Chapter 19

99 3 0
                                    

**principal's office

"So what happened, bakit kayo nagsuntukan?" Nakatangin lang ng seryoso sa kanilang dalawa yung dean. Nakayuko lang yung dalawa. Walang sumasagot sa tanong niya. Kaya tumingin sakin yung dean, i just shook my head means wala akong alam. He sighed.

"Ok. Kung hindi kayo magsasalita, i think the both of should have punishment, since ayaw niyong ikwento sakin yung whole story." Nakatingin lang samin yun dean, na parang naghihintay ng sagot or paliwanag. Tumingin ako sa dalawa, nakayuko parin sila, mukhang wala talaga silang balak na magkwento, gusto ko sanang magkwento kaso hindi ko naman alam yung totoong nangyari.

"Wala talagang magkukwento? Ikaw ms. Rocafort?" Tumingin sakin yung dean na parang naghihintay ng sagot.

"Sorry sir wala po kasi akong alam, galing po kasi akong comfort room, pagdating ko po ng canteen nagsusuntukan napo sila." Tumango naman siya.

"Ok. Pero may nakapagsabing ikaw yung huling kasama nila bago sila magsuntukan, may pinag awayan ba sila?" Opo. Sasabihin ko ba? Bigla namang hinawakan ni Kean yung kamay ko, tinignan ko siya, nakayuko parin siya. Ano? Sasabihin ko ba na ako yung pinag awayan nila? Naku nakakahiya naman, pero hindi naman literary AKO, yung seating arrangement lang naman.

"Sir, bago po kasi magbreak time nag-away po sila about sa seating arrangement,.." kumunot naman yung ulo niya, at lalong humigpit yung hawak ni Kean sa kamay ko. Tinuloy ko naman ang pagkukwento sa dean.

"So mukhang may love triangle pala tayo dito." He smirked. Namula naman tuloy ako. Nakakahiya.

"So dahil LOVE lang naman pala yung dahilan ng away niyo, madali lang yung punishment ko sa inyo, and mr. Padua hindi porket share holder ng school na to ang daddy mo eh may special treatment ka dito, pati ikaw Lorence, hindi porket pamangkin kita eh palalampasin ko yang ginawa mo." Nagulat ako sa sinabi niya. Pamangkin? So ibig sabihin tito niya yung principal ng school na to.??

"Ok maiiwan kayong dalawa dito sa school na to mamayang uwian para gawin yung punishment niyo, don't worry tatawag ako sa mga bahay niyo para ipagpaalam kayo." Tumango lang silang dalawa.

"Sir pwede po magpaiwan din po ako, tutulungan ko po sila, since ako naman po yung dahilan ng pagaaway nila." Namula ako sa sinabi ko.

"Ikaw bahala ms. Rocafort. As long as magagawa parin nila yung punishment nila. Ok you may go.", tumango ako.

"Thank you sir" tumayo kami at lumabas na ng principal's office.

Napansin ko lang, hanggang ngayon pala magkaholding hands parin kami. Tahimik parin silang dalawa, walang umiimik sa kanila,

**burrp** (sound of my hungry tummy)

Napatigil kaming tatlo sa paglalakad. "Sorry, hindi pa kasi ako nakain eh." Totoo naman, hindi ko kasi nakain yung inorder sakin ni Kean, kasi alam niyo na muntikan na kaming mag ano. Mag kiss. Kaso naudlot dahil kay Lorence na sinabihan pa kami ng masasakit na salita.

"Hehe, sorry it's my fault. Let's go. Let's eat." Napakamot siya sa ulo niya habang naka smile. 0m0 ang cute niya!!!!  Hinila niya ako papuntang canteen, ngayon nakangiti na siya,kaya napangiti na rin ako. buti naman ngumiti na siya. Nung nakarating na kami ng canteen walang tao, may class na kasi, umorder si Kean ng kanin & ulam, tsaka juice. At kumain lang kami.

  Teka nasan na kaya si Lorence? Alam ko hindi parin yun kumakain eh, sigurado ako gutom na yon.

"Sinong hinahanap mo?", nakatingin siya sakin, ano sasabihin ko ba na si Lorence?

"Ahm wala.", i smiled at him, a fake one. Sana lang hindi niya mahalata. He shook his head.

"Si Lorence yan noh?" Nagulat naman ako sa sinabi niya, pano niya nalaman?, magasasalita pa lang sana ako ng bigla siyang nagsalita.

"Alam mo nagseselos na ako sa kanya ah, kanina nung nagsuntukan kami siya yung niyakap mo imbis na ako." Nag pout siya. OmO ang cute niya!! Nakakagigil. Parang gusto kong pisilin yung mukha niya at kurut kurutin siya sa sobrang cute.

Tapos nun kumain lang kami ng tahimik, dahil na rin siguro sa sobrang gutom namin. After kong kumain nag excuse lang akong gagamit ng comfort room.
Malapit na ako ng comfort room kaso nakita ko si Lorence...

"OMG!!! LORENCE!!!!"

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon