Chapter 16.

27 3 0
                                    

Cashien Point of View.

(Wednesday)

Hindi ko talaga alam kung anong katangahan yung ginawa ko kahapon.

Wala talaga akong natatandaan.

"Good Morning Cashien." Nakangiting bungad ni tita Dreah saakin. Naka tayo siya sa pintuan na may hawak na Tray.

Pag kain?

Wait anong oras na ba?

"Mukang napa sarap yata ang tulog mo ah." Mahinahong sabi nito at doon ko napansin ang orasan na, What?--- 8:30am na pala.

"Kumain ka na iha at gumayak." Ngiti nito.

Lumapit siya saakin at nilapag ang pag kain sa harap ko. May mini table dito.

Nag tataka ako kung bakit mas bumait siya saakin ngayon.

Binibigyan niya din kaya ng Breakfast in Bed si Lee-Am.

"Sige iha kumain ka lang diyan.."

"Salamat po tita." Ngiti ko dito.

"Tungkulin kong alagaan ka Cashien."

Huh?

Bakit ako?

Hindi ko namalayan na naka labas na pala siya ng pinto.

"Tungkulin kong alagaan ka Cashien."

Amm-- Nevermind.

-----

"Cashien, Nakagayak ka na ba?" Naka tulala lang ako sa Salamin habang ang mga patak ng tubig ay umaagos sa aking katawan.

Kailangan ko na siyang hanapin.

Kailangan ko nang hanapin si M.C!

Ang Asawa ko na maski isang hibla ng buhok ay hindi ko pa nakikita.

"Cashien-- mauuna na ako may aayusin pa kasi ako." Sigaw ni Lee-Am mula sa labas ng banyo.

"Cashien okay ka lang ba diyan?" Dagdag pa nito.

M.C--

Sino ka ba?

"Cashien sumagot ka naman oh, okay ka lang ba diyan."

"Ayos lang ako singkit-- mauna ka na!" Mahinahon kong tugon dito.

"Sige-- ipapahatid nalang kita sa driver ni mommy." Sigaw nito na halatang nag hihintay ng kasagutan.

"Sige." Narinig ko ang kanyang Yapak na papa labas na ng aking kwarto.

Pinatay ko ang Shower at muling tumitig sa Salamin.

"M.C--"

School.

Nag lalakad ako sa hall ng mapansin ko na halos lahat ng Estudyante ay saakin naka tingin.

"Isa yan sa student Visitor diba."

"Oo, balita ko nga may naka kita sa kanilang mag kausap ni Ghien kahapon eh."

"Totoo ba?"

"Halata naman kasing malandi siya."

Hindi ko nalang sila pinansin. Masama kasing makipag away diba.

"Ayyy--"

Na dapa ako ng dahil sa babaeng pumatid saakin. Rinig ko ang tawanan ng iba sakanila.

"Poor Girl." bulong ng babae. Pinulot ko ang aking libro at tumayo. Tumingin lang ako sakaniya ng seryoso.

Finding My Gangster Husband.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon