Chapter 26

78 5 0
                                    

Lorence POV

Nasa bahay ako nina Anikka kanina, ayaw ko pa sanang umalis kaso tinawagan ako ni ate, kelangan ko daw umuwi. Importante daw. Kaya eto ako nagmamaneho pauwi. Pagdating ko sa bahay naabutan ko silang nagkukwentuhan sa sala. Lumapit ako. Napasmirk na lang ako sa nakita ko. So andito pala siya. Siya pala yung sinasabi nilang importante. Dapat pala hindi na lang ako umalis kina Anikka.

"Hi babe!! Miss me?" Lumapit siya sakin at nagcling sa braso ko.

"Anong ginagawa mo dito?" Naka poker face lang ako

"I'm visiting you, cause i missed you badly." Nagpout pa siya. Oo cute siya pero hindi siya ang type ko, napaka arte niya, spoiled bratt, maldita, at nakakairita siya.!

Nilayo ko siya sakin at umakyat na ako papuntang kwarto ko, narinig ko pang tinawag nila ako pero hindi ako lumingon.

Kainis!! Ano bang ginagawa niya dito??!! Bumalik na naman siya..

Siya nga pala si Nathalie Angel De Villa. Anak siya ng isa sa pinakamayamang tao sa Canada. At siya lang naman ang fiançe ko. Ang totoo niyan naka arranged marriage kami. Ewan ko ba kina papa, ayos na naman yung kumpanya namin, mayaman na naman kami, bakit kelangan pa akong ipakasal dun.

Ang sabi naman sakin ni mama, isang malaking opportunity daw na makamerge yung De Villa company.. Bakit hindi na lang sila yung magpakasal dun sa mga De Villa na yun. Bakit ako pa??

Alam naman nilang ayaw na ayaw ko kay Nath eh, bakit pinagpipilitan parin nila?! Kahit anong gawin nila, hindi ko papakasalan yang babaeng yan.!!

------------------------------------

Nagising ako dahil parang may gumagapang sa mukha. Pag mulat ko si Nath lang pala. Nililibot niya yung daliri niya sa mukha ko.

"Anong ginagawa mo!!" Nilayo ko yung kamay niya at umupo ako sa kama.

"What? Argh!! Painosente pa tong babaeng to oh!!

"Ano bang ginagawa mo sa kwarto ko?! Lumabas ka nga!!" Tinulak ko siya palabas ng kwarto, pero ayaw niya papigil.

"Wait lang!!" Kumawala siya sa hawak ko pumunta sa table sa tabi ng kama ko, at kinuha niya yung tray na may lamang pagkain.

"Tadah!! I prepare breakfast in bed for you!!" Hindi ko siya pinansin at hinila ko ulit siya palabas ng kwarto ko.

"Hindi ako nagugutom. Lumabas kana maliligo pa ako. Papasok pa ako.!!"

"Hindi ka na makakapasok, late ka na!!." Napatingin naman ako sa orasan sa tabi ng kama ko. 8:30 am!!! Sobrang late na pala!!

"Oh, kumain ka muna, bukas ka na lang pumasok." Pumasok ulit siya sa kwarto ko at pinatong yung tray sa lamesa sa tabi ng kama ko.

"I'm full."

"No, you don't. Hindi ka kumain kagabi."

"Kumain ako."

"Saan?"

"Sa bahay ng classmate ko... Kaya alis na!!"

"Not, unless you eat this.." Argh!! Galing talagang mangblackmail ng babaeng to!!.

"K fine.!!" Kinuha ko yung tray at kinain ko ng mabilisan yung pagkain, wala pa atang 5 minutes yun eh.. Nung natapos na ako inabot ko na sa kanya.

"Happy??" Mukhang gulat na gulat pa siya.

"Wow. Ang bilis mo kumain." Hindi ko siya pinansin at tinulak ko na lang siya palabas ng kwarto at nilock.

