Dear Ex,
Kamusta ka na kaya? Miss na miss na kita.
Nung pinirmahan ko yung annulment paper, alam mo bang nagbreak down ako? Hindi ko kase matanggap na bumitaw kana. You asked me a favor, but youre asking for too much, ang gusto mo mawala ako sa buhay mo. Haha, lakas maka one more chance noh?
Pero totoo yun, napakahirap ng hiningi mo sa akin. I lost the woman I love so much. Wala ng isasakit pa dun.
Pero, slowly I recovered. I slowly picked up the shattered pieces of me. I slowly put back each piece of my heart that has been broken since you left. Kahit papano, nabuo ako, pero may kulang, yung ilang piraso ng pagkatao at puso ko, na sayo. Dala-dala mo.
Unlike the first time the we broke up, hindi ako nakahanap ng iba. Ive tried. I swear I did, pero hindi ko alam. Each time I try to date, hinahanap ko yung Ikaw. Yung makulit, straight forward, masarap kausap, yung titingin pa lang sa mata mo, masaya nako. Hindi ko yun makita sa mga babae that I have dated.
Binuhos ko yung oras ko sa basketball at sa anak natin, inaalagaan ko siya while your not around. Im thankful though, that Mama Bhaby is still generous kahit wala na tayo. Lage niyang pinapahiram sa akin si Santi kahit hindi ko schedule ng paghiram sa bata. You know, magaling na siyang mag basketball, matangkad na rin siya. Sure ako, phenom din to paglaki, and I know bpyh of us will be very proud of what he will become. Alam ko miss na miss mo na yung anak natin, siya din, he misses you so much.
I know your whereabouts. I always ask Santi about you. I know youre not accepting suitors yet, and thats enough. Masaya na ako sa ganyan. Kase hanggang ngayon, I still cant imagine if ever I see you dating eith someone else. I cant promise na hindi ko siya masusuntok, ewan. Di ko alam ang gagawin ko pagnagkataon.
Nakwento ni Mama Bhaby sa akin, sinabi mo daw na hindi tayo si Popoy at basha kase hindi ka na ulit magbibigay ng second chance. Hindi naman talaga tayo sila eh, kasi ako, Im still praying na hindi lang second chance ibibigay mo sa akin. Kundi third, fourth, fifth, sixth.
Bumitaw ka, pero ako kapit na kapit pa. Parang Miefer fans na hanggang ngayon umaasa na yung fandom nila magkakaron na ulit ng forever. Sumuko ka pero ako lumalaban pa. At just so you know, wala akong balak bumitaw, kase ikamamatay ko yun Ye. Ikamamatay ko. I have done this before, and now, I am still willing to continue holding on and fight for the both of us.
Lage mong sinasabi walang forever. Papatunayan ko sayo na meron. Tayo.
Umuwi ka na. Miss ka na namin ng anak natin.
I love you. To infinit and beyond.
Your Ex husband,
#15