Sa tagal ng pagtratrabaho minsan napasali pa siya sa gulo ng kanyang amo dahil may pumupuntang babae at parating ang girlfriend ng kanyang boss, kaya nag tanging ginagawa niya ay inaako na girlfriend nya ang babae.
" Sino ba iyon?" tanong ng isang babae kay Risen,
"Tiyahin niya yon ayaw niyang may girlfriend si Sir baka mawalan ng mana ito," mahinang sabi ni Risen sa babae. " Kaya huwag ka munag maga punta punta dito baka mawalan ng mana ang labidabi mo," aniya.
"Ah ganon ba sige alis na ako, tatawagan ko na ang si labidabi," sabi ng babae at nang nakaalis na ito doon pa nakahinga si Risen at pasimpleng tinawanan siya ng kanyang kasamahan. At inaasra tagasalo sa gusot ng boss nila.
At ang girlfriend ni Thud hindi man lang binigyan pansin si Risen, pagdumating ito isang word lang ang maririnig niya ang tanongin ang kanyang boss at kung nasa loob papasok na ito walang sabi-sabi at kung wala tatalikuran lang siya nito. Kaya di maiwasan magtawanan ang nasa loob ng opisina.
Dalawang linggong napapansin ni Risen na hindi bumisita ang girlfriend ng kanilang boss kaya isang umaga may hinatid siyang dokyumento sa kanyang boss ay natatanong niya ito.
"Sir, pansin kong hindi bumisita ang iyong girlfriend dito, " ani Risen.
"Ah nasa Thailand namamasyal," sagot sa kanya.
"Ganon ba, two weeks na siya doon boss sigurado akong daming pasalubong yon sa iyo." Ngiting sabi ni Risen. Napatitig si Thud kay Risen at bigla itong tumayo.
"Boss saan ka? may pipirmahan ka po," pahabol na sabi ni Risen.
"May importante akong pupuntahan nakalimutan ko pala," sagot sa kanya ng boss.
Walang nagawa si Risen kaya hinayaan na lamang niya ito at pumunta siya sa kanyang lamesa at ginawa ang kanyang trabaho.
Hindi mawala ang tsimis sa kanilang opisina, wala ang kanilang boss kaya nagsimula naman itong magtsimisan.
"Oy alam niyo may napapansin ako diyan sa boss natin, parang may LQ yata sila ng kanyang GF dahil nakita ko sila isang beses noon parang inaamo ni boss GF niya, tapso ngayon hindi na nagpapakita sa kanya." Sabi ng tsismosa one.
"Ay oo nga ano, sigurado akong may third party, si boss naman kasi natin masyadong babaero, eh kung ako naman boyfriend kung ganon klaseng Gf meron ako naku,iiwan ko dahil sa pangit na ugali," sabi ng tsimosa Two.
"Kayo talaga kung anu-ano na lang na imagine niyo, magtrabaho na lang kayo, next week na sahod natn baka bawasan pa iyan pagmarinig kayong pinag-usapan sila." Paalala ni Risen sa kaopisina.
Kaya balik trabaho naman mga ito at kung nag-uusap man ay hindi na tungkol sa kanilang boss ang naging topic nito kundi ibang tao naman hindi talaga maiwasan na meron ganon klaseng tao. Hindi makauwi ng maaga si Risen dahil sa daming trabaho tambak. Minsan naiinis siyas a kanyang boss dahil matagal ibibigay ang ibang gawain na pwede naman e araw-araw. Kaya ito siya ngayon mag-overtime. Bandang alas otso ng gabi tumunog ang kanyang cellphone, tiningnan niya sino ang tumawag sa kanyang, ang boss niya ang tumawag, sa isipan ni Risen ano n, eh naman kayang problema nito, baka yong document na hindi niya pinapirmahan baka ipakuha naman sa kanya at ipahatid sa condo nito. Minsan ganon ang kanyang boss, may ipakuha sa kanya sa opisina at ipahatid sa condo tinitirhan.
"Hello! Boss may kailangan ka po ba?" agad niyag sagot sa tawag.
"Halika, dito sa may the fort, mag night life ka naman minsan hindi panay trabaho, " sabi ng boss niya at sinabi din nito saan ito banda.
Kahit anong tanggi ni Risen ay walang nangyari dahil nagagalit ito sa kanya kaya inaayos niya ang kanyang mesa bago lisanin ang opisina at nagpaalam din siya sa ibang kasamahan nag-overtime. Nagtaxi si Risen papuntang the fort kung saan ang kanyang boss. Hinanap niya ito ng marating niya ang lugar at nang nakita agad niyang napansin marami na itong nainom, parang hindi ang boss niya, dahil ang laging nakikita niya ay tumatawa ito habang umiinom pero ngayon kaiba. Panay ang tunga sa bote at malalim ang iniisip kaya nilapait na niya ito at binati.
"Sir, parang alone ka yata ngayon wala bang chika babes na kasama?" pabiro niyang sabi. Tumingin ito sa kanya at pilit ngumiti.
"Wala, halika ano ang gusto mong inomin, drink all you can ito kaya wag ka ng mahihiya diyan," ani Thud.
Umupo si Risen sa harap ng kanyang boss at kumuha ng isang boteng san mig, at tinunga niya ito hanggang kalahati. Ngumiti muna siya at humugot ng hangin bago magsalita.
"Boss, may problema ba tayo? Eh dami mo nang nainom na beer, kaya mo pa bang magdrive sabi ka lang ipagdrive kita, naging driver din ako ng taxi noon." Alalang sabi ni Risen. Nagkamot ng noo si Thud at kinuha ang iniinom nito at tinunga at said ito.
"Hindi na babalik dito ang gf ko na akala ko magpapakasal kami next year, hindi na mangyayari kahit kalian ang mga plano naming, dahil ang punyetang babae na iyon nakakita lang ng mayaman na foreigner ayon sumama na at nagpakasal na sa demonyon iyon." Lahad ni thud at nagmura pa itong nang malakas hinayaan lang ni Risen ito, alam niyang nasasaktan kanyang boss.
"Eh anong gusto mong mangyari ngayon boss," tanong niya, kita niyang ngumiti ito at tinaas ang bote ng beer. Ngumiti rin si Risen at tinaas ang kanyang bote at sabay nilang ininom ang beer na hawak nila. Naparami na ang kanilang ininom kaya mismong si Risen na ang nagyaya umuwi at ipagdrive na lang niya ang kanyang boss. Ngayon lang niya na batid na maingay pala malasing ang kanyang boss, lakas magsalita at kung anu-anong pinagsasabi na hindi niya maintindihan tumatawa pa ito minsan kumakanta. Ihatid niya ito sa condo kung saan nakatira.
BINABASA MO ANG
The SECRETary Stories
RomanceSECRETary stories Have four different stories. All about the forbidden affair. How they handle without letting people know it. Can they handle it or not? Can they survive or just let the people judge them.