Nandito ako ngayon sa kwarto ko.. Nakahiga lang. Ang lamig.. Malapit na kasi ang pasko eh. Hindi ako makatulog. Naaalala ko na naman yung sinabi ni Kean kanina. Naguguilty talaga ako.*bogsh!!"
Hala!! Biglang kumidlat, tapos nawalan pa ng kuryente, tapos naulan pa. Hay nako mukhang may bagyo. Pero walang kuryente. Ang dilim!!!! Takot pa naman ako sa dilim!!! Huhuhu. Parang naiiyak pa ako. Huhuhu. Takot ako.
Maya maya bigla na lang akong nakarinig ng mga yapak sa labas ng kwarto ko. Hala!! Mumu!! Huhuhu. Natatakot na talaga ako.
*Bogsh!!"
"Ahhhhh!!" Napasigaw ako sa gulat dahil sa kidlat. Naiiyak na talaga ako. Kapag kasi ganito laging pupunta dito si mama o kaya si papa para samahan ako. Ano ba yan naaalala ko na naman sila. Hindi ko na talaga mapigilang umiyak.
Biglang bumukas yung pinto. Hindi ko makita kung sino yun kasi madilim.
"K-kean??? I-ikaw ba y-yan??" Nasa sulok ako ng kama ko at nakataklob sakin ang kumot ko. Hindi siya sumasagot, lumapit siya sakin. Natatakot na talaga ako.
Umupo siya sa tabi ko. Niyakap niya ako. Tinap niya lang yung likod ko. Ngayon alam kong siya na yan.. Umiyak lang ako ng umiyak sa balikat niya.
"Shhh.." Tinatap parin niya yung likod ko habang nakayakap siya sakin.
*Bogsh!!"
Nung kumidlat napayakap narin ako sa kanya dahil sa gulat. Ang higpit ng yakap ko sa kanya. Umiiyak parin ako.
Inihiga niya ako at tumabi siya sakin. Magkayakap kami ngayon habang nakahiga. At medyo naiilang na ako.
"Pwede ganito muna tayo?" Tumingin ako sa kanya, nakapikit lang siya. Tumango naman ako at pumikit na rin.
Sa tingin ko, kelangan ko na talagang bumawi sa kanya. Ang dami na niyang nagawa para sakin. Pero ako parang wala pa ata.
--------------------------------------------
Pag mulat ko nakita ko agad yung mukha ni Kean. Nakatingin siya sakin. Hanggang ngayon pala magkayakap parin kami.
"Good morning!" Ang bango ng hininga niya kahit bagong gising.
"Good morning!!" Nginitian ko rin siya. Sobrang lapit ng mga mukha namin."Sorry." Kumunot naman noo niya.
"Huh? Saan?" Humiwalay siya sa yakap at umupo sa kama. Umupo rin ako.
"Sorry dun sa kagabi, kasi pinag isipan kita ng masama." Nakayuko lang ako. Hinawakan niya yung chin ko at inangat para makita ko yung mukha niya. Nakitingin lang siya sa mga mata ko.
"Wala yun." Ngumiti siya. Ang pogi niya!!
"And thank you din, kasi sinamahan mo ako dito kagabi. Takot kasi talaga ako sa dilim eh."
"Wala yun. Kaw pa, malakas ka sakin eh. Basta pag kailangan mo ako nandito lang ako para sayo."
"Salamat best." Nginitian ko siya. Niyakap naman niya ako.
"Maligo ka na papasok pa tayo eh." Humiwalay siya sa yakap ko at lumabas na ng kwarto.
Naligo ako at nagready na, bumaba ako at pumuntang kusina, nagluluto na si Kean,
"Umupo ka na dyan, patapos na to." Umupo ako at pinanood lang siya. Ang pogi niya kahit nakatalikod, ang messy at wet ng hair niya, bagong ligo lang din siguro siya, naka pambahay lang siya. At ang hot niya!!... Ay ano ka ba Anikka wag mo ngang pagpantasyahan yang bestfriend mo..
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??