"MAMANHIKAN NA NAMAN???" Thiirdy's eyes grew wide. Ang oa.
"Syempre. Anong gusto mo? Derecho kasal?"
"Kasal na naman?" Bakit napakakulit niya? "Tas ano? Hiwalay na naman. Jusko, ginawa niyo ng routine yan ah."
Binato ko nga ng unan. May point naman yung kapatid ko, paulit ulit na nga lang yung nangyayari sa amin. Nakakasawa na. Ayoko na.
"Kaya nga magpapakasal ulit. Last na yun. Kasi ayoko na."
"Ui aba, Manong dapat lang talaga. Ako nga nakakadalawang anak na tas ikaw, ano? Hanggang kay Santi nalang kase hiwalay ulit, balikan ulit. Ano? Hobby niyo yan?"
Binatukan ko na. Sinabi ko na ngang last na eh. "Mas okay namang isa lang si Santi, kesa sayo, tatlo nga anak mo. Puro naman panganay. Hoy, Thirdy, umayos ka ha!"
"Hoy ikaw manong Kiefer ah, ang exaggerated mo. Dalawang anak ko na panganay. Di ko naman anak yung pangatlo. Saka kasalanan ko bang pogi ako at talagang nagkakandarapa lahat ng babae sa akin?!" Tangina ang hangin..
"At hindi lahat ng nagkakandarapang babae sayo, kailangan mong anakan."
"Inlove ako ngayon, Nong."
"Lage ka namang inlove.", singit nik Dani. Hahahaha. "Ang tanda mo na Kuya. Umayos ka na ui. Lintek, parang wala kang pinagkatandaan ah. Aba!"
Natatawa ako. Looking at us, marami na rin ang pinagbago, well except for Thirdy who remained playboy after all theses years and after all na pagalit ng buong pamilya namin sa kanya. Dani's really right, wala talagang pinagkatandaan.
"Are you guys ready?" Mom asked us. "Lets go na, matraffic pa tayo."
The three of us stood up and followed our parents to our car. Isang sasakyan lang ang dala namin para tipid. Tipod sa parking at sa gas na rin. Hahahaha.
"Manong, yung food na ipapacater, pinauna ko na para maayos na agad nila." Mama informed me.
Tumango lang ako. The ride was silent. Walang nagsasalita, it was not an awkward silence though, peaceful lang. Nakakagaan ng loob.
Approaching Katipunan at medyo may build up sa traffic. It was just 30 mins past 5. Maaga pa.
"Kief?" Papa called me in his serious voice, i looked at him at the rear view of the car. "Make sure this is the last." I nodded in understanding, alam kon yung kasal ang tinutukoy niya, "My apo is getting older at he is seeing you like this, hindi healthy para sa bata. Kung gusto niyo talaga tong ayusin, work hard for it. Sana wala ng mangyari ulit na kagay ng dati. Hindi ba kayo napapagod? Away bati,away bati. Umayos na kayo, lalong lalo kana."
Hindi na ako nagsalita, what more can I say? Papa was right. And like what I told Thirdy kanina, eto na talaga to. Ayoko na. Ayoko na ulit.
SHE
I was surprised when a catering services arrived in our house, anong meron? May birthday ba? Parang wala naman.
"Ma, anong meron?"
"May mga bisita na dadating later."
"Sino daw?"
"Its for you to find out."
Ay, paintriga din to si Mama eh, sakit mu sa puson Ma ha. Hindi ko lang pinansin, malay ko ba kung sinong bisita ang dadating.
"Better if you will change na, and make ayos yourself, be presentable. Ako na ang bahala may Santi na magbihis." I arched my brows, sinong pupunta? bakit kailangan mag ayos?
I went to my room to change, wala namang masama, magddamit lang naman ng maayos eh. I chose to wear a simple khaki dress and a pair of black ballet shoes.