Chptr 35

2.2K 21 0
                                    

Brent's POv.

"Hoy Brent, may pasok ako mamayang 11:00." Sabi ni Martha.

"Maka "hoy" ka dyan! Kumain ka muna bago maligo." Sabi ko sakaniya.

Kumuha na sya ng pagkain, pati ako ay ipinagsandok na nya ng pagkain.

Pagtapos non ay naligo na sya, pumunta ako sa kwarto upang ihanda ang aking isusuot sa paghatid sakaniya mamaya.

Habang kumukuha ng damit, ay aksidente kong naibagsag ang aking damit pero nag taka ako na bakit may bagay na tumunog.

Sa kyuryosidad ay agad kong tinignan kung ano yun.

Pero, syringe ang aking nakita. May kung anong kulay brown sa loob nito, liquid.

Kay martha siguro ito, agad kong inilagay yon sa bag niya. Pero bago ko mailagay ito sa loob ay nakita kong umilaw ang kanyang cellphone, tinignan ko ito at may tumatawag.

Sandra's Calling...

Balak ko itong sagutin pero agad naman binaba nung caller ang tawag.

Naisipan kong kalikutin ang kanyang cellphone, sa image nakita ko ang isang lalaki na kaniyang kasama sa isang selfie.

Masaya ang mga mata ni Martha dito, bagay ang pag ngiti niya. Pero sino tong kasama niya?

Nacucurious ako kaya tinignan ko pa ang iba.

Isang imahe ang nakapag pigil sa aking daliri sa pag lipat ng mga imahe, magkakiss sila nung lalaki kanina sa unang litrato.

Agad na nanikip ang aking dibdib at napaluha sa kawalan. Ibinalik ko ang kaniyang telepono sa kaniyang bag at napaupo sa gilid ng kama habang nakahawak ang dalawang kamay sa aking buhok.

Ang sakit, sino yon? Gusto ko siyang makilala gusto kong bugbugin, gusto kong malaman kung sino siya at ano siya ni Martha.

"Brent, nasa kwarto kaba?" Umeechong sabi ni Martha mula sa labas. Hindi ko siya sinagot at agad na pinunasan ang aking mga luha at tumayo.

"Oh bakit? Okay ka lang?" Nag aalalang sabi ni Martha sakin.

"Oo naman, magbihis kana." Sabi ko at hinalikan muna siya sa noo.

"Ano, ah- hindi, bakit namumula mata mo? Umiyak kaba? Okay ka lang?" Sabi nito na lalong nag papabigat ng nararamdaman ko.

"Wala to. Mag bihis kana intayin kita sa labas, mag bibihis na din ako sa cr." Sabi ko at tuluyang nilisan ang kwartong iyon.

Martha's POv.

Nagtataka ako, bakit ganon si Brent? Mukang umiyak siya.

Hayss. Ang hirap neto ah.

Nag commute lang kami, dahil ayon ang sinabi ko sakaniya at maaga pa naman.

Kahit medyo malayo na ang lugar na ito mula sa pinagttrabahuhan ko.

Maya maya lang ay bumaba na kami aa Fx. Nakita ko nanaman yung pinagttrabahuhan ni Clark, pero hindi! I'm okay with Brent.

Naglakad na kami at maya maya'y naaninag ko si Clark, He's staring with us. So what? I don't fucking care.

Hinawakan ko sa bewang si Brent at ganti nito ang pag akbay sakin.

Magsisi ka.

Seductive NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon