Chptr 24

2.8K 28 0
                                    

Clark's POv.

Niyaya ako ni Lara para sa lunch. Sa bahay daw nila, di naman ako tumanggi dahil Girlfriend siya ni Warren at wala namang masama don.

Before, she said that she likes me. But that time, i do not know what to answer.

Hindi ako nakapag paalam kay Martha kaya baka magalit sakin yun paguwi ko, aagahan ko nalang ang pag uwi ko.

"Oh, kamusta kana?" Tanong ko.

"Eto, ok naman. Hinihintay ko pa din ang sagot mo." Sabi ni Lara.

"Pero may girlfriend na ako."

"Walang girlfriend, girlfriend Clark. Magiging akin ka sa ayaw at sa gusto mo." Lumapit siya sa akin.

Itinapat ang muka nito hanggang sa nailang ako at napatayo sa kinauupuan ko at umatras.

"Ano ba! Layuan mo ako!" Sabi ko.

Ngumiti siya ng nakakaloko at hinalikan ako sa labi nung wala na akong kawala. Nagulat ako syempre, at itunulak siya ng marahan.

Pero hindi siya nag patalo at lalong idinidikit sakin ang katawan niya.

Maya maya pa ay may nag salita..

"Kadiri ka." Tinig ng isang babae na naka de-kwatro ang upo. May sigarilyo pa itong hawak at ibinuga ang usok.

M-martha!? O___O

"Martha!?" Naguguluhan at kinakabahang sabi ko.

Hindi manlang siya tumingin saakin, nakabaling lang siya kay Lara, ngumisi ng nakakaloko, nakakatakot.

Hindi ko gusto ang mga ngising iyon.

Tumayo siya at nakay Lara padin ang tingin.

"Sino ka naman para pumasok sa pamamahay ko!?" Mataray na tanong ni Lara kay Martha.

"Hindi mo alam?" Pilosopong sagot ni Martha.

Palapit ito ng palapit kay lara, ang sama ng tingin niya rito.

Nakita kong si Lara naman ang umaatras palayo kay Martha.

Kinakabahan ako sa susunod na mangyayare.

Nung malapit na malapit na si martha kay Lara ay bigla nalang siyang yumuko sa mga balikat ni Lara at nanlaki ang mata ni Lara at unti unting pumikit kusa ang mga mata nito at nanghina.

Ikinalong ni Martha si Lara palabas ng bahay at pag balik niya nakita kong may dugo yung kanang kamay niya, wala na si Lara sa likod nito.

Ang lakas niya.

Pero, lalo akong kinabahan sakaniya. Anong ginawa niya kay lara?

Nanghina ako sa mga naiisip ko.

"Asan si Lara?" Tanong ko. Hindi siya sumagot at hinawakan nalang ang kamay ko at itinungo sa bahay namin.

--bahay..

"Anong ginawa mo kay Lara?" Nanginginig at nawawala sa sariling tanong ko.

"Anong ginawa mo kay Lara!!!" Sigaw ko sakaniya at napatayo naman ako at siya ay tumayo din.

"Pinatay ko. Bakit may magagawa ka!?" Nakakunot noong sabi nito.

Ano daw? Pinatay? Hindi! Hindi siya mamatay tao.

Pero lahat ng nangyare simula nung dumating siya ay nag Flashback.

"Ikaw.. Ikaw ang pumatay sa ate ko." Naluluhang sabi ko, wala akong maisip. Walang pumapasok sa kokote ko.

Ang gusto ko lang ay malaman ang lahat.

"Oo." Holy shit!

"Sa babae sa c-club?" Nakatulalang tanong ko.

Tumango siya.

"Si Ca-cassy?" Tumango ulit pero habang tumatango siya ay nakangisi din siya.

"Hindi mo ba alam kung anong ginagawa mo!!! Pumatay ka ng tao!! Hindi lang isa! Kundi tatlo! Bakit mo nagagawa ang mga bagay na to!!! Hindi dapat yon! madami kang taong napatay! Alam mo ba ang ginagawa mo!!!! Isa kang kriminal!!" Sigaw ko sakaniya habang niyuyugyog siya..

Hindi siya sumagot. Natawa siya ng mahina.

"Anong tinatawa-tawa mo! Hindi mo ba ako naririnig? May sira kaba sa ulo!!" Nangigigil na sabi ko.

"Wala, pero nung dumating ka, tila nag bago ang lahat. Nasisiraan ako ng utak tuwing nakikita kitang pinag tataksilan ako. Nung una, sa ate mo. Akala mo di ko alam? Kaya ko siya napatay dahil naririnig ko ang "BAWAT UNGOL" niyo. Ang sakit sakit sa tengang naririnig ko ang boses mo non! Sa lahat ng pagpapakita mo na "MAHAL" mo ako ay napalitan ang tingin ko." Sabi niya nung una ay kalmado pero nung sumunod ay naluluha na siya.

Sa totoo lang ay nagulat ako sa mga sinabi niya

"Yung babae sa Club. Pumatol ka sa pokpok. Nakipagsex ka sa taong bayaran! Akala mo di ko din alam!? Nung oras na matapos kayo sa pag roromansahan niyo ay hinintay ko ang pag labas niya. Sinadya kong iparinig sayo ang pag tili niya sa sakit para naman makonsensya ka sa panloloko saakin." Nanlalambot na sabi niya, halos maubusan siya ng hininga at laway sa mga sinasabi niya na talagang ikinagugulat ko.

At ang susunod niyang sinabi na talagang ikinasikip ng dibdib ko.

"Ikakasal ka sa taong di mo mahal, di mo nga naisipang mag paalam sakin kung saan ka pupunta eh! Di mo manlang ako tinext at i-inform kung saan ang punta mo. Tapos malalaman ko nalang na ikakasal ka na! Hindi mo ba alam kung ilang araw akong nag tiis, nag hanap, nag sayang ng oras para lang hanapin ka sa sulok ng pilipinas? Sinundan kita sa Amerika, nandon ako nung gabing hinalikan kaniya sa labi at isandal sa pader. Hindi mo alam kung gaano kasakit na ang daming babae ang nakakagawa sayo non! Kinabukasan ay kasal niyo na! Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula! Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at binigla siya. Iginapos ko siya sa upuan at tinurukan nang lason, nung nainip ako sa tagal ng epekto ay nilaslas ko ang leeg niya. Takot na takot akong mawala ka sakin, pero ni minsan eh hindi mo naisip na lahat nang nakakamake out mo ay namamatay." Mahabang paliwanag niya habang nanggigigil na binabato sakin ang mga salita niya.

Hindi ako nakasagot agad. Gusto kong mag pakamatay sa mga salitang naririnig ko sa taong mahalko

"Hi-hindi ko akalaing k-kaya mo yung gawin." Hindi makapaniwalang sambit ko.

"Hindi talaga, kaso ang malas nila binawian sila agad ng buhay."

Hindi ko siya masisi. Dahil ako lahat ang may kasalanan kung bakit ganon ang nagagawa niya.

"Sorry." Sabi ko.

"Una palang, pinatawad na kita. Don ako gumaganti sa mga babae mo." Ang sakit makita at marinig na ganito siya sakin.

Hindi siya tumabi sakin matulog at sa sofa siya natulog.

Seductive NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon