Clark's POv
Nong nakita ko ang ina ni Martha ay laking gulat ko na malaman yon.
Ipinag handa ko ito ng pagkain at kinausap.
"Ahmm, tita. Asan po ang asawa niyo?" Tanong ko dito. Habang si Martha naman ay nakahiga sa sofa at may earphone, hindi manlang naoansin ang pagpasok ng ina
"Nandoon sa bahay, nag papahinga." Sagot nito pag tapos nguyain ang isinubong pagkain.
"Ah ganon po ba." Sabi ko habang tumatango-tango pa.
Habang walang matopic, may nirequest ako.
"Mag kwento naman po kayo tungkol kay Martha, tita." Pabulong kong sabi, lumapit pa ako ng onti kay tita para mas marinig, lumingon muna ako kay martha bago ko iyon sabihin.
Inubos muna niya ang kinakain niya bago uminom ng tubig at dumighay. Umayos ito ng upo at saka humarap sakin.
Kamukhang kamukha siya ni Martha.
"Simpleng bata lang iyang si Martha noon." Sabi niya.
"May nag bago po ba?" Tanong ko.
"Huwag ka munang sumabat."natatawang sabi nito.
Ang cute niya tila kahit matanda na ito ay maganda padin, walang kulubot, makinis ang balat, as in. Parang pinatandang Martha lang.
"Simple lang iyang anak ko na yan. Palatawa, palabiro at malambing sa magulang, lalo na sakin na ina niya." Uminom pa ito ng tubig at pinunasan ang labi pag tapos.
"Masaya siyang kasama niya ako, masayang kasama ang ama niya. Tuwing gagala kami ay hawak niya lagi ang tig-isang kamay namin ni Wesley, tatay niya." Dugtong niya.
Nakinig lang ako, pinaglalaruan ko pa ang isang jolen na nasa flower vase sa lamesa.
"Dumating yung araw na, hindi na umuuwi ang tatay niya sa bahay namin. Hindi ko alam kung bakit, pero laging laman ng isip ko ay si Martha. Hindi dapat ako sumuko dahil may nag mamahal pa din sakin, ang anak ko."
"Halos gabi-gabi akong umiiyak sa hindi pag uwi ng kaniyang tatay. Gabi-gabi din akong sinusuyo ni Martha at napapangiti niya naman ako at napapatahan. Pero simula nung hindi na tumatalab ang epekto ng panunuyo sakin ng anak ko gabi-gabi, nakita ko na, nag titiklupan ang mga kamao nito at ngumi-ngising parang matanda, na akala mo ay madaming ng alam." Ngumi-ngisi siya habang sinasabi iyon. Lalong nakita ko si Martha sakaniya. Nakakatakot sila.
"Hindi ko alam ay sinusuri na ng anak ko ang ikinikilos ng ama niya, hindi ko alam ay sinusundan niya ito. Nakita niya may babaeng kasama ito sa Bar, minsan naman ay sumisilip siya sa opisina ng ama." Sumilip pa ito kay martha na nakaupo sa Sofa na may earphones na nakasuksok.
"Hindi naman ako nagulat pang may babae itong kasama, dahil bukod sa gwapo ito ay mayaman at may diskarte sa bagay-bagay. Kaya siguro nainlove din ako sakaniya." Sabi nito at natawa pa.
"Dumating ang araw na wala na akong pera, naubos lahat ng naipon ko kasama si Wesley. Naisipan kong mag tungo sa opisina nito at manghingi ng pera dahil nga, sa gutom na ako pati narin si Martha." Nagkakaroon ng pagkainteres ang buong katawan ko sa susunod na sasabihin nito.
"Pag pasok ko ay ininda ko ang sakit, na kahit nanghihina ang mga tuhod ko ay nagawa ko pang tumayo ng diretso, naluluha na ako nong oras na yon pilit kong pinigilan. Pero sa sobrang pag pigil ko ay napasobra naman ang mga hikbi at hagulgol, yon ang kinalabasan ng mga pag pigil ko."
"Hindi ko napansin ang paglapit ng anak ko saakin, naramdaman ko nalang na hinagod pa nito ang likod ko. Habang napaupo sa sakit na naramdaman ko noon ay pinanood ko si Martha, nakita kong may binunot siya sa tagiliran niya, at hindi ako nag kamali at kutsilyo ito."
"Dahan-dahan niyang nilapitan ang dalawa."
"Sino nga po ulit na dalawa?" Naguguluhan kong tanong.
"Yung kabit niya at siya." Tumango lang ako.
"Inalis ni martha ang babaeng nakapatong sa asawa ko. Agad niyang itinarak sa leeg ng asawa ko ang maliit na kutsilyong hawak nito." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito.
"T-tatay niya p-pinatay n-niya!?" Napasigaw ako. Di makapaniwalang sabi ko.
Sa paglakas ng sigaw ko ay agad na napalingon si martha samin.
Agad siyang napatayo, gayundin ang ina niya.
"Ma!" Sigaw nito at agad na niyakap ang ina, napangiti ko sa nakita ko. Dahil si Martha ay may matatamis na ngiti na bumagay sakaniya. Hindi iyon ngisi, nanibago ako sakaniya.
"Anak, kamusta kana?" Tanong ng ina sakaniya.
"Okay naman ako, ikaw kamusta kana? Kayo ni Tito Ronald?" Tanong ni Martha at inakbayan ang ina na tumungo naman ulit sa lamesa upang maupo.
"Okay kami, napabisita lang ako dahil nabalitaan ko sa matalik mong kaibigan na may asawa kana daw." Tanong nito na nakangiti sa anak.
Grabe, asawa agad? Hahah!
Pero ayos yun.
"Boyfriend ko pa lang yan Ma, grabe naman ka-Chismosa nong Sandrang yon. Haha!" What? Tumawa? Si Martha? What the hell!! Tell me i'm just dreaming.
"Oh, bat tila ka tanga dyan?" Baling ni Martha sakin.
"W-wala!" Pag dedeny ko.
"Haha! Ma, si Clark boyfriend ko." Sabi nito sakin, Damn! You're so beautiful Martha!
"Kanina ko pa yan ka-kwentuhan, kaso di mo kami marinig. Lagi kang may earphones sa tenga mo!" Saad ng ina.
"At ano namang pinag kukwentuhan niyo? Tanong ni Martha na napabaling pa sakin.
"Naputol nga kasi nakita mo kami." Sabi ko.
"Edi ituloy niyo," sagot nito sakin..
Lumingon pa ako sa ina niya.
"Yun na nga at pag tapos niyang isaksak sa leeg ni Wesley yung kutsilyo ay agad niya itong kinuha ulit at unti-unting nilapitan yung kabit ng asawa ko. Natatakot ang mga mata nitong tumingin sa anak ko kahit pa bata lang ito ay kung kumilos tila daig pa ang kriminal. Pinatay niya din ang babaeng yon at iniwang nakakalat don." Kinakabahan ako sa pag kkwento ng ina niya.
Talagang andoon ang pagkagalak na ganon ang anak niya. Na tila ba di niya iyon pinagsisisihan na namatay ang asawa niya dahil sa kagagawan ng sarili niyang anak.
"Hindi ko sinisi ang anak ko sa pangyayareng iyon. Alam kong hindi baliw ang anak ko at alam kong nagawa niya iyon dahil nga sa panloloko sakin nong ama niya. Wala siyang sinasamba, kaya mamamatay lahat ng lumalapit sayo." Kinabahan ako at nanginig, kinilabutan ang buo kong katawan.
"Ma, wag mong takutin ang asawa ko." Sabi ni Martha. Natawa ito ng onti, don ako natahimik.
Asawa, hmm.. ang sarap pakinggan.
"Binibiro lang kita anak, wag na tita ang itawag mo sakin. Mama nalang tulad ng tawag sakin ng anak ko, o siya aalis na ako. Baka hinihintay na ako ni Ronald, may date pa kami. Babush na." Sabi nito at tumayo.
"Osige po, ma" sabi ko at bumeso.
"Ma, ikamusta mo ako kay Tito Ronald. Ingat ka lagi, bisita ka lang dito kung pwede ka ah! Sige na." Sabi ni Martha.
Umalis na si "mama".
Agad kong hinawakan si Martha sa bewang at hinalikan ito sa ulo.

BINABASA MO ANG
Seductive Nurse
RomanceThis story must need Strictly Parental Guidance. This story contains mature scenes that you cannot pass. so, enjoy reading!!!