Clark's POv.
Naligo ako at pumunta sa hospita kung san ko dinala si ate.
Nag tataka padin ako kung sino ang nag tangkang gawin iyon sa ate ko.
"Kuya Denz, sino ba huling pumasok kagabi dito?" Tanong ko sa guard na hindi ko isinama kagabi nung oras na dalin ko si ate sa hospital.
"Wala naman sir, walang pumasok dito sa bahay ninyo." Kalmadong sabi nito na mukang nag sasabi naman ng totoo.
Tumango nalang ako dumiretso na sa hospital.
Nag tungo sa kwarto ni ate pero nung madatnan ko siya ay nag kukumpulan na ang mga nurse at doktor dito.
Napumilit akong pumasok pero lahat ng bantay ay di talaga ako pinayagan.
Ilang minuto akong nag hintay. Pero ang tanging sabi nalang ng doktor sakin ay ang salitang "sorry"
Umupo nalang ako sa gilid at di maiwasang mapaluha. Grabe ang dinanas ng ate ko. Ulang taon ko palang siyang nakakasama binawi na agad siya sakin.
"Damn Ate! Bat ka nangiwan!" Nawawala sa huwisyong sambit ko habang sinusuntok ang sahig.
Pumasok ako sa loob at hinawakan ang kamay ni Ate.
"Ang aga mo naman akong iniwan, ate! Bat ang daya mo! Wala na tuloy akong hahandaan ng pagkain tuwing umaga. Wala na akong kaharutan, ate alam mo namang parte kana ng buhay ko, wala sila mama at papa sa bahay, ikaw ang nag alaga saakin. Kung nalaman ko lang sanang may tinatago kang pag mamahal sakin edi sana, minahal din kita ng pabalik." Nanghihinang sabi ko.
"Pero, ate kita hindi pwede yun, kahit sabihin mong stepsister lang kita ate padin kita kaya ng Sister eh, may pagkatanga ka din eh no!?" Sabi ko, nag galit galitan.
"Iloveyou ate, rest in peace." Sabi ko at nag paalam na nung dumating ang mag dadala sa ate ko sa morgue.
Pag labas ko ay hinarang ako ni martha at sinabing "Condolence." Tumalikod siya agad at narinig kong tumawa siya ng mahinang mahina. Pero di ko na pinansin baka buntong hininga lang o ano.
Martha's POv.
Tang ina! Sana di nalang kita minahal Clark, niloko moko! Wala kang kawala saakin dahil narinig at nakita mismo ng dalawang mata ko ang ginawa mong pag tataksil saakin.
Hindi pa kami pero niloko niya agad ko!
Nag inom ako ng mag damag hanggang sa makatulog ako sa lamesa.
Kinabukasan--
Sobrang sakit ng ulo ko pag gising ko halos di ako makatayo. Naligo ako agad at pumunta sa hospital.
Nagulat ako ng makita ko si Clark nakatalikod at ng lalakad papunta sa room ko. Nung papasok na siya ay nag salita ako.
''Bakit?" Parang nagulat pa siya.
"Yayayain sana kita pumunta sa burol ng kapatid ko. Pwede kaba?"
"Kapatid mo pala yon?" Napangisi ako sa sinabi ko.
Nag taka naman siya.
"Oo pupunta ako, mamaya nalang may trabaho pako." Sabi ko at nilagpasan siya.
Clark's POv.
Bat ganon kinikilos ni Martha, kinakabahan ako sakaniya.
Hanggang ngayon ay di pa din nalalaman kung sino ang pumatay sa ate ko. Sa bahay, at sa ospital, halos mang galaiti ako sa inis na naramdaman ko nung sinabi nilang, "sorry sir wala po kasi kaming cctv dito sa loob ng bawat room eh." Sabi nung doktor na kinausap ko kahapon.
Dito naman sa bahay ay talagang ang talino nung pumasok dito dahil binasag ang mga cctv dito.
I do not have a chance because, it happened.
Di ako makatulog mag damag dahil sa pag aalala at sa pag babantay kqy ate. Lalo akong kinabahan nung dumating si martha na ang sexy ng dating. Na halos lahat ng guards dito ay napatingin.
Sinalubong ko siya at sinabing "hi." Hinalikan ko pa siya sa pisngi, di naman siya umiwas.
Pagkaupong pagkaupo namin ay may sinabi siya..
"Anong relasyon mo sa ate mo?" Tanong na nag patindig ng balahibo ko.
" She's just my sister."
"Talaga?" Lumalawak ang ngisi sa labi niya.
"O-oo naman!"
"Eh bakit mukang kinakabahan ka? May nagawa kabang mali?" Tanong nito na lumingon na saakin, nakakatakot ang mga ngising iyon at titig na ibinabato niya saakin.
"Wa-wala!" Kinakabahang sambit ko.
"Ok, tinatanong lang kita." Sumandal na siya at tinignan ko naman siya.
Hindi kaya alam niya ang nangyare samin ni ate? Pero pano?
BINABASA MO ANG
Seductive Nurse
Roman d'amourThis story must need Strictly Parental Guidance. This story contains mature scenes that you cannot pass. so, enjoy reading!!!