Clark's POv.
Pag baba ko sa kotse ni Andrea ay agad akong pumasok sa loob ng bahay at naligo.
Nag tooth brush ako at nahiga sa kama-- pero, parang may kulang?
Si Martha! Puta! Asan na yon!?
Dinayal ko ang numero ni Martha, pero walang sumasagot. Ilang beses kong inulit yon pero wala ni isang sagot.
Puta! Anong gagawin ko? Puking ina!
Kung ano anong pumapasok sa kokote ko, hindi naman niya magagawang mag layas diba! Mahal niya ako! Di niya ako kayang iwan! Putang ina!Nag tungo ako sa closet niya, pero bigo ako at wala nga ang mga gamit niya don. Nataranta na ako at kung kanikaninong number na ang natawagan ko.
"Hello!!" Naiiyak na sigaw ko sa kabilang linya habang pababa ng hagdan.
"Oh pre! Bakit? Ano nangyayare?" Si warren..
"Nilayasan ako ng girlfriend ko pre!!-- san ko siya pwedeng hanapin! Bilis! Tulungan moko! Di ko alam gagawin ko!!- pre mahal na mahal ko yun--" pinutol nya ang sinasabi ko.
"Te-teka! Ano ba kasing ginawa mo pre!!" Sigaw pabalik nito.
"Wala akong ginawa kahit an-- PUTANG INAAAA!!!!" Sigaw ko ng maalala ko kung ano ang ginawa ko kanina.
"B-bakit pre? Ano ba kasi putang ina naman nito!" Nauurat nitong sagot..
"Kanina, hinatid ako ni Andrea. Ang paalam ko kasi ay mamimili ako sa grocery. Pero putang ina! Hinalikan ako kanina ni Andrea bago ako bumaba sa kotse niyaaa! Pre pano k-kung nakita niya kami! Pre di ko talaga alam ang gagawin. Pano kung di na niya ako balikan!!" Nagpapanic na sabi ko habang pari't parito sa salas.
"Chill pre! Putang ina mo din kasi-- bat ka nakikipag halikan alam mong nasa harap lang ang bahay niyo!"
"Hindi ako nakipag halikan!" Depensa ko.
"Oh talaga? Bakit mukang di mo naman inawat yung Andrea'ng yon!" Nang- aasar pa si mokong!
"Putang ina! Ano tutulungan mo ba ako?????" Nanggigigil na sabi ko.
"Oo na! Hintayin moko diyan." Sabi nito at ibinaba na ang tawag.
Uminom muna ako ng tubig bago tuluyang maupo sa set.
Hindi ko alam kung saan unang pupunta masyadong okupado ang puso't isip ko.
Tang ina! Nasaktan ko nanaman siya.
Maya maya palang ay dumating na si Warren.
"Pre! Sumakay ka na dito! Bilis!" Sumakay naman ako at di na nag patagal pa.
Pero nung palabas na ako ng gate ay may nakita akong bracelet na nakalawit sa bukasan ng gate. Agad ko iyong kinuha at napag tanto kong kay Martha yon.. Hindi kaya nakita niya talaga kami. Putaaa!!
--
"San ba natin unang pupuntahan?"
"Hindi ko alam! Basta i drive mo!"sagot ko.
Pumunta kami sa mga grocery baka kasi malay mo sinundan niya lang ako para bigyan ng pambayad.
Pero bigo kami.
--
"Pre! Ilang oras na tayo naghahanap, wala talaga! Magpahinga ka na muna at sa susunod ay mag hahanap ulit tayo." Mukang pagod na nga siya.
Sumakay na kami sa kotse niya at nag drive pabalik sa bahay. Dito daw muna siya matutulog.
Habang nasa biyahe ay may bigla siyang sinabi.
"Patay na si Lara." Sabi nito. Nanlaki ang mga mata ko.
"P-panong n-namatay?" Maang-maangan kong sambit dahil ang totoo ay alam ko naman ang dahilan.
"Sabi ay nalason daw ito." Malungkot na sabi nito.
"Kailan pa?" Tanong ko.
"Nung isang linggo pa. Nailibing na din ito kaya tapos na, pero nasasaktan pa din ako."
"Nako, pasensya kana pre. Di ko kasi alam." Sabi ko.
"Hindi, wala yon." Ngumiti pa ito na nakatingin sa daan..
"Condolence." Pabulong kong sabi.
Pagkauwi namin ay agad kaming natulog dahil sa pagod.
Sana balikan mo ako...

BINABASA MO ANG
Seductive Nurse
RomansaThis story must need Strictly Parental Guidance. This story contains mature scenes that you cannot pass. so, enjoy reading!!!