Chapter 15

32 3 0
                                    

Cashien Miisylle Black Night Point of View.

Nakatingin ako kay Tita Dreah ngayon. Nakatingin siya habang nag sasalita sa katabi naming Lamesa.

Napansin ko naman na nakatingin doon si Lee-Am. Pero mas napansin ko na lahat pala halos dito ay nakatingin sa tinititigan ko na tinititigan din ni Lee-Am hehe. Nakangisi naman si Lee-Am dito.

Nakaharang kasi ito kaya hindi ko makita ang muka ng tinititigan ko na tinititigan din ni Lee-Am at tinititigan din ng lahat.

Tumayo ako kasi ayaw lumihis ni Lee-Am. Gusto ko kasi makita ko rin yung muka nang tinititigan ko na tinititigan ni Lee-Am at tinititigan din ng lahat.

At naasar ako kasi hindi na sila nakatingin doon pati si tita. Tss-- Sayang ang effort ko sa pag tayo. Pero mas nagulat ako ng ako na pala ang tinititigan ni tita at noong tinititigan namin at ang tinititigan din ng lahat.

"Umupo ka nga Cashi."

Bulong saakin ni lee-am. Hindi ko lang ito pinapansin.

"Cashi ano ba?"

Para bang may asar sa boses nito.

"Bakit sila nakatingin saakin." Bulong ko kay Lee-Am.

Hinitak niya ako para umupo. "Ayss--" Sa pag upo ko napansin kong nawala na yung Atensiyon nila saakin.

Na punta ulit sa kabilang table na tinititig---

Tik..

"Aray--*pout*" Hawak ko sa nuo. "Tulala ka diyan." Sabi nito.

"Sino ba yung tinititigan ni tita?"

"Dati niyang pamilya." Mediyo napaisip ako doon ah.

"Eh ikaw! diba dati ka pa niyang pamilya?." Pag tatanong ko.

Kung Pamilya ni tita yung nasa kabilang lamesa at pamilya niya rin sila tito Trebor. Ibig sabihin------

"Two Timer si tita Dreah." Hindi ko alam pero napalakas yata ang pag kasabi kaya napatingin silang lahat saakin.

Napayuko ako sa hiya. Masiyado naman nilang napapansin ang ganda ko.

Mhgiens Csnopler Point of View.

Nasaktan ako ng sabihin niyang wala siyang anak na kagaya ko.

"Anak ka lang ni Miguel gien, Wala akong anak na kagaya mo."

Nasa sasakyan na kami ngayon. Bigla kasing natapos ang lahat ng biglang sumigaw si Cashien.

Yung paiyak ka na pero natawa ka pa sa sinabi niya. Hindi ko alam pero madaling madali si dad na umuwi ng bahay. Hindi ba siya masayang nakita si Mommy?

"Mag ingat ka Gien."

Huling salita kong narinig kay dad bago ito pumasok ng Opisina niya.

Bakit ako mag iingat?

Dapat nga maging masaya ako diba?

Dahil buhay si Mommy.

Pero bakit sa pamilya pa ni Lee-Am?

Bakit?

Sobrang daming katanungan na gumugulo sa isip ko.

Dad! Sino ba talaga ako?

Myco Lee-Am Alejandro Point of View.

Hangang ngayon nag papaliwanag parin si Cashien ng dahil sa ginawa niya. Muka namang bumalik na siya sa katinuan.

"Tita Sorry po talaga-- Si Lee-Am po kasi *pout*" Wenjo nang bintang pa. Tinignan ako ng masama ni Shanelle.

"Anong ako."

"Totoo naman-- sabi mo dating pamilya ni tita yon kaya napa isip ako." Para siyang batang nag susumbong kay Shanelle.

"It's okay Cashien."

Hindi ko alam pero napaisip ako.

Bakit ko ba napag tiisan ang isang Cashien Black na maging parte ng buhay ko.

Makulit, Weird at higit sa lahat matakaw.

Dahil mahal mo siya.

Isang salitang laging tumatakbo saaking isipan.

Oo mahal ko siya. Ngunit paano nalang kung makita niya na ang asawa niya. Paano na ako?

Ano nalang ang papel ko sa buhay niya!

"Hoy singkit!"

"Huh?"

Hinawakan niya ang kamay ko kasabay ng pag pasok namin sa bahay.

"Namumula ka?" Pag aalalang tanong nito. Iniwas ko lang ang muka ko dito.

Hindi ko alam, pero bakit ganito nalang palagi yung nararamdaman ko tuwing didikit siya sakin.

"Lee-Am." napatingin ako sa aking ama.

"Po?" Sumenyas siya na lumapit ako sakaniya.

"Cashien samahan mo muna si Mom."

"Sige singkit."

Lumapit ako kay dad ng may pag tataka.

"Ano yon dad?."

"Malapit na ang Battle upang pumili kami ng pinaka malakas na Gangster sa lahat. Sana pag handaan mo ito anak."

"Opo dad." Umalis siya sa harap ko at ako'y naiwan namang nakatayo.

Bakit sobrang halaga sakaniyang maging Parte ng Gang nayon. Ang Wolf Aries Gang.

Bakit niya kinakalaban si Tito Night?





















































Vote and Comments :D

-jm

Finding My Gangster Husband.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon