• Chapter - 22

4.4K 144 2
                                    

let the love begin...

Bell's Pov

"Ikaw yung baliw sa mall!"

Naguguluhang tinuro niya ang sarili. "Ako baliw?"

"Oo sabi mo pa nga girlfriend mo ako! Tapos basta mo na lang ako hinila! Ikaw yung model na feeling sikat!"

"Huh?" clueless na sabi niya.

Natampal ko naman ang noo ko. "Hindi ba ikaw si Dylan Azarcon? Hindi mo ba ako naalala?"

Tiningnan niya akong mabuti saka bahagyang umiling. Mukha talaga siyang clueless kung sino ako. Sabagay feeling famous nga pala siya at saka medyo matagal na din kaya di na niya maalala...

"Tinawag mo pa nga akong Ms Sungit remember?"

Doon naman nagliwanag ang mukha niya, nagtaka ako ng bigla siyang humalakhak. "Ikaw yung nag alok sakin na pagsilbihan si Lucifer sa impyerno! You're name is Bell is right?"

Napangiwi naman ako sa alaala na yon saka alanganing tumango. "Ako nga buti naman at naalala mo na.

Ngumiti naman siya yung pang tootpaste commercial niya na ngiti, pansin ko din yung munting spark sa mata niya habang nakatingin sakin. "The truth is hindi kita nakalimutan. Iba lang talaga itsura mo ngayon hindi kita nakilala..."

I pouted. "Paano namang iba? Para bang Alien na nagtransform into human form ganon?"

He chuckled from what I said. "You are really funny and surprisingly amusing, no wonder hindi ka nawala sa isip ko. Well...what I meant is I already know that you are beautiful back then but now..? You are exquisitely gorgeous..."

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi niya. His staring at me with admiration written in his eyes. Buti pa itong si Dylan nakaka appreciate ng beauty samantalang yung isa don? Hmmp!

"Small world isn't it?" dagdag pa niya.

I smiled. " Oo nga..."

Siguro hindi naman masama na makipag usap ako sa kanya. Mukha naman siyang mabaet medyo may tama nga lang sa tuktok.

"Ano nga palang ginagawa mo dito?" Tanong niya.

"Friend ko yung anak nina Mr. and Mrs Saavedra, si Miko? Kilala mo ba siya? Saka bestfriend ko naman yung girlfriend niya na si Sabrina." Safe na sagot ko, alangan naman na sabihin ko na andito ako kasi date ako ni PJ ni hindi nga ata sila magkakilala.

"Yeah kilala ko si Miko saka si Sabrina. So sa Western University ka din nagaaral?"

Tumango naman ako bilang sagot.

"Buti naman."

I curiously gawked at him. Anong kayang ibig niyang sabihin na buti naman?

Seconds passed by bago siya muling nagsalita. "If you don't mind can I have your number?"

"Number? You mean favorite number ko? O birthday ko? Bakit tataya ka ba sa lotto?"

Natawa naman siya... bakit may nakakatawa ba sa sinabi ko?

"What I mean is your cellphone number."

Tinaasan ko naman siya ng kilay aanhin naman niya ang cellphone number ko? Ang weird naman niya. Siguro....

"May gusto ka ba sakin? Hindi naman kasi tayo friend para kunin mo ang cellphone number ko." prangkang tanong ko.

My Evil Prince ♥ (Complete)Where stories live. Discover now