Chapter 39

61 3 0
                                    


Lorence POV

Maaga pa lang bumangon na ako. Actually, hindi ako nakatulog kagabi kakaisip dun sa sinabi ni Nathalie. Maaga akong papasok sa school kasi nagtext si coach na magsisimula na kaming magpractice para sa Regional Basketball game.

Pagdating ko sa school wala pang masyadong tao. Mukhang ako pa lang ang estudyante dito dahil puro staff pa lang ng school yung nakikita ko, guard, janitor (yes, you read it right, kahit na public school to may janitor parin dito).

Pagpasok ko sa gym wala pang tao, dumiretso muna ako sa locker room para magbihis, after kong magbihis nagwarm up muna ako,. Tapos nagshooting..

Teka ang tagal naman ng mga yun?? Tinignan ko yung relo ko at sh*t 5:30 am palang pala. Mukhang napaaga ako ah.. 6:45 am pa yung usapan eh..

Naupo muna ako sa bench para magpahinga ng biglang tumunog yung phone ko.

1 message received

From: Anikka

Good morning babe, I love you. :)

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Parang nawala yung antok at pagod ko. Dinial ko yung number niya at tinawagan siya. Agad din naman niyang sinagot.

"Good morning babe, I love you more." Narinig ko namang nag chuckle siya.

[Nasa school kana?]

"Yhup, Kumain ka na?"

[Di pa eh, kakagising ko lang. Ikaw nagbreakfast ka na?]

Bigla namang may pumasok, si coach pala. Magsasalita na sana siya pero nung nakita niyang may kausap ako sa phone tinuro na lang niya yung locker means pupunta lang siya dun. Tumango naman ako.

"Opo, Sige na kumain ka na, see you later sa school. Take care. Love you."

[Sige, Ingat ka dyan, wag masyadong magpapagod ah, I love you. ]

Pinutol ko na yung call ng nagsidatingan narin yung mga team mates ko. Dumiretso sila ng locker room at nagbihis dun.

Nung natapos sila magbihis nagwarm up sila at nagsimula na kaming magpractice.. Grabe kapagod. Habang naglalaro kami napansin ko ang galing nga talagang magbasketball ni Kean. Sigurado makakapasok kami sa championship.. This last years kasi lagi kaming naeeliminate.

Nung break time na, dumami na yung mga nanonood samin. Nakita ko na rin si Anikka kasama sina Dara at Cassandra.

"Go Lorence!!" Sigaw ni Abby. Siya ang leader ng cheerleading ng school namin. Dati pa yang nagpapapansin sakin pero hindi ko siya pinapansin. Naaartehan ako sa kanya at sa mga kaibigan niya. At lagi pa nilang inaaway si Anikka.

Di nagtagal pinagbreak muna kami ni coach. Agad ako lumapit kay Anikka at niyakap siya. Kumalas siya sa yakap ko at pinunasan yung pawis ko. Kinilig naman yung dalawa niyang katabi.

"Ang sweet naman ng girlfriend ko." Nginitian niya ako at inabutan ako ng bottled water. Pati si Kean na nasa tabi niya lang ay inabutan din niya.

"May dala akong sandwiches dito, gawa ni mama." Inabutan niya ako ng isa, pati si Kean.

"Talaga?! Naku namiss ko yan!!" Inabutan din niya si Dara at Cassandra.

Sabay sabay kaming kumain dun habang nagkukwentuhan. Nung nagtime na nagpractice ulit kami. Kahit next month pa yung laban nagsisimula na kami magpractice kasi kailangan namin bumawi. Kailangan namin manalo. Malaking tulong din si Kean sa team. Pati na rin yung mga first years. Magagaling sila. Malaki ang tiwala kong mananalo kami. Pero kailangan parin namin pagbutihin ang pagpapractice namin. Tuwing ganitong malapit na yung finals, excuse muna kami sa lectures. Isa't kalahating buwan kami magpapractice. Pero buti na lang tuwing class hours lang yung practice namin. Buti na lang hanggang 4:30 pm lang yung practice namin kasi may pasok pa ako mamaya sa trabaho. Nung lunch sabay sabay ulit kaming kumain sa canteen.

5 minutes bago maguwian, pintigil na kami ni coach, nagpahinga lang ako ng konti tapos nagshower na. Paglabas ko ng gym nakita ko si Anikka na papunta malapit sakin. Kasama niya yung dalawa niyang bestfriend. Sinalubong ko siya at niyakap.

"Hatid na kita." Alok ko sa kanya pero umiling siya.

"Wag na, kay Kean na lang ako sasabay. Umuwi ka muna at magpahinga. Alam kong pagod ka eh. Tapos may trabaho ka pa mamaya.." Ang sweet talaga nitong babaeng to. Kaya mahal ko to eh.. Napaka understanding niya. Niyakap ko siya ng mahigpit at hinalikan siya sa noo.

"Ayos na ako. Yakap at halik mo lang tanggal na lahat ng pagod ko." Nakita kong namula yung mukha niya. Ang cute. Kinilig naman yung dalawa niyang bestfriends.

Bigla namang dumating si Kean. "Tara na??" Tumango si Anikka. Kinuha niya yung bag ni Anikka at siya yung nagbitbit..

"Ahm Lorence, una na kami ah. Ingat ka, magpahinga ka ha. Goodbye. I love you." Hinalikan niya ako sa cheeks. Niyakap ko naman siya.

"Ikaw din, mag ingat ka. I love you.." Kumalas siya sa yakap. Tumingin naman ako kay Kean. "Ikaw na bahala kay Anikka ha." Tumango naman siya. Hinintay ko muna silang umalis bago ako umalis ng school.

Pumunta ako sa front gate ng school at dun nag-abang ng jeep. Bigla namang may tumigil na sasakyan sa harap ko. At kilala ko kung sino ang may ari ng sasakyang ito. Si Nathalie. Ano na naman kayang kailangan niya?? Binaba niya yung salamin ng sasakyan niya.

"Get in." Binuksan niya yung pinto.

"What do you need?" Inis kong tanong sa kanya.

"Gusto ko lang ihatid ka. " nakangisi niyang sabi sakin.

"Kaya kong umuwi mag isa." Nagchuckle naman siya. Nakakainis na tong babaeng to ah.

"Sige na sumakay ka na. I'm just a friend with a helping hand. " Hindi ko siya pinansin at naglakad na lang papalayo sa kanya. Sinundan naman niya ako gamit yung sasakyan niya. Hindi ko parin siya pinansin pero after ilang minutes nainis na talaga ako.

"Ano ba talagang gusto mo??!!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at sinigawan ko na siya. Wala akong pakialam kung maraming makarinig o makakita sakin..

"Hindi ako titigil hanggat hindi ka sumasakay sa kotse ko." Nakangisi niyang sabi sakin. Dahil sa inis sumakay na lang ako. At kilala ko si Nathalie, hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ng gusto niya.

Tahimik lang ako buong byahe. Siya naman daldal ng daldal. Nakakainis. Nung nakarating kami sa tapat ng condo ko. Bumaba agad ako at naglakad ng mabilis papasok. Narinig ko pang tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin.

Pagkapasok ko nagbihis agad ako at tinawagam si Anikka.

"Hello babe, I miss you." Nagchuckle naman siya.

[Miss agad? Kakakita lang natin kanina ah. By the way, nakauwi ka na??]

"Yhup, ikaw??"

[Oo kanina pa. Magpahinga ka na, may trabaho ka pa mamaya.]

"Yes babe. I love you. Tawagan ulit kita mamaya."

[Ok. I love you too. Pahinga ka na. ]

And after that nakatulog na ako. 6:00pm gumising na ako at nagready. 6:30pm dumating ako sa restaurant. As ussual ang daming costumers. Pagkadating ko, nag assist na agad ako ng costumers...

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon