• Chapter - 36

4.1K 143 9
                                    

accusations...


Bell's Pov


"Ako lang ba o talagang ang weird ng tingin nilang lahat sayo?"


Binalingan ko si Sabrina habang naglalakad kami papasok ng Western University saka nilibot ang tingin sa paligid at totoo nga ang sinabi niya, kakaiba nga ang tingin sakin ng mga estudyante lalo na ng mga girls. They look at me like thet hate me. Ano bang nagawa ko? First day pa lang naman ng semester ah?


"Bell!" Napatingin ako kay si Tricia (partner ko sa soc sci dati) na humahangos napapalapit samin. Nagtatakang tiningnan ko lang siya habang hinabol pa niya ang kanyang hininga. "May kumakalat na balita tungkol sayo sa internet."


"Anong balita?" Kunot noong tanong ko.


Hindi siya sumagot imbis ay kinuha niya yung iphone niya mula sa kanyang bag pumindot siya saglit don saka pinakita sakin. My eyes widened sa nabasa ko..



Fontanilia Prince dating a Cinderella wannabe... 


Sa ilalim non ay ang mga pictures ko kasama si PJ sa El Cielo Island. Naalala ko simula nong nag bonfire kami ay hindi na ako linubayan ni PJ lagi ko na siyang kadikit. Bakit? Ayaw daw kasi niya bigyan pa ng chance si Dylan na makalapit sakin. Oh My God! Bakit hindi ko agad to naiisip? Siguradong malaking issue na naman to!


"At eto pa ang tingnan mo." sabi ni Tricia saka hinablot sakin yung Iphone niya kinalikot niya yon saka muling pinakita sakin.


A Cinderella wannabe who turns out to be a slutty gold digger...


At sa ibaba non ay mga pictures namin ni Dylan na magkasama dito sa loob ng campus. Binasa ko ang laman non at napaluha ako sa mga nabasa ko...


Inaakusahan nila ako na malandi, two timer at mang-gagamit. Pati sina Nicole at si Sabrina nadamay pa. Ginagamit ko lang daw nila ang kabaitan ni Nicole at ang pagiging inosente ni Sabrina para sa pera para tulungan nila ako sa mga gastos ko dito sa WU and worst? Nilandi ko pa daw si Dylan umaasang makasungkit akong mayamang mapapangasawa at hindi pa daw ako nakuntento sa yaman nina Dylan pati daw si PJ ay inakit ko na din...



Hindi ko na pagilan ang sarili ko na mapahikbi lahat mga kasinungalingan na inaakusa nila sakin. Masakit maparatangan sa mga bagay na inosente ka.  Mahal ko sina Sabrina at Nicole hinding-hindi ko sila kayang gamitin... Si Dylan pure friendship lang ang meron samin wala ng iba! At si PJ....


Bakit ganon? Mali ba na mahalin ko siya? Pakiramdam ko tuloy ang layo-layo niya na sakin..



Naramdaman ko ang pagyakap ni Sabrina sakin. "Shh... it's okay bessy don't cry... No matter what we will always be at your side... Hinding-hindi ka namin iiwan ni Nicole. We are all in this together."


"Sa-salamat" Humihikbi ko pa din na sagot.


My Evil Prince ♥ (Complete)Where stories live. Discover now