Kainis yung babaeng yun!! Agang aga pinapainit ulo ko!! Bakit ba kasi bumalik pa siya eh. Akala ko mawawala na talaga siya sa buhay ko dahil sa ginawa ko sa kanya.

Flashback**

Nandito ako sa bar. Naglalasing. Nakakainis yung babaeng yun. Kaya lang naman ako pumayag na maingage sa kanya ay dahil kay mama, nakiusap siya sakin. At kahit kailan hindi ko kayang suwayin si mama. Dahil siya na lang ang nagiisa kong kakampi, matapos yung nangyaring aksidente dati. Lahat sila galit sakin. Hindi ko naman kasi ginusto yun eh. Hindi ko ginustong mamatay yung kapatid ko. :(

*mommy calling*

"Hello mom?"

[Wait, are you drunk? Where are you?]

"Mom? What do you need?"

[Ok. I just want to remind you that you should sleep early cause tommorow is your engagement party with Nathalie.]

"Yes mom. Bye."

Umalis na ako sa bar at umuwi. Bahala na bukas.

--------------
"Lorence, wake up."

"Why?"

"You should eat your breakfast now cause you need to get ready for your engagement party this night."

"But its too early to get ready. The engagement party is still this night!!"

"Yeah, but i want this to be perfect!!"

Bumangon na ako sa kama at nagbreakfast. Kung ano anong ginagawa nila sakin. Kakapagod..
--------------------
Nagsisimula na yung party. Ang daming mayayaman at mga kilalang tao dito. May mga media rin. Sikat nga talaga ang De villa family. Pero wala akong pake.

Ipinakilala na kami ni Daddy. At nagspeech na si Nathalie, at kung ano anong kasinungalingan ang mga sinasabi niya. At nung ako na yung nagsspeech. Sigurado akong magugulat silang lahat sa sasabihin ko.

"Thank you for coming in our engagement party. But i just want to say you something. Actually i don't like this f*cking party. And i don't like to get married to her. Cause i really don't like her!! Cause i loved someone else. And she is the one who i want to be married... Sorry dad, mom. But i loved her."

And pagkatapos ng speech ko. Tumakbo ako. Naririnig ko pang nagsisigawan sila pero wala akong pakielam. Ang totoo, nagsinungaling ako nung sinabi kong may iba akong mahal na babae, dahil hindi pa ako naiinlove noon.

End of flashback**

Pagkatapos nung nangyaring yun. Lalong nagalit sakin si papa kaya pinadala nila ako dito sa Pilipinas. Nabuhay ako dito ng magisa at masaya ako. Pero after 2 years bumalik sila dito ni papa. Ok na kami ni mama, pero hanggang ngayon galit parin sakin si papa.

Kaya gulat na gulat talaga ako nung nakita ko ulit siya kagabi. Hindi ko alam ang balak niya kung bakit siya nandito. At kung plano nilang ituloy yung kasal namin... Hinding hindi ako papayag, lalo na't dumating na sa buhay ko si Anikka. Ang babaeng mahal na mahal ko. At gagawin ko ang lahat maging kami lang, at mahalin lang niya ako.

Hindi ko alam pero simula nung nakilala ko siya nagbago ako. Dati ang lakas ko uminom at manigarilyo, pero nung nalaman kong ayaw niya sa lalaking may bisyo, hindi na talaga ako umiinom at naninigarilyo. Tapos nag aaral na talaga ako ngayon ng ayos para sa kanya. Gusto niya daw kasi ng lalaking masipag mag aral, kahit daw hindi matalino. Hindi na rin ako masyadong nakikipag away at nakikipag suntukan. Pero nung dumating yang si Kean, nakipagsuntukan at nakipag away na naman ako. Ayan tuloy nagkabad shot ako sa kanya. Hindi ako susuko. Atsaka kaibigan lang din naman ang tingin ni Anikka kay Kean eh. Kaya it's a tie. Hahaha.

Falling In Love with My Childhood FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon