Chptr 34

2.2K 21 0
                                    


Clark's POv.

"Hindi ka ba mag bebreakfast, babe?" Tanong ni andrea.

"Hindi na muna, sabay nalang tayong mag lunch mamaya. Puntahan moko sa office." Sabi ko at inayos ang neck tie.

"Aalis na ako, i love you." Sabi ko at hinalikan siya sa labi.

Sumakay na ako sa kotse ko, pero ang laking gulat ko ng makitang nasa likod si Warren.

"Kakalimutan mo ba talaga si Martha? Ganon nalang yon?" Tanong nito, na nagpatindig ng aking balahibo.

"Si Andrea na ang mahal ko, Warren. Ilang araw ko ng di nakikita si Martha at siguro hanggang dun nalang yon. Tutal, mukang wala na syang balak na balikan pa ako edi si Andrea nalang." Sabi ko at inistart ang engine.

"Okay, sabi mo yan. Sa oras na bumalik si Martha, ewan ko nalang. Sana nga mahal mo talaga yung Andrea'ng yon. Tandaan mo, si Andrea ang huling kasama mo nung nawala si Martha." Tang ina, kinokonsensya ba ko ni Warren?

Ang tagal ko bago nakapagsalita. Umubo pa ako para matanggal yung nakabara sa aking lalamunan, wala naman akong ubo.

"Hindi ka pa ba lalabas? Aalis na ako." Sabi ko ng di manlang siya nililingon.

Hindi na din sya nag salita pa at binuksan na ang pinto at pa dabog na isinara ito.

Nag drive ako papunta sa opisina na pinapasukan ko. Maya maya pag baba ko ay nakita ko si Martha. Naglalakad sa labas ng company patungo sa hospital na kanyang pinapasukan.

Nung una ay nag aalangan ako na baka hindi sya yon. Kaya kinusot ko pa ang aking mata upang aking masiguro iyon.

Pero siya nga, kaso may kasamang lalaki. Gwapo, pero mas gwapo ako.

Nakaramdam ako ng pananakit ng dibdib, hindi ako makagalaw at pinagmasdan ko nalang silang dalawa.

Masakit, nakakaselos.

Seductive NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon