Chap-13 Joke

797 13 0
                                    

Malungkot ang mukha ni Thud lumabas sa bahay nila Risen, sa isipan niya hindi siya mawalan ng ppag-asa alam niya mahal siya nito nasasaktan lang ito ng labis sa kanyang ginawa kailangan niyang magtiis at gumawa ng mga hakbang para bumalik ang pagmamahal nito sa kanya. Sa ngayon iinom muna siya , ang alak ang kanyang kaibigan simulang naghiwalay sila ni Risen. Sa alak kahit papaano mawala ang sakit sa kanyang puso, at makalimot pandalian lamang, kaya agad siyang nagmamaneho, bahala na kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa hanggang nagpark siya sa isang kilalang resto bar. Agad siyang pumasok at umupo sa may sulok at umorder ng maiinom isang bucket agad inorder niya.

At si Risen naman abala sa kanyang trabaho, waiter siya pagsa gabi at sa bandang hapon siya ay crew manager. Kailangan niyang kumayod dahil siya lamang ang masasandalan ng kanilang pamilya. Habang pagabi ay dumadami ang costumers.

"Risen sa table 18, maglalasing yata yong lalaki na yon parang BH marami na siyang nainom, sana maalala niyang magbayad baka sa presinto ang gising niyan." Alalang sabi ng isang waiter.

"Ganoon ba, eh singilin na lang ninyo yong gising pa, akin na yongorder niya at daldalhin ko na doon," ngiting sabi ni Risen. Pagkarating ni Risen gulat siya dahil si Thud ang kanilang costumer namumungay na ang mata nito, ibig sabihin ay lasing na si Thud.

"Waiters, shalika inom tayow, pucha! Yong mahal kow a-ayaw na sha akin, sinabi ko naman na ligawan ko sha muhli gagawin ko ang lahat, sheyt! Shakit sa dibdib," sabay turo ni Thud sa kanyang dibdib.

"Ewan ko sa iyo, ang daldal mo, may manliligaw bang naglalasing bahala ka nga," inis nasabi ni Risen at nilapag ang inorder nito.

"Hoy! Huwag mong kalimutan magbayad sa inooder mo kundi buhosan kita ng malamig na tubig," aniya.

"Shure shure, cheers!" pangiting sabi ni Thud, napailing na lang si Risen sa kanyang dating boss, umalis na siya doon at sinalubong siya ng isnag waiter.

"Lasing na yon dapat pagbawalan na yon kumuha ng maorder baka hindi makabayad," alalang sabi nito.

"Hayaan mo siya maglasing pagmakatulog buhosan mo ng malamig na tubig, di ba mawala ang lasing niyan," ngiting sabi ni Risen.

"Loko ka talaga mademanda pa tayo sa gagawin mo," sabi ng lalaki.

Hinayaan lang ni Risen ang mga kasamahan inuuna niya ang kanyang trabaho hindi muna niya inisip si Thud dahil mawala lang sia ng gana magtrabaho at malaki ang epekto sa kanya ang sinabi ni Thud kanina, sa ngayon hindi muna niya isipin iyon.

Dumating ang ora na sila ay magsarado na tanging si Thud na lamang ang natirang costumer, nakita nilang nakatulog na ito sa may upoan nakayoko. Tatawagin sana nila ang kanilang manage pinigilan ito Risen.

"Bro kuha ka ng malamig na tubig sa ice bucket tapos ibuhos mo diyan sa lasing na iyan ako ang bahala sa iyo pagmagwawala iyan, " paniguradong sabi ni Risen.

"Loko ka magwawala iyan manununtok iyan," takot na sabi ng lalaki.

"Ituro mo ako kapag susuntukin ka niya ako haharap." Ani Risen, kumuha nga ng ice bucket ang lalaki na may laman ng malamig na tubig at mabilis niyang binuhos sa tulog na Thud, biglang napatayo si Thud dahil sa lamig naramdaman niya pagtingin niya sa kanyang sarili siya ay basanag basa kita niya ang lalaki may hawak ng ice bucket sigurado siyang ito ang nagbuhos sa kanya, sinugod na niya ito agad naman tinuro ang isang lalaking nakatalikod abala sa ginagawa.

"Hoy! Ikaw daw nag-utos buhosan ako ng malamig na tubig, walanghiya ka!" susuntokin sana ni Thud ang lalaki, parangslow motion itong humarap sa kanya, bigla siya napapreno na out of balance pa siya kaya namudmod siya sa dibdib nito.

"R-Risen!" utal na sabi ni Thud.

"Magbayad ka!" sabi nito sa kanya.

"Magbayad ako saan,"taking tanong ni Thud.

"Loko ka pala eh, iinom inom ka dito tapos hindi mo alam, Sir walang libre ngayon kaya bayaran mo yang mga iniinom mo, kung matulog ka man lang doon sa inyong bahay wag dito dahil Bar ito hindi ito kuwarto o motel." Sarkasmong sabi ni Risen.

"S-sorry nakatulog ako magkano ba ang babayaran ko," tanong ni Thud , agad naman tinawag ni Risen ang lalaki at para ibigay ang babayaran. Habang abala si Thud, naglilinis an si Risen sa resto, tumulong muna siya bago umuwi. Madaling araw na siya makauwi sa kanila, kaya hapong-hapo ang kanyang katawan pagdating sa kanilang bahay.

"Uuwi ka na ba hihintayin kita," ngiting sabi ni Thud kay Risen. Nagtawanan ang mga waiter dahil hihintayin si Risen.

"Bro, type ka yata ng lalaking iyan, lakas pa yata ng tama, baka nakulangan sa malamig na tubig dahil hindi pa nagising ang diwa." Sabi ng lalaki.

"Huwga na ninyong pakialaman iyan baka magwawala iyan, hayaan na ninyo makapahinga para naman makauwi ng buhay iyan, may pamilya pa iyang uuwian." Ani Risen at inaayos ang kanyang kagamitan para umuwi na.

Nang matapos na siyang nakapagligpit kita niya si Thud nakatulog ulit, ngiti na lang ang tugon ng kanyang mga kasamahan sa kanya, at si Risen pailing-iling na lang, Inakay na lamang niya ito palabas.

"Sigurado ka ba diyan sa ginagawa mo, baka marape ka niyang lalaki na iyan, lakas ng tama pa naman sa iyo," alal ng manager.

"Kaya ko siya , kita mo naman maliit ang katawan kaysa akin, ako na bahala dito sir, wag kang mag-alala sa daming kong nakasalumuhang costumer," paniguradong sabi ni Risen, kaya hinayaan na siya nito. Inakay niya ito papunta sa parking lot.

"Palasing-lasing hindi naman kaya, hindi pa nagtira pang-uwi, akala ko manliligaw , ewan ko sa iyo Thud, akin na susi mo hatid na kita sa iyon, di man lang nag-alala ang asawa mo sa iyo." Aniya

Kita niyang tulog ito kaya siya na mismong kumuha sa susi nito sa may pantaloon, napaungol pa ito.

"Ang libog mo talagang ungas ka,"

Binuksan ni Risen ang kotse at pinasakay niya ito sa likoran at doon na matulog , pinahiga na lamang niya ito para makatulog ng maayos. Pinagmaneho niya ito papunta sa bahay,ang nakita niyang address ay ang dating bahay nito kaya doon niya ito hinatid. At nang nandoon na siya sa gate ay nagpakilala siya na dating trabahador ni Thud hinatid lang niya ito dahil lasing, at pinagbuksan siya ng gate. Ang ginang ang nagising at gulat itong si Risen ang nakita.

"Why are here?" sabi ng ginang.

"Hinatid ko lang si Sir, Maam lasing na kasi masyado at hindi na kayang magmaneho, buti na lang doon siya sa bar na pinagtrabahoan ko kaya nahatid ko siya. Sige po mauna na ako," magalang niyang sabi ayaw din naman niyang gumawa ng gulo.

"Dito ka na matulog hijo, wala ka ng masakayan palabas dahil medaling araw na," sabat ng ginoo. "Ikaw ang dating secretary niya right? Buti naman ikaw ang nakakita sa kanya, maraming salamat sa iyo, at nasa mabuting kamay siya. Dalhin na lang natin iyan sa kanyang kuwarto." Sabi ng ginoo. Tumango lang si Risen, ayaw na din niyang makipagtalo kaya sumang-ayon na lamang siya. Hinatid nila si Risen sa kuwarto nito at pinahiga ng maayos at siya naman hinatid ng ginoo sa maging tulogan niya.

'4mzTi#



The SECRETary StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon