Late pumasok si Risen dahil sa kanyang problema , hindi niya alam kung kaya pa ba niyang harapin si Thud o hindi. Sa kanya ayaw na niya talagang pumasok pero kailangan niyang pumasok o magtrabaho para sa kaniyang pamilya siya ang tumayong padre di pamilya wala na ang kanyang ama kaya sa kanya naiwan ang responsibilidad at ang sahod ng kanyang ina ay karampot lang sa pang-araw-araw na gastosin.
Biglang natahimik ang kapaligiran sa opisina na kani-kanina lang ay anong ingay, pagtingin niya may tao sa harap ng kanyang mesa, hindi namalayan ni risen ito dahil subsob siya sa kanyang gawain.
"Ikaw ba ang secretary ng anak ko," may galit ang boses ng babae pagkasabi kay Risen.
"Good morning ma'am, Yes I'm his secretary," magalang niyang sagot, pero sa kalooban kinabahan na siya alam niyang hindi maganda ang pagpunta ng ginang dito sa opisina ng kanyang boss.
"I don't like you, you know what I meana nd starting from now I don't like to see your face again," diin ang pagkasabi nito sa kanya sabay alis. Tigagal si Risen sa kanyang na rinig, napaupo na lamang siya sa kanyang upoan, agad naman siyang pinuntahan ng kanyang mga kasamahan para damayan siya.
"Pre, ang sama naman ng ina ng boss natin, wala ka naming ginawa bakit ganon na lang sila, kaya siguro nag-alisan ang mga secretary ni boss dahil sa kanyang magulang, sila pala nagpapaalis eh, wala palang problema kay sir, akala naming kay sir ang problema, yon pala hays," sabi ni Pedro.
"Wala tayong magawa pagmagulang na nakikialam, kung ano man sabihin ng magulang ay sinusunod ng anak," pasinungaling na sabi ni Risen. " Magbalik na kayo sa inyong mga trabaho baka babalik pa iyon makita kayo at matalsik din kayo, wag kayong mag-aalala sa akin makahahanap din ako ng bagong trabaho.Nagbalikan ang mga ka-opisina niya at siya naman inaayos ang kanyang mesa at gumawa ng resignation letter.
Mas magandang ganito na ang nangyayari kaysa makikita kita araw-araw mas lalo lang ako naiinis o nagagalit sa iyo Thud, sabi ng kanyang isipan. Pagkatapos niyang nagawa ang letter agad niyang binigay sa HRD, hindi na niya hinintay ang kanyang boss, hindi niya alam ano ang kanyang mararamdaman pag nakita niya ito muli. Nalulungkot ang kanyang naging kaibigan sa opisina dahil alam nilang, mahihirapan si Risen muli alam din kasi nila na mahirap lang ito.
Dalawang araw nagdaan pumasok na si Thud sa kanyang opisina, pinapahinga niya ang dalawang araw dahil sa sakit naramdaman niya sa kanyang puwetan, hindi lamang siya nagpapahalata sa kanyang mag magulang, tanging rason niya ay magpapahinga lamang siya at mag-iisip tungkol sa kanyang nobya.
Hindi namalayan ni Thud na wala si Risen, hanggang lumabas siya sa kanyang opisina para may iutos.
"Risen pakigawa ng..." hindi niya maipagpatuloy ang sasabihin dahil walang tao sa mesa kung saan nakaupo ang kanyang secretary at ang nandoon napatingin sa kanya at sa blanking mesa.
"Saan ang secretary ko, hindi ninyo man lang akong sinabihan na absent siya o male-late," inis na sabi ni Thud, pero may naramdaman siyang may mali. Lumapit ang head ng HRD sa kanya.
"Wala na si Risen sir, nagresign na po siya," mahinahong sabi ng Ginang.
"What, hindi man lang nag bigay ng resignation letter sa akin, ano yon ha bastosan," galit na sabi ni Thud.
"A- ang mama mo po ang nagpapaalis sa kanya Sir, pinuntahan siya dito at sinabihan ayaw na niyang makita ang pagmumukha ni Risen sa kompanyang ito , nakakaawa yong bata siya pa naman ang nagbubuhay sa kanyang pamilya dahil wala na ang ama nito." Lahad ng Ginang.
"Shit!" tanging sabi ni Thud, pumasok ito sa loob at kinuha ang gamit at lumabas na ito. Uuwi siya apra komprontahin ang kanyang ina. Pagkarating niya sa kanilang bahay agad niyang tinungo ang kanyang ina sa may veranda nagbabasa ng peryodiko.
"Ano ang ginawa mo sa secretary ko? Pinaalis mo siya hindi mo ba alam daming trabahong nakapending doon, sino gagawa non, for pete sake mom, sinunod ko na ang kagustohan ninyo, huwag mo naman pakialaman ang kompanya ko." Galit na sabi ni Thud.
"Ano ang gustong gawin ko hayaan ko kayo magkikita lagi, mas magandang hindi mo siya makikita. It's for your own good anak, trust me," sabi ng ginang.
"Hindi mo alam sinabi mo, para mo rin silang ginutom sa ginawa mo, you don't even know my employees, they need work. Ngayon saan yon kukuha ng pera pambili ng makain, Hindi mo lang ba inisip yon mom. I can't believe that my mother has no heart. " diin sabi ni Thud. Isang malutong na sampal ang kanyang natatanggap mula sa kanyang ina pagkatapos niyang sinabihan masakit.
"Thanks mom, I don't care kung pagtawanan ako ng mga tao sa aking naramdaman, the thing is, I love him hindi ko gagawin ang bagay na yon kung hindi ko siya mahal, see I am a gay, your son is a gay. If you are not happy for me, I don't care anymore. But don't worry I will marry that lady and be your daughter in law, so you will be happy and daddy too." Tinalikuran na ni Thud ang ina pagkatapos niyang sinabi ano naramdaman niya. Doon siya sa kanyang condo, ayaw niyang tumira sa kanilang bahay. Tanging si Risen lang ang nakakaalam sa kanyang biniling condo. Napatawa si Thud sa kanyang iniisip dahil tangin si Risen lang ang nakaalam sa condo niya at nakapasok sa loob. Doon siya umuwi araw-araw galing opisina, hindi kayang pabayaan ang kanyang komapanyang pinatayo, dugo at pawis ang ginawa niya par alang mabuo ang kompanyang iyon.
BINABASA MO ANG
The SECRETary Stories
RomanceSECRETary stories Have four different stories. All about the forbidden affair. How they handle without letting people know it. Can they handle it or not? Can they survive or just let the people judge them.