sunday
C/N: thanks sa mga nag comment at nag message sakin na mag update. Kayo reasons ko kung bakit ako ginaganahan mag update. Oh, well I hope you will all like this chapter :">
Sunday Morning, PJ's penthouse
Bell's Pov
Pakiramdam ko namanhid ang buong katawan ko nang imulat ko ang mga mata ko mula sa hinihigaan kong sofa dito sa pent house ni PJ. What happened?
Nagkalindol ba?
Bumagyo?
Nagkatsunami?
Bakit ganito kagulo ang buong bahay! Sa pagkakatanda ko maayos at malinis naman ito ng matulog ako kagabi ah!? Bakit ngayon parang dinaan ng isanlibo't isang sakuna itong bahay?
Napatigil ang paglibot ng mata ko sa paligid ng makita ko si PJ na ngayon ay prenteng nakaupo sa isa sa mga comfy chair habang nilalaro ang hawak na ipod.
"PJ! !" Tawag ko sa atensyon niya agad naman siyang humarap sa direksyon ko at pa inusenteng tumingin sakin.
"What?" simpleng tugon niya.
"Bakit sobrang gulo at dumi nitong bahay!? Kagabi naman malinis ito ah!"
Nainis ako ng balewalang nagkibit balikat lang ito saka pinagpatuloy ay paglalaro ng ipod.
"PJ naman! Tinatanong kita anong nangyari sa bahay!" frustrated na ungot ko sa walang pakialam na si PJ.
"Problema ba yun!? Edi maglinis ka! Stupid!" He hissed.
Naningkit ang mga mata ko. "How many times do I have to tell you that I am not stupid! Saka diba sinabi ko naman na may importanteng pupuntahan ako this coming Sunday?"
Dumilim ang facial expression ni PJ , he looked really pissed from what I said. "Yes you are stupid ni hindi mo nga naalala na sinabi ko icancel mo kung ano man ang pupuntahan mo ngayon Sunday diba?" He exasperatedly sighed. "I guess ganon ka importante sayo si Dylan para makalimutan mo yung sinabi ko." He added in his low voice pero sapat na para marining ko.
Napakunot noo naman ako. "Ano namang konek ni Dylan sa usapan na ito?"
He looked like he was taken a back from my question, mukha siyang guilty na nag iwas ng tingin."Wa-wala yun!! J-just don'y mind it! Basta hindi ka pwedeng umalis ngayon araw na ito dahil may importante kang gagawin."
Sumusukong napasandal ako sa sofa naguguluhan pa din ako pero wala din naman akong magagawa eh. "Fine!! Ano ba yang IMPORTANTENG ipapagawa mo sakin ngayon?"
His lips formed into a smile, his famous EVIL smile...
YOU ARE READING
My Evil Prince ♥ (Complete)
Teen Fiction♥.♥ Isabella Xyleen Montreal heiress of the Montireal Business Empire . A princess but a heartless spoiled brat so to teach her a lesson ang kanyang mabait at mapagmahal na grand pa ay inalis sa...