Martha's POv.Ilang araw lumipas nung di kami nag pansinan ni Clark nung una ay umuwi siya ng bahay pero pag tapos non ay hindi na siya umuwi.
Hindi ko alam kung saan siya hahanapin inikot ko ang buong kompanya nila at hospital na pinapasukan ko.
Hirap na hirap nako ilang araw ko na siya hinahanap halos di ako makakain makita lang siya.
Kada papasok ako sa hospital, nakakapatay lang ako ng pasyente kaya di na muna ako pumapasok.
Hirap na hirap ang puso ko, halos gabi gabi umiiyak ako, umaga- pag sinisilip ko siya sa kama na wala padin, na iimagine ko yung muka niyang hinahalikan ang noo ko at sabay ngingiti pero ngayon wala na siya sa tabi ko.
Wala ng nag luluto para sakin. Miss na miss ko na siya. Hindi ako nawawalan ng pag asa alam kong makikita ko siya at babalik siya dito.
Pero hanggang ngayon.. Wala padin.
Halos lumaki ang eyebags ko at halos sumakit ang ulo ko kakaisip kung saan siya hahanapin.
Bakit mo ginagawa sakin to babe? Miss na kita.
--
Dumating ang araw ng sayaw namin ni Sandra. Madaming tao ang nakaporma ng pangsayaw ngayon at talagang makikita mo ang pag ka excite nila sa magaganap na party.
"Bes okay ka lang ba?" Sabi ni sandra.
Umiling ako
Bakas sa muka niyang nag aalala siya.
Hinawakan niya yung kamay ko at pinunta sa labas ng hospital.
"Ano bang nangyare?"
Ang tagal ko bago sumagot.
"Si Clark.. Si Clark di na umuuwi sa bahay.. Namimiss ko na siya, di ko na alam ang gagawin ko nawawala na unti unti ang pag-asa ko na mahahanap ko pa siya. Hindi siya nag paalam sakin. Ang sama ng loob ko sakaniya. Pinapahirapan niya ako." Kalmado pero naluluhang sabi ko.
Sa totoo lang, di ko na talaga alam ang dapat kong gawin ilang beses nadin ako nagtangkang mag laslas. Pero walang Clark na dumating para pigilan ang kamay kong gawin iyon.
Hindi nako naka tiis at napayakap na sa bestfriend ko.
Mahal na mahal ko si Clark. Hindi ko kayang mawala siya sakin.
"Sana makita ko na siya." Bulong ko habang nakayakap sakaniya.
"Tutulungan kita bes."
Tumango lang ako.
Nag umpisa kaming mag tanong sa mga guard ng company niya.
"Alam mo ba kung nasan si Clark?" Tanong ko.
"Kayo po ba ang Girlfriend niya mam?" Tumango lang ako.
"Eh akala ko po sinama niya kayo sa amerca para magpakasal?"
Huh?
"Anong sinasabi mo?"
"Pinuntahan po si sir ng nanay niya dito sa kompanya para sunduin at sinabing mag pakasal na sila ng Gf niya di ko po naalala ang pangalang binggit, nakita ko pa ngang tumatanggi si sir at sinabi niyang "uuwi muna ako" pero di pumayag ang nanay niya at sapilitang kinaladkad ito palabas kasama ang ibang guards dito."
Hindi ko na siya pinakinggan pa at umuwi sa bahay upang mag inom.
Bumalik ako sa hospital para mag perform pero umuwi ako agad.
Hindi ako pwedeng pumunta basta sa America madaming lugar don na pwedeng puntahan nila, hindi ko alam kung saan mag sisimula kaya mag hihintay nalang ako dito.
Pero, sorry nalang siya kung patay nako pag balik niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/54519701-288-k776222.jpg)
BINABASA MO ANG
Seductive Nurse
RomanceThis story must need Strictly Parental Guidance. This story contains mature scenes that you cannot pass. so, enjoy reading!!!