Chptr 32

2.3K 20 0
                                    

Martha's POv.

"Ano lorena, suko kana? Haha! Isa pa oh!" Abot ng manager namin ng alak kay Lorena.

Nakayuko na si Lorena, maya maya pa nong di inabot ni Lorena ang baso, saakin naman ito inabot.

Di naman ako tumanggi, kinuha ko ito at ininom naramdaman ko pa ang pag guhit ng alak sa aking lalamunan.

Maya maya pa ay tumayo na ang aming manager at agad na nilapitan si Lorena para ihiga sa isang vip room. Sinundan ko lang sila ng tingin.

Ako na ang uminom ng natirang alak at naligo.

Nang matapos ay nag tungo ako sa kwartong itinungo ni Lorena at ni Manager Robert.

Kakatok sana ako ng may marinig akong ungol sa loob nito.

Kukuha sana ako ng damit para sakin, kaso wala may ginagaw silang kababalaghan.

Nang tumalikod ako ay biglang may nag salita.

"Hi Martha!" Sabi ni Brent, nilingon ko ito.

Agad nanlaki ang mga mata nito ng makitang ganun lang ang saplot ko, tuwalya lamang. Tumalikod agad ito at yun ang ikinangiti ko.

"Anong ginagawa mo dito, close na ah?" Kahit nakatalikod ay ang gwapo padin.

Matangos ang ilong niya, sakto ang laki ng mata at maganda ang katawan pero higit na nag pahanga sakin ay ang mga labi nito na maninipis, katulad ng kay Clark.

Putang ina!

"Ahhmm- p-pwede bang mag suot ka m-muna ng damit?" Nauutal na sabi nito habang naka talikod pa din.

Marespeto.

Humanap muna ako ng damit at nakakita naman ako agad sa kabilang vip room sinuot ko yung isa sa bestida na nakita ko, black ito na mataas ng 3 inches sa tuhod. Bumagay naman ito sakin, itinali ko ang buhok ko na pa buns at lalo iyong bumagay sakin.

Lumabas ako at pumunta sa upuan kung saan nakaupo si Brent nakita ko pa itong nag hikab bago ako makita.

Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa.

Pero bago pa man yon ay nag tungo ako sa mga lagayan ng alak at kumuha naman ako.

Umupo na ako sa tabi niya.

"Bakit ka pumunta dito?'' Tanong ko habang nag sasalin ng alak sa shot glass.

"Asan ang pamilya mo?" Magalang na tanong nito.

"Bakit mo naitanong?" Sagotko.

"Wala naman, gusto ko lang malaman kung may mga magulangka, kaibigan o boyfriend." Sabi nito at kinuha ang alak na inalok ko sakaniya.

"Meron, pero boyfriend? Wala." Nakangisi kong sagot.

Nagtataka naman siyang lumingon sakin.

"So, asan ang mga magulang mo?"

"Nasa malayo. Hindi nila alam na nag tatrabaho ako sa ganitong klase ng trabaho." Sabi ko at ininom ang sarili kong sinalin na alak.

"Ah ganon ba. Eh ang kaibigan mo?"

"Nasa bahay nila, isa din yon. Di din alam na nandito ako."

"Pero bakit hindi nila alam? Wala ba silang balita sayo? Naglayas kaba?" Tanong nito.

"Oo"

"Pero bakit." Sagot nito na nakakunot ang noong tumingin sakin.

"Ang dami mo namang tanong."malumanay na nakangiting sabi ko.

"Ah, pasensya na." Sabi nito at tumungo.

"Hindi, hindi, ok lang yon." Sabi ko at nung lumingon siya ay nginitian ko ito.

Nakita ko pang nanlaki ang mga mata nito, agad din niya itong binawi. Na mukang di inaasahan ang pag ngiti ko sakaniya.

"Pwede bang sa bahay ko nalang ikaw t-tumira?" Nagulat ako, medyo kumabog ng malakas ang puso ko. Hindi ko inaasahan ang tanong na iyon.

Wala akong gustong sabihin kundi ang salitang "Oo." Nakita ko pa ang pag ngiti nito na tila ba tuwang tuwa na napapayag niya ako.

Maya maya palang ay iniaya na niya ako papunta sa kotse niya, siya din ang nag bukas ng pinto sa passenger seat.

Pag tapos non ay pumasok na siya at nag drive papunta sa kaniyang bahay.

Pag pasok namin ay agad na bumungad ang isa sa katulong sa bahay na ito at sinabing "good evening mam, sir." Nakangiti ito na binati kami. Tumango lang ako sakaniya.

Malaki ang bahay niya at pang mayaman ang mga na display dito.

May secondfloor pa, don kami nag tungo.

Pumasok siya sa pangatlo sa mga kwarto dito, pag pasok namin ay agad na bumungad ang pang babaeng designs sa kwartong ito.

Kulay yellow siya at puti, maganda ang kulay, hindi masakit sa mata. Nandito din ang malawak na kama na may kurtina pang nakalawit na tila ba mahal prinsesa ang mahihiga don.

"Dito ka matutulog." Sabi ni Brent na nilingon ako, tumingin din ako sakaniya..

"Kaninong kwarto to?" Tanong ko habang nag lilibot ang mga mata sa kwartong ito.

"Sa ate ko, di na siya nakatira dito eh. Kaya ikaw nalang muna dito." Sabi nito, tumango lang ako at nahiga sa kama.

"Matutulog na ako." Paalam ko.

Ipinikit ko na ang mga mata ko, mga ilang minuto ang lumipas ng may maramdaman akong labi na lumapat sa noo ko.

Ngumiti lang ako sa kawalan ng maramdaman kong wala na siya sa kwartong ito.

Seductive NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon