• Chapter - 10

4.4K 139 4
                                    

Chapter 10

""No freaking way! I value my privacy! I don't want a stupid girl frog wondering around my house!" Iritableng sagot niya.

-


Bell's Pov


It is Friday night medyo pagod ako dahil nag overtime ako sa part time job ko pero okay lang wala namang pasok kinabukasan sa school so makakapagpahinga ako at makakapag aral bukas.


Nasa may gate na ako ng apartment ko ng mapansin ko na bukas ang ilaw. Napakunot ako ng noo. Sinigurado ko naman na sarado ang ilaw pag alis ko ah? Anong nangyari?


Dali-dali akong lumapit sa apartment ko. Natigilan ako nang makita kong nasa labas na ang maleta at ibang mga gamit ko.


"Buti nakauwi ka na." Taas kilay na sabi ni Aling Choleng na nasa harapan ko ngayon.


"Aling Choleng magbabayad na po ako! One week na lang talaga pangako magbabayad na ako!"


"Puro ka pangako lagi naman napapako! Lumayas ka na nakahanap na ako ng bagong border na kayang magbayad sakin ng tama sa oras!"


Bumagsak ang balikat ko. "Aling Choleng naman hindi po ba kayo naawa sakin? Gabing gabi na po oh? Saan ako matutulog?"


"Sa kalsada mo na itanong ya." malamig niyang sagot sakin.


Balak ko pa sanang mag paawa pero tinalikuran na niya ako sabay pasok sa loob ng bahay niya. Paano na ako niyan? Inisip ko na tawagan si Sabrina pero naalala ko na may family dinner nga pala siya kasama ni Miko. Kung kina Nicole naman ay hindi pwede sigurado ako nasa bahay na ang parents niya na sobrang strikto hindi pa naman sila magkasundo ng magulang niya.


Lumapit na lang ako sa scooter ko pero maalala ko na wala pala itong gas. Napabuntong hininga ako. Ang malas ko naman... Haiz...


Dala-dala ang mga gamit ko ay iniwan ko na lang ang scooter sa tapat nina Aling Choleng. Hindi naman yon mawawala don sino ba naman mag aaksaya pang mag nakaw ng isang bulok at kalawangin na scooter.


Saan ako ngayon pupunta? Sigurado hindi naman ako tatangapin ni Grand Pa kung uuwi ako ngayon sa mansion namin. Napahinto naman akosa paglalakad ng may makita akong convenience store naiisip ko na bumili muna ng cup noodles dahil hindi pa ako naghahapunan.


"Twenty pesos lang po Ma'am"


Nginitian ko naman ang cashier saka kinuha ang wallet ko. Alanganing napangiwi ako ng makita ko na limang piso na langa ng laman non. Hangang ngayon ay hindi pa ako nakakasweldo sa trabaho ko. "Ah? Miss? Ayoko pala ng cup noodles salamat na lang."


"Kukuha-kuha hindi naman pala babayaran." Bulong cashier na sumama ang tingin sakin.


Nakakahiya kaya lumabas na lang ako ng convenience store. Naramdaman ko naman ang ilang butil ng tubig na pumtatak sa katawan ko. Napatingala ako sa langit.

My Evil Prince ♥ (Complete)Where stories live. Discover now