Anikka's POV
"What?!!! Are you kidding me??!!" Tumayo si Nathalie at naglakad papalapit samin. Hinigpitan ko naman yung kapit ko kay Lorence. Hindi kasi ako sanay sa mga ganito eh.
"No Nath. I'm serious. I love Anikka, and I'm not getting to marry you. We're not getting married." Seryosong sabi ni Lorence.
"I will make sure that tito Neil will know it."
"Then do it. I don't care. I can repeat what I did 2 years ago." Bigla namang tumingin sakin si Nathalie. Sobrang samang tingin. Nakakatakot.
"You bitch!!! Fiancé stealer!!! Remember this day cause I'll make your life miserable---" Lorence cut her off.
"Don't you dare!!!!. Don't you dare hurt her, or even scare her, baka mawala sa isip ko na babae ka at patulan kita..!" Lahat kami nagulat. Galit na galit talaga si Lorence. Nakakatakot siya. Mas nakakatakot pa siya kay Nathalie.
Halatang naiiyak na si Nathalie tapos nagwalk out siya. Niyakap naman ako ni Lorence. "Ok ka lang ba? Did she scared you??"
"Ok lang ako. Tsaka sayo nga ako mas natakot eh, ganun ka pala kapag galit para kang dragon.." Tumawa naman siya. Pati ako tumawa na rin..
"Yeah... Subukan lang talaga niyang saktan ka, hindi niya alam kaya kong gawin.."
Nung napansin kong lahat sila naktingin pa rin samin niyaya ko si Lorence na umupo.
"Congrats!" Sabi ni Kean pagkaupo namin ni Lorence.
"Thanks." Pagkatapos nagsimula na ulit yung party at nagkainan na. Marami pa yung mga nagcongrats samin, pero yung iba (friends ni Nathalie) ay masama yung tingin sakin at pinaparinggan ako ng kung ano ano. Hindi ko na lang sila pinansin. Pero nung narinig sila ni Lorence bigla nalang niyang sinigawan yung mga babae, kaya nagwalk out din. Natakot ata. Kung ako rin siguro yun matatakot din ako eh...
Nung nagexchange gift na, ang nagsimulang nagbigay ng regalo ay si maam. Nagulat na lang ako nung ang nakabunot pala sakin ay si Kean, tapos ang nabunot ko naman ay si Lorence, and yung nabunot ni Lorence ay si Nathalie, kaso wala si Nathalie so sabi ni maam mamaya na lang daw niya ibigay kay Nathalie.
Bubuksan ko na sana yung gift niya kaso sabi ni Kean mamaya ko na lang daw buksan sa bahay. Um-oo na lang ako.
Medyo nahihiya pa nga ako kay Lorence kasi t-shirt lang yung nabili ko. Nakakita kasi ako ng cute na t-shirt sa souvenir shop sa Batangas, eh nung nakita ko yun si Lorence agad yung naisip ko. Kaya yun na lang yung niregalo ko sa kanya. Kulay green siya na may design na girl and boy na magkayakap. Kulay green yung binili ko favorite color ko kasi yun eh.
"Sorry yan lang yung nabili ko."
"Anu ka ba??! Eh ang cute kaya!! Tapos favorite color ko pa. Parang tayo nga lang to oh.!" Medyo namula naman ako dun. Tsaka, sinabi ba niyang favorite color niya yung green?? Edi ibig sabihin, parehas kami ng favorite color..
"Parehas pala tayo ng favorite color??!! " bigla naman siyang napatingin sakin.
"Green din favorite color mo?" Tumango naman ako. Parehas lang kaming napangiti. Siguro parehas kami ng iniisip ngayon na para talaga kami sa isa't isa kasi parehas kami ng favorite color..
After ng exchange gift nagpalaro naman... Sumali kami nina Lorence at Kean sa ibang games at nanalo kami sa apat na games..
Nung natapos lahat ng games binigay na ni maam yung mga prizes. Apat yung samin nina Kean and Lorence.
Tapos nagbigayan naman ng special gifts.. Binigyan ko si Maam ng bag na galing sa Batangas, tapos ang ibinigay ko naman sa mga friends ko ay mga keychain na galing din sa Batangas. Kay Kean naman t-shirt at key chains, pero sinigurado ko na iba yung mga niregalo ko sa kanya sa mag binili niya dun sa Batangas. Kay Lorence naman t-shirt, key chains and panutcha (para siyang mani na may asukal) marami yung binigay kong panutcha para kina tito Neil and tita Jackilyn.
Marami rin yung nagbigay sakin ng gifts. Nagulat naman ako ng bigyan ako ng gifts nina Kean at Lorence. Hindi ko muna binuksan yung mga natanggap kong regalo, medyo madami rin kasi eh,..
Pagkatapos nun pwede na daw kami umuwi. Binitbit ni Lorence yung mga dala ko pero kinuha ko yung iba dahil marami rin siyang regalong bitbit, tapos kinuha naman ni Kean yung iba. Nung lumabas na kami ng room naabutan ko sina Dara at Cass sa tapat ng room.
"Best!!!!" Sigaw nilang dalawa sabay takbo papalapit sakin at niyakap ako. "Namiss ka namin, sobra!!!"
"Sobrang namiss ko din kayo. So how's you're practice???" Nag iba naman yung expression ng mga mukha nila.
"Ay naku best, nakakapagod!!"
"Yes, lalo na't nandun sina Apple nakakairita.!!"
"Eh ikaw naman how's you're life.. Or let us say how's you're love life??" Nakangisi na sila sakin ngayon..
"Ahm... Kami na ni Lorence.." Mukhang gulat na gulat pa sila..
"OMG!!!!!!!!!!!" Napatakip na lang kami ng tenga nina Kean at Lorence dahil sa lakas ng sigaw nila..
"Talaga???!!!! Congrats!!!" Sabi ni Dara habang nagtatatalon pa.
"OMG!! Sabi ko na eh, kayo talaga magkakatuyan.." Medyo namula naman ako sa sinabi ni Kean, kaya nagchange topic na lang ako.
"Nga pala, eto oh, gift ko sa inyo." Kinuha ko yung mga regalo sa bag ko at binigay sa kanila.
"Wow!! Thank you!!"
"Thanks!! Eto naman yung gift ko sayo." Inabot sakin ni Cass yung gift niya.
"Thank you!!"
"Eto yung gift ko." Inabot naman ni Dara yung regalo niya sakin.
"Thanks!!"
Bigla naman akong kinulbit ni Lorence. "Sama ka sa bahay ha, ipapakilala na kita kina mommy bilang girlfriend." Medyo namula ako dun.... Ok sige hindi na medyo... Sobra!! Sobrang kinilig ako dun.. Pero at the same time natatakot ako.. Kasi ang alam nila tita fiancé niya si Nathalie...
"Emeged!! Kinikilig ako!!"
"Naku Cass tara na nga, para makaalis na sila... Para maipakilala na ni Lorence si Nikka bilang girlfriend niya!!"
"Sige, bye Anikka.. Bye Kean... Bye Lorence." Nung makaalis na sila lumingon ako kina Kean na nasa likod ko lang.
"Ako na magdadala ng mga natanggap mong regalo sa bahay." Kinuha niya yung mga dala kong regalo pati na rin yung hawak ni Lorence.
"Thanks.. Tsaka please wag mo muna sasabihin kina mama na kami na ni Lorence, gusto ko kasi.. Kaming dalawa yung magsasabi sa kanila.." Tumango naman siya at umalis na..
Nagpunta na rin kami ni Lorence sa parking at sumakay sa kotse niya..
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??