MARTHA'S POV
NAGTUNGO ako sa comfort room para sundan sina Clark at Andrea.
Bago pa man ako makapasok sa loob ay nakarinig agad ako ng ungol. At alam kong kay Andrea'ng boses iyon. Walang ibang tao kundi kaming tatlo lang.
Dahan dahan akong naglakad sa pagitan ng kabilaang cubicle, rinig na rinig ang bawat lakad ko dahil sa aking takong. Maya maya lang ay tumigil ang ungol. Pumasok ako ng mabilis sa isang cubicle at sinilip ang kanilang paglabas.
"Mauna kanang lumabas, hintayin mo ko sa restaurant malapit dyan." Rinig kong sabi ni Andrea.
Narinig ko ang pag sara ng main door sa cr, tsaka ako lumabas na nakayuko habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang aking kamay.
Nung tinignan ko si Andrea ay nakatitig na ito sakin habang nanlalaki ang mga mata. Napatigil pa ito sa pag bukas ng kaniyang lipstick.
Napangisi ako..
Binawi nito ang paglaki ng kaniyang mata at pinapakitang matapang siya.
"May kailangan ka?" Tanong nito habang nag lalagay ng lipstick."Nakakaenjoy ba ang pangaagaw?" Tanong ko.
"Hahaha! Si Clark ba ang gusto mong pag usapan? Ayos naman siya, magaling sa kama- mukang nasanay sayo ah!? Hahaha!" Gago to ah!
"Pati rin ba sa comfort room magaling siya?"
"Oo naman, kakatapos nga lang namen eh!" Sabay tawa.
Tumabi ako sakaniya at humarap sa salamin habang ang tingin ay nasa kaniya.
"Peram nga ng lipstick mo."
"Pati lipstick wala ka? Ano bayan! Oh eto." Sabay abot.
Dahan dahan kong kinuha sakanya ang lipstick at sabay kong itinurok sa braso nya ang syringe na may pampatulog.
Ni-lock ko ang pinto ng comfort room at agad na inupo si Andrea sa inidoro.
Hinubaran ko siya at Itinali ko ang mga kamay nya patalikod at pati ang kaniyang mga paa.
Maya maya lang ay gising na siya.
"Putang ina mo Martha ano tong ginawa mo sakin!!?" Hindi ko siya sinagot at binigyan lang ng ngisi.
"Pakawalan mo ko ditong hayop ka!!" Nanggigigil ang muka nito at namumula sa galit.
"Bakit sa dinami dami ng lalaking aagawin mo, yung akin pa?"
"Sayo ba sya non? Eh bakit ang sabi niya sakin wala siyang jowa non?" Aba'y bastos ka ah!? Sinapak ko sya.
"Eh putang ina mo pala eh! Alam mo namang boyfriend ko yun pinatulan mo??" Nanggigigil na ako.
"Sakaniya na nga kase mismo nanggaling na wala daw siyang girlfriend . edi pinatulan ko, nag bar kame and we had sex. Hahahaha!" Agad na nagdilim ang paningin ko, di ako nag atubling isaksak sa leeg nya ang kutsilyong nakalagay sa tagiliran ko.
Hinayaan ko na dun ang kutsilyo. Tinignan pa ako ni Andrea, nakangiti ko lang siyang pinanood na umubo ng dugo at unti unting nawalan ng malay.
Lumabas na ako sa CR at bumalik sa pwesto namin kanina ni Sandra.
"Oh? Ang tagal mo naman buti dumating kapa?" Salubong ni Sandra. Di ko siya pinansin at natuon ang atensyon ko sa isang lalaking nurse na humihingi ng tulog.
"Nurse! Nurse! We need you at the OR there's an emergency!!'' Agad na nataranta si Sandra.
Alam kong tungkol ito kay Andrea.
"Oy Martha! Kailangan daw tayo sa OR di ka ba sasama?"
"Pagod na ako, pakisabi umuwi na ako."
"Ahh sige! Sige, ingat! Una na ako don." Nagmamadaling sabi ni Sandra. Tumango na lang ako.
Naglakad na ako palabas ng ospital ng bigla akong sinalubong ni Clark, hinawakan nya ang magkabila kong balikat habang umiiyak.
Oo, umiiyak. Umiiyak siguro dahil nalamang nag aagaw buhay ang syota nya.
"Ikaw ang gumawa non!?" Nangungusap ang mga mata nito.
Nginisian ko lang sya.
Umiiyak siya, ibig sabihin nafall sya kay Andrea? Putang ina.
Nagulat ako nang bigla nya akong niyakap.
"I'm sorry Martha, sorry kung nagawa kitang loohin ulit. Patawarin mo ako. Wala na akong pakielam kay Andrea hahayaan ko na syang mamatay basta bumalik ka lang sakin." Humahagulgol ito sakin habang yakap yakap ako.
Tinulak ko siya. Sawa na ako, sawang sawa sa mga kalokohan nya.
Ayokong saktan si Brent.
Tinalikuran ko siya at umuwi papunta sa bahay namin ni Brent.

BINABASA MO ANG
Seductive Nurse
RomanceThis story must need Strictly Parental Guidance. This story contains mature scenes that you cannot pass. so, enjoy reading!!!