Chapter 18

107 5 0
                                    

Anikka's POV

**at the clinic

"Alis na ko.. Dyan na muna kayo tatawagin ko lang yung mga teacher na umawat sa inyo kanina.." Sabi nung nurse habang inaayos yung mga gamit niya.

"Sige po thank you.." - me

  Lumabas na yung nurse sa loob ng clinic.. Kaming tatlo na lang ang naiwan.. Hanggang ngayon masama parin ang tingin nila sa isa't isa.. Buti na lang at magkahiwalay sila.. Parehas silang nakaupo sa mga bed dito.. Ako naman nakaupo sa tabi ni Kean.. Tapos si Lorence nasa tapat ko..

| me    |        |Lorence |
| Kean |        |               |

"Bakit ba kayo nagsuntukan?? Diba ayos na naman yung seating arrangement natin??" Tanong ko sa kanila pero parang wala ata silang narinig.

  Hindi sila parehas nagsasalita.. Walang sumagot sa tanong ko.. Nagulat na lang ako ng biglang hawakan ni Kean yung kamay ko.. Tinignan ko siya,, seryoso siyang nakatingin sa kamay namin.. Tinignan ko din si Lorence at ang sama ng tingin niya sa kamay namin ni Kean..

Anu bayan pakiramdam ko nasa loob ako ng isang oven sa sobrang intense, naku hindi talaga pwedeng pagsamahin itong dalawa sa iisang kwarto.

"Ok, kung ayaw niyo magsalita siguro gutom na kayo, ako rin eh gutom na. Ang tagal nama--" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko dahil hinila ako ni Kean.

"Uy teka san tayo pupunta? Diba sabi nung nurse intayin daw natin siya kasi dadalhin niya tayo sa guidance." Tanlong ko habang kinakaladkad niya ako palabas ng clinic.

"Sa canteen. Diba nagugutom ka?" - hindi siya tumingin sakin, dire-diretso lang siya habang hinihila ako, pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Nakakahiya. Pero gutom na gutom na talaga ako.

  Ini-order niya ako ng sandwich & juice, inilapag niya yun sa mesa, tapos umalis agad siya. Pinigilan ko naman siya.

"Uy teka san ka punpunta? Hindi ka ba kakain??" Hawak hawak ko yung braso niya, hindi parin siya tumitingin sakin.

"Babalik na ako sa clinic baka nandun na yung nurse." Hindi ko parin siya binibitawan, hindi parin siya umaalis nakatalikod lang siya sakin.

"Tumingin ka nga sakin? Kanina ko pa napapansin hindi mo ako tinitingnan." Iniharap ko siya sakin pero nakatungo siya at sa paa niya siya nakatingin. Hinawakan ko ang ulo niya gamit ang dalawa kong kamay at iniharap ito sakin. Ngayon nagkatinginan na kami eye to eye. Kita ko sa mga mata niya na parang malungkot siya.

"May problema ba?" Hawak ko parin ang mukha niya at nakatingin parin ako sa mata niya.

Hindi niya sinagot ang tanong ko, hinawakan niya ng dalawang kamay niya yung mukha ko at unti unti niyang nilapit yung mukha niya sa mukha ko. OMG hahalikan ba niya ulit ako? Mga 1 inch na lang ang layo ng mga mukha namin. Napansin ko nakatingin siya sa labi ko kaya napatingin din ako sa labi niya. Ang pinkish ng labi niya. Kissable lips. Ha? Anu ba pinagsasasabi ko. Erase. Erase.

Sobrang lapit na ng mukha niya sakin. Ramdam na ramdam ko na yung hininga niya. Kung hahalikan niya ako bakit parang hindi ako makatanggi. Bakit parang gustong gusto ko yung halik niya.

"Anu ba yan dito pa naglalandian, hindi na ba kayo makapagpigil at hindi na kayo nakahintay na makarating man lang sa condo?" Natigilan kami ni Kean at napatingin kami sa nagsalita. Si Lorence. Nakacross arms siya. Kasama niya yung mga teacher at guard na umawat sa kanila kanina.

Anu ba yan ang epal naman ni Lorence naudlot tuloy yung kiss namin ni Kean. 0_0  anu bang pinagsasasabi ko dito.

Tumingin ako kay Kean sobrang sama ng tingin niya kay Lorence at nagform ng fist yung kamay niya. Si Lorence naman naka smirk. Hindi ko rin masisisi si Kean kung bakit galit na galit siya ka Lorence. Ang sakit niya magsalita. Akala ko iba siya. Kagaya din pala siya ng iba dyan. Wagas kung makapanghusga. Sabihan ka ba namang nakikipaglandian at ayaw pa daw kumuha ng condo. Ang sakit niya magsalita.

Nagpunta na kami papuntang guidance. Magkatabi kami ni Kean habang naglalakad. Bigla namang lumapit sakin si Lorence. Lumayo ako sa kanya. Mukhang nagtaka naman siya. Pati si Kean nagtaka. Pero hindi ko sila tinitingnan pareho dahil alam kong magtatanong lang sila sakin. Hinawakan ko naman yung kamay ni Kean. HHWW kami ngayon. Kahit hindi ko sila tingnan. Alam kong parehas silang nagulat. Hawak hawak ko lang yung kamay niya hanggang sa makarating kami sa loob ng guidance office.

Wala lang. Feel ko lang inisin si Lorence. Kainis siya eh, ang sakit niya magsalita. Kung magkaaway sila ni Kean, bakit pati ako nadamay? Huhuhu.

Akala ko iba siya, kaparehas din pala siya ng iba dyan. Ang sakit mag salita, kala mo kung sino sila.

Hindi ko alam kung totoo yung sinasabi nila na ako yung pinag awayan nila. Siguro kung ano ano yung masasamang sinasabi ni Lorence tungkol sakin kaya pinagtanggol lang ako ni Kean. Siguro nga yun yun.

Pero hindi naman ganun yung pagkakakilala ko kay Lorence eh, mabait siya, tahimik, gentleman..
pero hindi ko pa rin naman siya ganoon kakilala, hindi naman kami close, friends lang kami. 1 year na kami magkakilala pero bihira ko lang siya makasama at makausap, magkakilala lang kami sa pangalan.

Siguro yun talaga ang tunay niyang ugali. Basagulero, masakit magsalita, ... At kung ano ano pa..

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon