• Chapter - 14

4.3K 153 4
                                    

Chapter 14

"Don't think to much. I'm doing this for charity."

-

Bell's Pov

Nanatili lang akong nakatitig sa gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon. Still bewildered of what's happening. Suddenly he cupped my face.


"Babe are you alright!?" He asked, I blink twice para bumalik ako sa huwisyo.


"Anong kaloko-" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng hinalikan niya ako sa pisngi sa gulat ko ay hindi agad ako nakagalaw.


"We need to go Audrey may date pa kami ng baby ko." Nagmamadaling sabi niya bago ako hinila papalayo. Medyo malayo na kami don kay Audrey ng marealize ko na nagpapahila na pala ako sa isang gwapong estranghero kaya huminto ako sa paglalakad.


Lumingon naman siya sakin ng mapansin na hindi na ako nagpapahila sa kanya. "Sino ka ba? Bakit ka ba basta na lang nanghihila?"


"Seriously? Hindi mo ako kilala?" Nagtatakang tanong niya.


"Bakit? Sino ka ba para kilalanin ko? " mataray na sagot ko saka pinahid ang pinahid ang part ng pisngi ko na hinalikan niya. Naiinis ako sa estranghero na to, basta na lang niya ako hinalikan kahit na sa pisngi lang yon nakakaasiwa pa din at saka ano yon? Hindi porket gwapo siya pwede na niyang halikan kahit sinong gusto niya? Aba chansing yon!


"Does Dylan Azarcon ring a bell?"


Sumimangot naman ako saka siya tinaasan ng kilay."Wala akong kilalang Dylan Azarcon kung makapag tanong ka parang sikat ka ah!"


Sasagot sana siya ng may lumapit samin na tatlong kinikilig na highschool students. "Kayo po si Dylan Azarcon diba? Pwede po pa autograph kami? Crush na crush po namin kayo!" Muntik pa akong mapatakip ng tenga ng sabay-sabay silang nagtilian.


Ngumiti naman si Dylan sa tatlo yung klase ng smile na pwede ng pumasa sa tootpaste commercial. Woaaah! Mukha ngang sikat siya! Siguro artista siya? Kaya pala over confident siya sa sarili at nagawa pa niya akong halikan....


"Artista ka ba?" Naitanong ko naman habang inaabot sa kanya hbang pumipirma siya ng autograph para sa mga highschool students.


Tinawanan naman niya ang tanong ko. "No I'm not hindi ako mahilig umarte but I'm a model. Its funny to know na may ka generation ako na hindi ako kilala."


Funny? Anong nakakatawa don? Inismiran ko naman siya. "Hindi ka naman artista, MODEL ka lang so don't expect na madaming makakakilala sayo."


Binaling naman niya ang atensyon niya sakin saka linapit ang mukha niya sa mukha ko. Halos maduling na ako sa sobrang lapit ng pagmumukha niya kaya umatras ako. Amused na ngumiti naman siya sakin. "You know what? Your cute and amusing. May I know your name?"


Babarahin ko sana siya ng mag ring ang cellphone ko. Ayos na ang cellphone ko ewan ko ba pag check ko kagabi nabuhay na lang parang nanadya kung kelan hindi na kelangan saka maayos ayun nga lang wala ng load.

My Evil Prince ♥ (Complete)Where stories live. Discover now