Chapter 50
"Let go of her or else... You'll be dead"
Bell's Pov
"Sandali lang!" Sagot ko sa kumakatok sa pintuan na sigurado ako na isa lang sa barkada (Nicole, Sabrina, Tyrone, Miko at PJ) baka may nakalimutan lang. Dito kasi silang lahat nag overnight kagabi at saktong kakaalis lang nila. Namula ako nang maalala ko kung paano nila kami tuksuhin kagabi lalo na nang mapansin nila kung gaano ka badtrip si PJ.
Bitin daw! Ahmp!
Naisip ko tuloy kung hindi kaya sila dumating matutuloy kaya yung ginagawa namin ni PJ? Hmm, tingin ko masyado na din akong dala sa sitwasyon kaya siguro nga matutuloy yun..Gosh! I can't believe na ganon ako ka inlove kay PJ to the point na muntik ko ng maiisuko ang bataan!
Naputol ang pagiisip ko ng muli kong narinig ang katok sa pintuan kaya dali-dali akong pumunta sa pinto para matigilan lang nang mapagsino ang napagbuksan ko.
"Anong gingawa mo dito?"may halong galit na tanong ko sa kanya.
Nanguuyam na inikot niya ang paningin sa paligid ng bahay ko. "So this is where you live huh? Well as expected from a trash like you."
"Nandito ka lang ba para diyan? Pwes umalis ka na." Akmang sasarahan ko ang pinto pero pinigilan niya ako. "Yvonne pwede ba nanahimik ako wag mo ako guluhin!"
Nag-angat siya ng isang kilay. "Oh really huh? Ako pa ngayon ang nangguhulo samantalang ikaw tong mang-aagaw !"
"Wala akong inagaw sayo." poker face na sagot ko.
"Si PJ inaagaw mo siya sakin!" Sigaw niya, napatangin tuloy ako sa paligid buti wala pang tao. May pag ka eskandalosa pala ang isang to. "Ibalik mo na siya sakin ako ang fiancee niya. He is mine!"
Now it's my turn para mag-angat ng kilay. "Really huh? Bakit hindi natin tanungin si PJ kung payag ba siya diyan sa mga pinagsasabi mo? At sa pagkakatanda ko kasi AKO ang girlfriend. AKO ang hinahabol eh ikaw? DESPERADANG babae na nagpipilit ikasal sa kanya kahit halos ISUKA ka na niya."
Nanlisik ang kanyang mga mata medyo kinilabutan ako pero hindi ko yun pinahalata.
"I'm warning you stay away from my fiancee. Layuan mo si PJ!"
I smirked. "Why don't you tell that to him? As I said si PJ mismo ang lumalapit sakin and I love him so bakit ko siya lalayuan?"
She smiled at me. An evil one... Oo may gantong klaseng ngiti din si PJ pero yung kay PJ nakakapanghina pero sa isang to? Nakakakilabot....
She looks like an evil psychotic bitch yung tipong pang horror movies ganon..
"Cause I will kill you if you don't"
Napalunok na lang ako habang nakatulala sa kanya. Miko and Tyrone was right. She's dangerous but I love PJ hindi ko siya kayang isuko...
YOU ARE READING
My Evil Prince ♥ (Complete)
Teen Fiction♥.♥ Isabella Xyleen Montreal heiress of the Montireal Business Empire . A princess but a heartless spoiled brat so to teach her a lesson ang kanyang mabait at mapagmahal na grand pa ay inalis sa...