Anikka's POV
Ugh!! Ang sakit ng ulo ko. Minulat ko yung mata ko. Nasa kwarto ko na ako. Ugh!! Ano ba nangyari kagabi?
"Good morning!" Umupo sa kama ko si Kean. Pinilit kong umupo pero hindi ko kaya. Sobrang sakit ng ulo ko. Tinulungan ako ni Kean na umupo.
"Here, drink this. Para mawala yang hang over mo." Ininom ko yung kami. Hindi naman siya gaanong mainit kaya mabilis kong naubos.
"Ano ba yung nangyari kagabi? Ang huli kong naalala nagiinuman kami nung mga pinsan ni Lorence.... At oo nga pala!! Bakit bigla kang nawala ha?!! Hinahanap kita kahapon eh... Iniwan mo ako.." Nagpout ako. Ginulo naman niya yung buhok ko.
"Hehe, sorry. Sumama lang yung pakiramdam ko, and hindi na ako nakapagpaalam sayo kasi, busy ka sa pakikipagsayaw sa..... Lalaking mahal mo.." Nagulat ako sa sinabi niya..
"P-pano mo nalaman?"
"Halata naman sa kilos mo eh. Atsaka narinig ko yung usapan niyo ni Dara kahapon." Napayuko naman ako dun. Naku nakakahiya naman.
"Pwede satin na lang yun. Kasi---" he cut me off.
"Don't worry wala akong pagsasabihan."
"Thanks.." We smiled at each other.
"Let's eat na. Baka malate pa tayo sa mass." Bumaba na kami at kumain. Nung natapos na kami bigla namang may nagdoor bell. Ako na yung nagbukas naghuhugas kasi ng plato si Kean..
"Lorence?" Pumasok siya sa loob ng bahay at umupo sa sofa.
"Hi.." Umupo ako sa tapat niya.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Ahm gusto ko sanang sumama sa inyo sa church." Tumango naman ako.
"Sige ligo lang ako." Umakyat na ako ng kwarto at nagready na. Pagkababa ko. Lumabas narin si Kean ng kwarto niya. Ang pogi niya. Sobrang porma niya. Syempre pati si Lorence, ampogi at amporma din.. Ang popogi naman ng mga kasama ko.
Sa kotse ni Kean ako sumakay. Nung natapos na yung misa kumain kami sa KFC..
Inorder ako ni Kean. Habang umo-order si Lorence, may dumating na hindi namin inaasahan. Tumabi siya lay Lorence.
"Hi babe." Tama kayo, si Nathalie. Bakit ganto na naman yung nararamdaman ko. Parang kinakabahan ako na parang.... Ay ewan..
Hindi siya pinansin ni Lorence. Umoder lang si Lorence. Umorder na rin si Nathalie."Anong ginagawa mo dito?!" Mukhang inis si Lorence ah. LQ kaya tong dalawang to??
"Ahm, sinundan kita. We supposed to have a date kasi ngayon diba? And oh great. I think it's a double date." Tumingin siya samin. Halatang fake yung smile niya.
Dumating na yung waiter. Kumain na kami. Tahimik lang kaming kumakain. Si Nathalie naman todo kulit kay Lorence. Si Lorence naman inis na inis. Pero nagseselos ako sa kanila. Minsan kasi susubuan ni Nathalie si Lorence. Kainis.. Bakit ba ako nagseselos??..
Pagkatapos kong kumain nag excuse muna akong magccr. Nung nasa cr na ako sumunod pala sakin si Nathalie.
"Akala ko ba hindi ka pupunta dun sa kasal ni ate Miriam.?!" Tinignan ko siya sa salamin. Nakatingin lang din siya sakin. Ang taray niya.
"Ano kasi... Sinundo ako ni Lorence kahapon, nakakahiya naman kung hindi ako sasama." Lumapit siya sakin at tumingin sakin. Nakataas pa yung isa niyang kilay.
"Alam mo naman na magfiancè kami diba?" Tumango ako. "Alam mo rin na, one of this days pwede na kaming ikasal." Tumango ulit ako. This time yumuko ako.
BINABASA MO ANG
Falling In Love with My Childhood Friend
Teen FictionWhat if after 7 years magkita ulit kayo ng childhood friend mo.. What if ma fall ka sa kanya?? Will you say it to him/her or just hide you feelings?? What if mahal ka rin niya?? Will you take the risk??