Anikka's POVAng saya ko talaga!! Nakausap ko si Dylan kahapon!! Dream come true to sakin!!!
"Anikka!!" Nagulat ako ng biglang may sumigaw ng pangalan ko. Napalingon naman ako. Nakita ko sina Kean na nakatingin sakin.
"Bakit?!" Sigaw ko sa kanila. Lumapit ako sa kanila para makausap ko ng ayos.
"San ka pupunta?.." Huh? San nga ba?
"Huh? " naku lutang na naman ang isip ko kaya hindi ko na alam ang ginagawa ko.
"Eh kasi diba pupunta tayong canteen. Tapos bigla ka na lang mawawala. Tapos makikita kita nandun na." Tinuro niya yung place kung nasan ako kanina.
"Ah ganun??? Ah.. Eh.. Sige tara na..!!" Hinila ko siya papuntang canteen.
Kahit sa pagkain lutang parin yung isip ko. Hindi kasi talaga ako makapaniwala na kinausap ako ni Dylan kahapon!!..
"Hi, can i join?" Tumingin ako sa lalaking umupo sa tabi ko.. OMG!! Si Dylan..
"Sure." Sabi ko. Emeged kinikilig ako.. Kahapon kinausap niya ako, tapos ngayon katabi ko na siya at kasabay ko pa siya kumain!!!
Hindi tuloy ako nakakain ng ayos dahil kay Dylan. Wala naman siyang ginagawa sakin ha, it just that kinikilig talaga ako eh...
-----------------------
Mabilis na lumipas ang mga araw. Todo praktis kami ni Kean para sa presentation namin sa xmas party. Nga pala, hindi na namin kagroup si Lorence dun, kasi silang dalawa na lang daw ni Nathalie ang magkagroup dun.
Nakauwi na rin sina mama galing Albay. Ang dami nilang dalang pasalubong samin ni Kean. Namiss ko talaga sila.
At dahil sabi nina mama na sobra daw nila kaming namiss at gusto daw nila ng bonding time with us napagpasyahan nilang mag outing kami. Kaya andito kami sa isang resort sa Batangas.
Kakarating lang namin. Dumiretso kami sa pent house namin. Nandito pa ako sa room ko. Tinatamad pa ako lumabas. Nakita ko na sina mama kanina na nagsi swimming na sa baba.
Bigla namang may kumatok sa pinto. "Sino yan?" Binuksan ko yung pinto. Si Kean lang pala.
"Tara na sa baba!."
"Sige, una ka na. Susunod na lang ako mamaya. I'll just take a nap." Bigla naman siyang pumasok sa kwarto ko at umupo sa kama ko.
"Then, mamaya na lang din ako.." Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
"Wag na. Sige na. Umuna ka na." Bigla naman siyang humiga at pumikit.
Hay nako, ito talaga. Makatulog na nga lang. Inaantok na rin ako eh.
-----------------------------
Pagkagising ko nakita ko agad si Kean na nakatingin sakin.
"Hi." Sabi ko sabay unat.
"Hi. Gutom ka na?" Tumango naman ako. Bigla namang pumasok si mama sa loob.
"Dinner is ready!!"
"Huh? Dinner??" Napatingin ako sa kanilang dalawa. Dinner? Napatingin naman ako sa bintana. Madilim na nga. Ganun ba ako katagal nakatulog??
Nagchuckle naman silang dalawa. "Hahaha. Tulog mantika ka talaga anak. Hahaha." Sabi ni mama sabay labas ng kwarto.
"Let's go?" Sumama na lang ako sa kanya kahit hindi pa rin ako makapaniwala na gabi na. Umaga pa lang kasi nung natulog ako..
"Sorry ha." Sabi ko kay Kean. Kumakain na kami.
"Ok lang yun."
"Promise, babawi ako sayo bukas." Tumingin siya sakin tapos ngumiti. Ginulo niya yung buhok ko sabay balik sa paglain niya. Siguro gutom din siya kakahintay sakin.
Sabi din kasi nina mama hindi daw talaga lumabas Kean ng kwarto ko. Hindi nga daw siya nag tanghalian at nag mirienda eh. Nahihiya tuloy ako sa kanya. Babawi talaga ako bukas..
---------------
Maaga pa lang gumising na ako. Sosorpresahin ko si Kean. Tinignan ko siya sa kwarto niya, tulog pa siya.
Pumunta ako sa kusina at humingi ako ng tulong sa mga chef's dito. Isosuprise ko kasi si Kean ng breakfast in bed.
Nung pumasok ako sa room niya tulog parin siya. Hinintay ko siyang magising. Hindi ko maiwasan na mapatitig sa pogi niyang mukha... Teka ano bang pinagsasasabi ko dito... Pero hindi ko rin maipagkakaila na pogi talaga siya, ang amo ng mukha niya, pulang mga labi, matangos na ilong, mahahabang pilik mata,.....
Nagulat ako ng bigla siyang mumulat. Nakangisi siya.
"Pwede mo naman akong picturan para yun na lang yung titigan mo, hindi yung pupunta ka pa sa kwarto ko ng ganito kaaga para lang titigan ako." Hinampas ko naman agad siya sa dibdib niya, pero syempre hindi malakas. Nagchuckle naman siya.
"Yabang.. Atsaka hindi ako nagpunta dito ng ganito kaaga para lang titigan ka. Nandito ako para bumawi sayo. " kumunot naman yung noo niya. Tumayo ako at pumunta sa lamesa sa may tabi ng kama niya, kinuha ko yung tray ng pagkain.
"Tadahh!! Breakfast in bed for you!!" Ngumiti siya ng saglit pero biglang nagbago yung expression niya. "Bakit? May problema ba?"
"Nagbreakfast ka na ba?" Hindi ako nakasagot, nakayuko lang ako. Ang epic fail ko naman. Nagchuckle naman siya, bigla siyang lumapit sakin tapos ginulo niya yung buhok ko. "Share na lang tayo." Kinuha niya yung tray sakin tapos bumalik siya sa kama niya. Sumunod naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya.
Tatayo na sana ako para kumuha ng plato at kutsara pero pinigilan niya ako."Ako na." Tumango naman ako at umupo ulit.
Naaalala ko nung una ko siyang dinalhan ng breakfast in bed, ganitong ganito rin yung nangyari. Napatawa na lang ako sa naalala ko.
Nung bumalik siya kumain na kami, tapos naligo at nagbihis kami. Lilibutin namin tong buong resort na to. Bukod daw kasi sa dagat at swimming pools dito, may iba pa daw na dinadayo dito yung mga tourists. May iba't ibang gimik din daw dito sa resort na to. Kaya nga nanghihinayang ako na hindi ako naka labas kahapon. Tapos hanggang mamayang hapon nalang kami dito. May pasok pa kasi kami bukas eh.
Sinulit namin yung huling araw namin dito. Sobrang saya!!
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??