Chptr 30

2.4K 22 0
                                    

Martha's POv.

Ang tagal kong nag hintay sa bahay dahil ang sabi ni Clark bibili siya ng mga goods sa grocery.

Napatayo ako sa boses na narinig ko, sumilip pa ako sa bintana.

Nanlambot ako sa mga nakita ko, hindi ko na alam ang irereact ko.

Agad akong nag impake ng gamit at tuluyang umalis sa bahay bago pa man makapasok sa loob si Clark!

Agad akong pumara ng taxi pag labas ko ng gate.

Napahagulgol ako sa mga nakita ko.

"Mam ok lang ba kayo?" Tanong ng driver. Tumango lang ako at isinenyas ang kanang kamay ko na humarap siya sa daan at mag drive na.

Habang ang kaliwa kong kamay ay patuloy na pinupunasan ang luhang pumapatak sa mata ko.

Nakita ko si Clark kanina na nakikipag halikan sa babae, sa loob ng sasakyan. Pano ko nakita? Malamang nakabukas yung pintuan, bukas pa ang tatlong butones nung babae.

Nakita ko si Clark na pungay-pungay pa ang mga matang tumitingin sa suso nung babaeng nakapatong sakaniya.

"Mam san ko po kayo ibababa?" Di ko siya sinagot at nag patuloy lang siya sa pag mamaneho.

Maya maya pa ay narating na ang bahay na gusto kong puntahan.

Pagpasok ko ng bahay.

"Pabili nga ng isa." Sabay abot ng pera.

Inabot naman niya ito sakin.

"oh lighter." Kinuha ko naman iyon.

Hinithit ko yun at maya maya lang ay high na ako.

--

Ilang araw ganon ang daily routine ko.

Halos masiraan na ako ng ulo.

Tinignan ko naman yung cellphone ko at..

100 missed calls from clark.

30 missed calls from sandra.

Binalik ko na agad ang cellphone ko sa bag ko at nag punta sa Mcdo para kumain ng tanghalian.

"Miss anong order niyo?" Tanong ng babae sa cashier.

Sinabi ko ang order ko at nag bayad.

Pagtapos kong kumain ay pumunta naman ako sa tindahan at nag yosi.

--

Halos naka isang buwan ako na ganon lagi ang ginagawa.

Habang kumakain ako sa isang mumurahing foodchain ay biglang may lumapit saking babae na tila ang angas ng dating, yung pormahang pang pokpok.

Naka short at sando habang ang mga tenga ay puno ng hikaw. Ang labi ay nag sisi-ngusuan sa pag hithit buga ng usok sa sigarilyo.

"Mukang bago ka rito." Maangas na sambit nito.

Hindi ako sumagot, tumayo siya para umupo sa tabi ko.

"Malulusog ang suso." Sabi nito at sinusuri bawat parte ng katawan ko.

"Pwede na rin." Napapatangong sabi nito..

"Gusto mo ng trabaho?" Tanong nito, tamang tama ay bente nalang ang pera ko, di na sasapat pa sa isang araw na pagkain.

Hindi ako sumagot at hinayaan siyang mag salita.

"Sumama ka sakin, mukang wala ka ng pera." Pag yayaya nito.

No choice ako, dahil kailangan ko na din ng pera, sumama ako at dinala niya ako sa isang lugar kung saan ang mga babaeng nakahubad ay nandito, mga pokpok ba.

Hindi ako kinakabahan, ang kinakatakot ko lang ay baka hipuin ako ng mga magagaspang na kamay ng mga lalaking andito.

Hindi tulad ni Clark, malam-- pota! Ano ba!?

"Anong pangalan mo?" Tanong nung babae.

"Martha." Ngumiti ito at inilahad ang kamay nito bago sabihin ang pangalang "Lorena." Inabot ko ito at ngumiti pabalik.

"Maganda ka pala pag nangiti, ang sungit mo pag siryoso." Natatawang sabi nito.

Maya maya pa ay may inabot siya.

"Oh! Suotin mo na, mamaya ikaw na ang lalabas. Malaki laki ang sahod dito, i-tatable ka lang. Hindi ka i-vvip room, don't worry!" Sabi nito at tinapik pa ang balikat ko, hindi ko masabing panget siya dahil ang totoo ay may itsura siya.

Isinuot ko ang panty't bra na may design na pang pokpok, bagay naman ito sakin.

"Don kana sa stage, pag inilawan ka nung manager natin, lumapit ka." Sabi ni Lorena.

Lumabas ako at nag tungo sa stage at gumiling na makakapang akit sa lalaki, hindi ako sanay pero may alam ako sa ganito.

Unang beses na may tumapat sakin ng ilaw. At sinenyasan ako nitong lumapit.

Pinalapit ako nung manager at sinabing kausap kausapin mo yung lalaking yan.

Ginawa ko yun, pero bigla ako nitong hinila pababa para makaupo sa mga hita niya, may kasama siyang dalawang lalaki na nakatingin lamang samin.

Agad nitong hinawakan ang dalawang suso ko at iniangat ang aking bra. Hindi ako nakaangal at nakaisip ako ng paraan para makaalis sa pwestong iyon.

"Naiihi ako, babalikan kita." Hinalikan ko pa ito para di halatang nag sisinungaling ako, may itsura naman ang lalaking yon kaya di ako nandiri.

Maya maya pa ay bumalik ako sa stage.

Ilang beses akong tinawag gamit ang flash light, ang sabi kasi nila ay bawal ang ginawa sakin nung unang lalaki kaya ganun nalang daw ulit ang gawin ko kapag may nambastos sakin ulit.

Ngayon ay pang lima na.

Umupo ako sa tabi nung lalaki, hindi niya ako ginagalaw.

Tinignan ko ang mukha niya at ang gwapo nito, halos tumalbog ang puso ko at mahulog sa sahig.

"Anong pangalan mo?" Nakangiting tanong nito sakin. Hinawakan nito ang kamay kong nasa upuan at ipinatong sa lamesa.

"Martha." Tipid kong sagot, nakukuryente ako sa paghawak niya sa kamay ko.

Mukha siyang mabait at hindi naman ako nag kamali don, halos isang oras lang kaming nag kwentuhan hanggang sa um-okay na ang pakikitungo ko sakaniya. Binayaran niya ako ng 5k palihim..

Dahil ang sabi sakin nung manager ay 1k ang bayad sa pag tatable, yun daw ang buong bayad nung tinable ko, hindi ko alam na may isa pa pala siyang binigay.

Nakakatuwa naman pala. Minsan may taong rerepetuhin ka din. At siyempre may tao ding hindi mapagkakatiwalaan.

Sana makita kita ulit kahit dito nalang, Brent.

Seductive NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon