Cashien POV
Canteen.
Iniisip ko parin yung bwisit na lalaki kanina. Ewan ko ba naasar ako sakaniya pero iniisip ko siya. Ayss nag mumuka na talaga akong tanga."Kamusta naman kayong dalawa kanina pa kayo tulala ah." Tumingin lang ako sakaniya. Hindi niya ba gets na siya lang ang masaya.
Yung asawa ko pala kailangan ko pang hanapin huhuhu. Bakit kasi may asawa na ako. I'm just 19 years old. Hindi ba nila alam na masakit. Masakit na yung..
Tumingin ako kay Lee-am. Ano bang iniisip nito. Tapos napatingin ako Kay pucca.
"Masakit kasi, kasi hindi niya ako pinapansin.. Pero Ok lang kasi nandito ako sa school niya hahaha.." Napa iling nalang ako at kumagat sa siomai na hawak ko.
"Lee-am, uyy singkit.?" Tumingin siya saakin ng nakataas ang kilay. "Wala. " kumagat ulit ako sa siomai. Nakakaasar naman oh tatanungin ko lang naman sana kung hahanapin na ba namin yung asawa ko. Bakit ganon wala akong makausap ng matino dito.
Kapag pumunta naman ako ng room baka makita ko yung may hogeng nayon. Tapos asarin nanaman niya ako o kaya bwisitin. Arghh..
Tumayo ako at napatingin naman saakin yung dalawa. "Punta lang akong Cr." Hindi man lang sila kumibo. Wala nabang may Pake saakin. Kinuha ko yung coke ko tiyaka ko tinungga.
"Kala ko ba mag CCR ka?" Nakataas kilay na sabi ni lee-am."Oo nga.!" Asar na sabi ko.
"Eh bakit tinungga mo yung coke." Sabat naman ni pucca."Para may dahilan ako para mag cr." Pag ka tapos umalis ako. Nakakaasar urghh.
Nag mamadali ako ng mapadaan ako sa isang place kung saan sobrang daming tanim na rose tapos. "Mghiens Csnopler?" Pabulong na basa ko sa nakasulat sa pader doon. At nagulat ako ng biglang kumabog ng malakas yung dib dib ko.
"Anong meron sa pangalan nayon."
"Ang alin?"
"Ay tipaklong!." Napa upo ako sa sahig dahil sa gulat. Bwisit talaga na tukmol na ito. "Gusto mo na ba akong mamatay huh." Asar na sabi ko. Ngumiti siya saakin at inabot ang kanang kamay niya. Pero hindi ko tinanggap yon. Tumayo ako ng kusa. Umirap ako at tinalikuran siya.
MC POV.
Iwan ko na nga itong mga ito. Pag pinapaalala nila saakin yung nang yari kagabi. Sumasakit yung ulo ko.
Nag muni muni ako habang nag lalakad ng mapansin kong may tao sa tambayan ko. Agad agad akong pumunta doon. At laking tuwa ko dahil si Cashi ang nandoon.
Anong meron sa pangalan nayon." Nakatingin siya sa pangalan ko sa pader.
"Ang alin?" Singit ko dito.
"Ay tipaklong!." Gulat naman nito. "Gusto mo na ba akong mamatay." Asar na asar na sabi nito. Gusto kong sabihin na paano na kami kung mawawala siya diba. Arghh wag kayong ano kaniya kaniyang istilo ng pag papa gwapo ito. Pero ngumiti lang ako at inabot ang kamay ko dito. At ang nakaka gulat tinanggihan niya ang alok ng isang gwapong tulad ko. Grabe siya.
Tumayo siya at Umirap tapos tinalikuran ako. Teka saan siya pupunta.
"Uyy wag ka diyan.." Sigaw ko dito.
"Wag mo nga akong sundan." Mataray na sabi nito
Arghh ang kulit. "Wag ka nga diyan sabi ehh."
"Bakit sayo ba ito... Ayyyyyy. Tulong.." Napailing nalang ako at napatawa. Napaka clumsy talaga. Pumunta ako sa gitna kahit alam kong ma babasa ako. May mga pandilig kasi ng halaman dito na parang mini fountain. Bumubukas lang after 10 minutes.
BINABASA MO ANG
Finding My Gangster Husband.
ActionI Need to Find him! He's the answer in my Question. (Night and Shan Story)