Chapter 35

64 5 0
                                    

Anikka's POV

Nandito na kami sa tapat ng bahay nila este palasyo nila. Sobrang laki ng bahay nila... At automatic pang nagbukas yung gate nila. WOW!! Tapos ang laki ng garden nila, palasyong-palasyo talaga ang dating eh.

Nung nandito na kami sa tapat ng pinto ng palasyo nila, itinigil na ni Lorence yung kotse niya.

Lalo tuloy akong kinabahan.. Sigurado ako hindi nila ako magugustuhan para sa anak nila dahil hindi naman kami ganon kayaman..

Hinawakan ni Lorence yung kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. "Wag kang kabahan.. Nandito lang ako.. Hindi kita iiwan.. Ipaglalaban kita." After niyang sabihin yun medyo gumaan na yung pakiramdam ko kaya bumaba na rin kami.

Hawak hawak parin niya yung kamay ko habang papasok kami sa kanila.. Pinagbuksan kami ng maid nila.. And wow naka uniform pa talaga yung maid nila ha..

Pagpasok ko pa lang sobrang namangha na ako.. Sobrang lawak at laki ng loob ng bahay nila.. And sobrang linis kumikintab kintab pa nga eh.. Pwede nang magsalamin sa sahig sa sobrang kintab.. Tapos ang daming magaganda at mamahaling furniture, vases, paintings and appliances..

"Young Master, kanina pa po kayo hinihintay ni Madam at Master, nasa kusina po sila kasama si Miss Nathalie." Nagpunta kami sa kusina.. Medyo malayo pa nga yung nilakad namin eh.. Buti hindi sila naliligaw dito, sobrang laki kasi talaga eh..

Pagdating namin dun, naabutan namin sina tito Neil, tita Jackilyn and si Nathalie na nagtatawanan habang nakain. Napansin naman kami ni tita Jackilyn kaya tinawag niya kami... or si Lorence lang??... Oh, there you are my son. Come here and join us."

"Mom kasama ko po yung girlfriend ko, si Anikka."

"Hello po." Bati ko sa kanila pero parang wala lang silang narinig at hindi nila ako pinansin.

"Come here son, nandito si Nathalie." Sabi naman ni tito Neil... Mukhang ayaw talaga nila sakin kasi hindi nila ako pinapansin.

Hinila naman ako ni Lorence papalapit sa kanila habang hawak hawak parin yung kamay ko. Hinigpitan ko naman yung kapit ko sa kamay niya nung malapit na kami sa kanila.

"Mom, Dad. How many times do I have to tell you that I don't like Nath. Cause I love someone else and that girl is Anikka. And now that she's mine, I will never let her go. I don't let anyone to get her away from me... EVEN YOU!!!" Lahat kami nagulat sa ginawa ni Lorence.. Oo, alam kong ipagtatanggol niya ako pero hindi ko alam na kaya niyang pagsalitaan ng ganun yung parents niya.

Bigla naman siyang sinuntok ni tito Neil kaya napahiga si Lorence sa sahig agad ko naman siyang inalalayang tumayo..

"How dare you say that to us!! You're still our son, kaya gagawin mo lahat ng inuutos namin!! Tingnan mo yang ate mo, sinunod niya yung utos namin kaya ang sarap ng buhay niya ngayon. You're going to leave that girl and marry Nathalie... wether you like it or not.."

"Yes... I'm you're son.. But why can't you respect my decision???!! All of my life I'm doing what you want.. Dad!! I'm old enough to stand for my own.. To have my own decision!!! And hindi niyo alam kung paano naghirap si ate dahil ipinakasal niyo siya sa taong hindi niya mahal!!"

"Okay!! If that's what you want.. Then choose.. You're family or that girl!!" Nagulat ako dahil sa tanong na yun ni tito Neil... Ayokong maging dahilan ng pag aaway ng pamilya nila..

"Sige na Lorence, una na ko.. May kailangan pa kasi----" he cut me off..

"No. You're not leaving...... alone... I'll go with you." Hinila niya ako papaalis pero pinigilan ko siya.

"Anu ka ba Lorence? Dito ka lang.. Wag kang aalis.. Ayokong maging dahilan ng pag aaway niyo ng pamilya mo." Hindi niya ako pinansin at lumingon siya kina tito Neil.

"Remember this.... I will prove to you that I can stand and decision for my own without your help... And wait for that time... " nagsmirk naman si tito Neil.. Si tita Jackilyn at Nathalie naman ay ang sama ng tingin sakin..

"Okay, if you say so. But I will cut your credit cards and get your cars and gadgets." Binitawan ni Lorence yung kamay ko at pinatong sa mesa yung susi ng kotse, credit cards at yung cellphone niya. Pagkatapos hinila na niya ako palabas.

"Teka, seryoso ka ba?? Teka baka nagkakamali ka lang. Pag isipan mo muna.." Tumigil siya at humarap sakin.

"No. Papatunayan ko sa kanila na kaya kong mabuhay ng wala sila, ng walang kahit na anong tulong nila."

"Pero---"

"Makinig ka.... Wala ng anumang bagay ang makakapag pabago ng isipan ko.. Mahal kita Anikka at ayokong mawalay sayo." Hinalikan niya ako sa noo at hinawakan yung kamay ko sabay hinila niya ako palabas.

Medyo malayo pa yung nilakad namin ni Lorence bago makalabas ng gate nila, sobrang lawak kasi ng garden nila eh.. Nung nakalabas na kami ng gate nila, naglakad pa ulit kami ng malayo layo hanggang sa makarating kami sa kanto kung saan may nadaan na mga taxi.

Pumara si Lorence ng isang taxi at sumakay kami.

"Kuya, sa park po kami." Minabuti ko munang hindi umimik habang nasa byahe. Sa park na lang siguro ako magtatanong sa kanya..

Nung nakarating na kami umupo kami sa isang bench. Ilang minuto rin kaming tahimik. Kaya hinayaan ko na lang siya, siguro malalim yung iniisip niya ngayon.

Bigla naman niya akong inakbayan. Tumingin ako sa kanya pero nakatingin lang siya sa malayo..

Bigla namang may dumaang ice cream vendor sa harap namin.

"Hijo, hija, bili na kayo ng ice cream." Tinignan ako ni Lorence na parang tinatanong niya kung gusto ko. Umiling na lang ako.

"Hindi na po manong. Salamat." Umalis na si manong sorbetero pagkasabi nun ni Lorence. "Sorry" napatingin naman ako sa kanya. "Sorry, kasi nadamay ka pa sa problema ko."

"Wala yun. Basta ikaw. Tsaka sabihin mo lang kung paano ako makatutulong sayo," tumango naman siya. "Teka san ka nga pala tutuloy ngayong gabi?"

"Hindi ko pa alam eh.!"

"Samin ka na lang muna matulog ngayong gabi, sigurado ako matutuwa sila mama kasi miss ka na ng mga yun eh."

"Naku wag na nakakahiya. Atsaka may pera pa naman ako dito eh. Magco-condo na lang ako."

"Gastos lang yan eh. Mas makakatipid ka kung samin ka tutuloy kasi libre na pagkain mo dun." Tumawa naman siya sabay gulo sa buhok ko.

"Hehe, sige na nga. Pero ngayong gabi lang ah."

"Yehey!!! Text ko lang sina mama na dun ka tutulog ah." Kinuha ko cellphone ko sa bag at tinext sina mama. "Tara na?" Yaya ko sa kanya. Tumango naman siya at tumayo. "Excited na akong sabihin sa kanila na tayo na, ano kaya reaksyon nila?" Iniisip ko palang reaksyon nila natatawa na ako. Pati si Lorence natawa rin.

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon