maam ninyo na pumupunta dito, o lalaki na pinopormahan,p-parang ganyan," tanong sa kanya.

"Eh wala po sir eh, pagtrabaho, trabaho talaga siya subsob pa nga ito eh minsan nalilimutan ng kumain." Pahayag niya sa kanyang boss.

"Ah sa gimik, gumigimik ba kayo o lumalabas, k-kasi sa bahay hindi daw nila nakikitang lumalabas o umuuwi ng gabi ito. Isang araw lang nila ito nakitang napaumagang uwi at sinabing nakatulog dito dahil may tinatapos." Ani Rowel.

Sa isipan ni Timothy baka yong araw na huli nilang pagkikita kaya naumagahan ito , hindi niya pwedeng isabi sakanyang boss baka siya ang malintikan.

"Eh hindi rin po sir, kasi pagnagyaya si maam sa amin hindi naman kami naabutang ng masyadong gabi aksi nga may trabaho at pagod daw kami." Saad niya.

"Bullshit! Sinong lalaki, saan ako magsimulang huntingin ang lalaking nakabuntis sa kanyan, For pete sake zaika bakit mo ginawa ito," napahilamos sa mukha si Rowel sa galit. Pagkarinig ni Timothy buntis si Zaika , lumindol ang kanyang pagkatao, para siyang binuhusan ng malamig na tubig.

"B-buntis si maam?" tanong niya kitang tumango ang kanyang boss.

"Kamusta na po si maam, kaya pala hindi na siya pumapasok dito, ah pwede po ba naming siyang mabisita," aniya

"Sure, it's better kayo kakausap sa kanya, hindi ko kasi masyado close ang naging mga kaibigan ng kapatid ko dahil ang iba, laging nasa ibang bansa namamasyal kaya hindi ko matanong. Nasa bahay lang siya, nasa kwarto lang siya lagi, lumabas minsan sa terasa tapos balik sa loob ng kanyan kwarto at tahimik. I think she hurt too much, baka naulit muli ang nangyari sa kanya noon na niloloko siya ng kanyang boyfriend."

"Paano nasabing niloloko si maam eh ang ganda po niya, tapos lokohin lang siya," sabi niya pero, sa kaloobang ni Timothy nasasaktan siya dahil isa siya nanloloko sa kanyang boss, na hanggang ngayon nagpapagulo sa kanyang isipan mas lalo na ngayon nalalaman niyang buntis ito, may nabuo sa kanyang isipan pero kailangan niyang makausap si Zaika.

"Nilolo ko siya ng walanghiyang lalaki na iyo, ang walanghiya mahal na mahal siya ng kapatid ko, yon pala may ibang kalaguyo, porke hindi pumayag ang aking kapatid na ikama siya ayon sa ibang katawan nagpaparaos habang sila ng kapatid ko ,at yon nabuntis ang kalaguyo. Labis nasasaktan ang aking kapatid, nag-iiba na ang ugali masyadong bratty, akala ko nga hindi niya seryosohin ang iniwan kong trabaho sa kanya buti naman naging maayos at nagbago pero ito siya ngayon, nasasaktan akong nakikita siyang umiiyak mahal ko ang kapatid ko Tim, " mahabang salaysay ni Rowel.

"Don't worry maayos din ang lahat, bago ako pupunta sa inyo may asikasuhin din ako, eh masyado din akong busy ngayon." Pilit na ngiti ginawa ni Timothy.

"Ay oo nga pala ikakasal ka na din, so kalian ang kasalan," tanong sa kanya .

"Wala pang petsa sir, wag ka mag-aalala sasabihan din kita at bigyan ng inbitasyon," ani Timothy. Nagpaalam muna siya sa kanyang boss. Kailangan niyang ayosin ang dapat ayosin.


The SECRETary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon